YAZLIN'S POV
Ilang araw nang nagmumukmok si Yazlin. Hindi siya lumalabas ng silid niya. Lalabas lang siya kapag nagugutom para kumain. Tuwing tinatanong siya ng kapatid kung bakit nasa silid lang siya lagi ay sinasabi niyang pagod lang. Alam niyang hindi naniniwala sa mga palusot niya si Rozel ngunit hindi din naman siya kinukulit.
Ilang linggo na din ang huling beses na tumawag ang nobyo. Hindi na ito naulit pa. Ayaw niyang mag-isip ng kung ano dahil baka makakasama sa baby niya.
May kumatok sa pinyo. Hindi na siya nag-abalang buksan iyon dahil kusa iyong bumukas at pumasok ang kapatid niya na parang pagmamay-ari nito ang silid.
“Are you going to stay here all day?” Tanong nito. Seryoso itong nakatingin sa kanya habang siya ay nakahiga sa kama.
“I don’t have anything to do,” sabi niya. At isa pa, nitong mga nakaraang araw ay lagi siyang pagod at inaantok. Gusto niya laging natutulog lang. Siguro dahil sa pagbubuntis niya.
“You know you can tell me your problem, right?” Rozel.
“I’m just tired,” pagsisinungaling niya. Paulit-ulit nalang ang rason niya.
“Hoy Yazlin, hindi ako tanga. Tinatanggap ko lang iyang mga rason mo kahit hindi kapani-paniwala,” ngumuso siya sa litanya ng kapatid. Ayaw niyang magkwento. Nakakapagod. “Anyway, Arvin’s here. Naghihintay siya sa labas ng gate. Sinabihan ko nga na pumasok pero siya ang ayaw. Baba ka na ha,” napatayo siya sa sinabi ni Rozel habang ang lalaki ay lumabas na ng silid niya.
Ang bilis ng tibok ng puso niya dahil sa kaba. Nanginginig din ang mga kamay niya. Bakit nandito ang nobyo? Makikipaghiwalay na kaya ang binata? Pinigilan niyang tumulo ang mga luha. Kinalma niya muna ang sarili bago bumaba para harapin ang bisita. Mabagal siyang naglakad palabas ng bahay. Pakiramdam niya ay para siyang bibitayin. Napahawak siya sa kanyang tiyan.
Nakita niya agad si Arvin nang makalabas siya ng tuluyan. Nakasindig ito sa sasakyan habang naghihintay. Gusto niyang tumakbo at yakapin ito ng mahigpit sa sobrang pangungulila niya sa binata ngunit pinigilan niya ang sarili. Napaayos ng tayo ang nobyo nang makita siya.
Lumapit ang binata at ito na mismo ang yumakap ng mahigpit. Hindi na niya napigilan ang sarili at gumanti siya mahigpit na yakap. Nang maglayo sila ay hinawakan nito ang mukha niya at hinalikan siya sa mga labi. Ramdam din niya ang pangungulila ng nobyo.
“I missed you so much. Sorry ngayon lang ako nakadalaw,” ani Arvin.
Pinaliwanag ng nobyo na naging busy ito sa hospital. Ayaw daw kasi ng mama nito na umalis ang binata. Madami itong sinabi ngunit hindi siya nakikinig. Mabigat ang loob niya dahil sa takot na baka makikipaghiwalay na sa kanya si Arvin para sundi ang hiling ng ina nito.
“Makikipaghiwalay ka na ba?” Napalayo ito sa tanong niya. Kahit siya ay nagulat sa direktang tanong.
“Anong makikipaghiwalay? Hell no!” Hindi makapaniwalang bulalas nito. “Bakit naman ako makikipaghiwalay?”
“Dahil papakasalan mo na si Nadine…” hindi maipinta ang mukha ng binata sa sinabi niya.
“How did you know about that?” Arvin.
“Hindi na iyon importante. Makikipaghiwalay ka nga?” Mabuti na iyong prangkahan. Why prolong the agony?
“I said no!” Bahagya siyang nagulat nang magtaas ito ng boses. “Alam mo na ang tungkol kay mommy?” Tumango siya bilang sagot.
“Iiwan mo na a-ako?” pumiyok ang boses niya. Lumambot naman ang hitsura ng kausap.
“Of course not. Hinding-hindi kita iiwan. You know I love you, right?” Masuyong sabi nito. Lumapit ito sa kanya at niyakap ng mahigpit.
“Pero kahit anong gawin natin ay ayaw ng mommy mo sa akin,” tumulo ang kanina pa niya pinipigilang mga luha. “Gusto niya si Nadine para sayo.” He wiped her tears.
“Hinding-hindi ako magpapakasal kay Nadine o kahit na sinong babae. Kung meron man akong papakasalan ay ikaw iyon at wala ng iba,” mas lalong lumakas ang iyak niya. “Hey, stop crying. Galit ka ba dahil ngayon lang ako nakadalaw?”
Niyakap siya ulit ng nobyo na mas lalong nagpalakas ng iyak niya. Emosyonal siya dahil sa pagbubuntis niya. Dapat niyang sabihin sa binata na magkakaanak na sila.
“I’m pregnant,” and there, she said it. Natigilan naman ang kaharap. Pagkagulat ang rumehistro sa mukha nito.
“W-What?” Kinabahan siya sa reaskyon nito. Lumayo ito ng bahagya at tumitig sa mga mata niya.
“I’m four weeks pregnant,” hindi pa din nagbago ang reaksyon nito. “Arvi---” halos mapatalon siya sa gulat nang sumigaw ito ng malakas.
“I’m going to be a father!” Masayang sigaw nito. Tumulo naman ulit ang mga luha habang nakatingin sa masayang binata. “I’m going to be a father…” Pag-uulit nito.
Masaya naman siyang tumango. Nagniningning ang mga mata ng nobyo habang nakatingin sa kanya. Sinakop nito ang mga labi niya. He kissed her hungrily.
“God! I’m going to be a father,” hindi pa din ito makapaniwala. “I am so happy, Love. Thank you. I love you so much and our baby,” tumulo ang luha sa mga mata ng kaharap.
“I love you, too.”
ARVIN'S POV
Nasa condong pagmamay-ari niya silang dalawa ni Yazlin. Walang saplot ang kanilang mga katawan habang nakahiga sa kama. Nakaunan ang dalaga sa braso niya habang ang isang kamay niya ay nasa tiyan nito. Hindi pa din siya makapaniwala na magiging ama na siya at bubuo na silang dalawa ng nobya ng sariling pamilya.
“Love…” tawag niya sa katabi. Nakapikit na ito at mukhang inaantok na.
“Hmm?” hindi ito nagmulat ng mga mata.
“Kailan mo nalaman na buntis ka?” Magiliw niyang tanong. Tsaka lang nagmulat ang kausap at nag-iisip.
“About a week ago,” sagot nito. Bumigat ang loob niya sa nalaman na mag-isa ito nang malaman na magkakaanak na sila.
“I’m sorry na wala ako ng mga panahong iyon,” he kissed her passionately. Hindi na ito nagsalita pa at yumakap ang mga kamay nito sa bewang niya.
-
-
-
Naalimpungatan siya nang biglang tumayo ang katabi at tumakbo sa CR. Nawala naman agad ang antok niya nang marinig ang pagsusuka ng nobya. Nagmamadali siyang sumunod sa banyo at nakitang nakaluhod ito sa inidoro at nagsusuka. Lumapit siya sa dalaga at hinagod ang likod. Nang matapos ay inalalayan niya itong bumalik sa kama dahil nanghihina ito.
“I’ll get you some water,” tumango lang ito kaya dali-dali siyang nagtungo sa kusina at kumuha ng tubig doon. Binigay niya dito ang isang baso ng tubig nang makabalik na ininom naman agad ng nobya. Bumalik ito sa paghiga.
“Are you okay?” Nag-aalala niyang tanong. Dadalhin na kaya niya ito sa hospital?
“Yeah, I’m hungry.” Nabawasan ang pag-aalala niya sa sinabi nito. Napangiti siya.
“I’ll cook for you,” hinalikan niya ang noo nito bago lumabas para bumalik sa kusina.
Magiliw siyang nagluto ng agahan. Masaya siyang pagsilbihan si Yazlin lalo na at dalawa na ang pakakainin niya. Para siyang tanga na nakangiti habang nagluluto. Hindi naman nagtagal ay tapos na siya sa at bumalik siya sa silid dala ang pagkain. Nakatulog ulit si Yazlin.
“Love,” ginigising niya ang natutulog na dalaga.
“Hmm?” nakapikit pa din ang mga mata.
“Kumain ka muna bago matulog ulit,” inalalayan niya itong bumangon.
Sinubuan niya ang dalaga hanggang sa matapos ito sa pagkain. Umiinom na ng tubig si Yazlin nang tumunog ang kanyang telepono. Ang kapatid niya ang tumatawag. Sinagot niya ang tawag habang inalalayan si Yazlin makahiga ulit.
“Yes?” sabi niya kay Alexa sa kabilang linya.
“Where are you, kuya?” tanong nito.
“Nasa condo,” napatingin siya sa nobya nang maramdaman ang mga titig nito habang nakikinig sa kanya.
“Hinahanap ka ni mommy,” napabuntong hininga siya. Kailangan na naman niyang bumalik sa hospital. “She asked to bring Yazlin with you.”
Napaayos siya ng upo sa kama nang marinig ang sinabi ng kapatid. Tama ba ang dinig niya? Gusto ng kanyang ina na isama niya ang nobya sa hospital? Napatingin siya sa dalaga na nakakunot ang noo habang nakatingin lang sa reaksyon niya.
“Why?” tanong niya.
“I don’t know,” ilang sandali lang ay nagpaalam na ang kapatid.
Kinuwento naman niya kay Yazlin ang tungkol sa pinag-usapan nila ni Alexa. Nagulat din ang nobya. Nag-aalinlangan pa ito kung sasama ngunit pumayag din sa huli.
YAZLIN'S POV
Naglakad sila sa hallway ng hospital. Kasama niya si Arvin. Mas lalong lumakas ang tambol ng kanyang dibdib habang papalapit na sila sa silid ng ina ng binata. Inalalayan siya ng nobyo. Ingat na ingat ito sa kanya na parang ano man oras ay mababasag siya. Huminto sila sa tapat ng pinto.
“It’s going to be okay. I’m here,” masuyong nitong pinisil ang kanyang isang kamay. Ngumiti naman siya sa dito.
Pinihit nito ang seradura at sabay silang pumasok. Nakita niya si Alexa habang kausap nito ang ginang. Simula nang makabalik siya ng Pilipinas hanggang nagkabalikan sila ng nobyo ay ngayon lang niya nakasama sa malapitan ang dating kaibigan.
Tumingin sa amin ang dalawan babae nang maramdaman ang pagpasok nila. Malumay na tumitig sa kanya ang ina ng binata. Napansin niyang malaki ang pinagbago ng ginang. Pumayat ito at wala na ang dating awra nang huli silang nagkita.
Walang nagsalita sa kanilang apat. Parehong pinakiramdaman ang isa’t-isa. Napatingin silang tatlong babae nang malakas na tumikhim ang katabi.
“Nasaan si papa?” tanong ni Arvin.
“Umuwi muna, kuya.” Sagot ni Alexa.
“Can I and Yazlin talk alone?” Nalipat ang kanilang atensyon sa ginang nang magtanong ito. Kinabahan naman siya. Napahawak siya sa isang kamay ng nobyo na agad naman nitong nakuha ang kanyang ibig ipahiwatig.
“No, mom. Hindi ko iiwan si Yazlin. Kung mag-uusap kayo, dito lang ako.” Arvin.
“Arvin, wala akong gagawin masama kay Yazlin. Mag-uusap lang kami. Please,” nagkatinginan sila ng binata. Ayaw sana nitong pumayag ngunit sumenyas siya na okay lang sa kanya kaya lumabas ito ng silid kasama ang kapatid.
Namayani ang katahimikan nang sila nalang dalawa ng ginang ang naiwan. Nakatayo lang siya habang nakatingin sa mama ni Arvin. Ngumiti ang ginang at itinuro ang isang upuan na nasa tabi ng higaan nito. Nag-alinlangan siyang lumapit at naupo.
“How are you?” malumay nitong tanong.
“Okay lang po,” sagot niya habang nakatingin sa kung saan basta wag lang sa kausap. Hindi siya komportable sa ginang.
“I’m sorry,” nagulat siya sa sinabi nito. Hindi niya inaasahan na hihingi ito ng tawad. “I’m sorry for everything I said. Ang laki ng kasalanan ko sayo. Ikaw ang sinisi ko sa nangyari sa nakaraan,” tumulo ang luha sa mga mata nito.
“You were right. I’m a selfish person. Hindi ko matanggap na kahit anong gawin ko ay hindi ko mapapantayan si Elizabeth sa puso ng asawa ko. Kaya galit na galit ako sa mama mo pero panahon na para kalimutan ang nakaraan,” nakikinig lang siya sa sinabi nito. Naawa siya sa ginang.
“Patawarin mo ako sa lahat ng nasabi at nagawa ko,” sabi ng ginang. Sino ba naman siya para hindi ito patawarin? Lahat naman tayo ay nagkakamali.
“Naintindihan ko po. Kahit sino naman ay handang gawin ang lahat para sa pamilya. I’m sorry din po kung ano man ang nagawa ng mommy ko noon,” lumapit siya sa ginang at yumakap. Gumanti naman ito.
“Masaya ako na nagkabalikan kayo ni Arvin. Thank you for accepting my son again,” Tita Marta.
“Mahal ko po si Arvin. Nasaktan man namin ang isa’t-isa noon pero hindi magbabago ang nararamdaman namin,” aniya.
Hindi masukat ang sayang nararamdaman niya. Natupad na din ang kanyang hiling na matanggap siya ng ina ni Arvin. Gusto niya masaya ang lahat ng taong mahalaga sa kanilang dalawa ng kasintahan lalo na ngayon magtatayo na din sila ng nobyo ng sariling pamilya.
Sabay silang napatingin sa pinto nang bumukas iyon at pumasok ang nag-aalalang si Arvin. Agad itong lumapit sa kanya. Pumasok na din si Alexa kasabay ang nakabalik ng ama nito.
“Relax, Arvin. Wala akong ginawang masama kay Yazlin,” natawa silang dalawa ng ginang sa inaakto ng nobyo. Palipat-lipat naman ang tingin ng tatlo. Sinabi nila sa tatlong kasama tungkol sa pagbabati nila ng ginang. Natuwan naman ang mga ito lalo na si Arvin.
“Anyway, since okay naman tayong lahat. May sasabihin kami ni Yazlin,” nakatuon sa kanilang dalawa ang atensyon ng kasama. Pinisil ng nobyo ang kanyang kamay habang nakatitig ito sa kanya ng buong pagmamahal. “Yazlin is pregnant. We are going to have a baby.”
Nagulat ang tatlo ngunit sa kalaunan ay sabay na bumati ang mga ito. Masaya ang pamilya ng nobyo tungkol sa pagbubuntis niya lalo na ang mga magulang nito na excited na magkaapo.
-
-
-
Gabi na at nasa mansion silang dalawa ni Arvin. Nagplano silang dalawa na sabihin sa kanyang ama at kapatid ang tungkol sa magandang balita. Masaya silang nag hapunan at habang kumakain kay kinuwento niya ang tungkol sa pagbabati nila ng ina ni Arvin. Masaya ang kanyang ama para sa kanila habang ang kanyang kapatid ay tahimik lang. Nang matapos sa hapunan ay inalalayan siyang tumayo ng nobyo.
“Bago matapos ang gabing ito, we have something to tell you.” Kumunot ang noo ng dalawa sa harap niya. “I’m pregnant, dad, kuya.”
Hindi maipinta ang mga mukha ng dalawa sa gulat. Katulad ng reaksyon ng pamilya ni Arvin ngunit nang makabawi ay labis ang tuwa ng kanyang ama. Sa wakas daw ay madagdagan na ang tagapagmana ng Del Valle Empire. Niyakap naman siya ng kanyang kapatid.
“I’m so happy for you, baby.” Ngumiti siya sa kapatid.
“Thank you, kuya.” Nagpaalam na silang dalawa ni Arvin dahil sa condo silang dalawa uuwi. Alas nuwebe na din ng gabi.
-
-
-
Nasa byahe na sila nang biglang inihinto ng kasama ang sasakyan.
“Love, bukas ko pa sana gagagwin ito pero hindi na ako makapaghintay.” Kumunot ang kanyang noo.
May kung ano itong kinuha sa likod ng sasakyan. Agad na tumulo ang kanyang mga luha nang makita ang maliit na pulang kahon at tumumbad ang isang malaking dyamanteng singsing nang buksan iyon ng binata.
“I love you so much, Love. Let’s get married. Let’s make a family together. Will you be my wife?” It is finally happening. The man she loves was in front of her, holding a ring, asking her to marry him.
“Of course, Love.” Tumulo ang luha sa mga mata ng binata habang sinusuot nito ang singsing sa daliri niya. Syempre papakasalan niya ang lalaking nasa harap niya ngayon.
“I love you so much,” ani Arvin.
Lumapit ito sa kanya at buong pusong hinalikan siya sa mga labi na sinuklian naman niya. Hindi siya makapaniwala na darating ang araw na ito. Akala niya noon ay wala siyang karapatan maging masaya. She was heartless and emotionless. Simula nang dumating si Arvin sa buhay niya ay itinuro nito kung paano magmahal at magpatawad. Nagkahiwalay at nagkasakitan man silang dalawa ay gumawa pa din ng paraan ang tadhana para bumalik sila sa piling ng isa’t-isa.
ARVIN'S POV
Nasa isang bar siya kasama ang kanyang mga kaibigan na si Xander, Rozel at Ice. Nagkakasama din sila ng mga gago niyang kaibigan. Ayaw sana niyang sumama dahil mas gusto niyang nasa bahay lang at kasama si Yazlin. Nag-aalala siya kapag wala siya sa tabi ng dalaga. Baka kung ano ang mangyari dito at sa baby nila.
Wala na siyang nagawa na ang nobya na mismo ang tumawag sa mga kaibigan niya para sunduin siya. Gusto nito na pa minsan-minsan ay binibigyan niya daw ng oras ang sarili lalo na sa mga nakalipas na araw ay busy sila para sa preparasyon ng kasal at pagpapagamot ng kanyang ina.
“Dawalang buwan nalang at may tali na iyang leeg mo,” komento ni Ice.
“Welcome to the club,” natatawang sabad naman ni Xander habang nilagok ang hawak niyang basong may alak.
“Kapag niloko mo ang kapatid ko, ako mismo ang puputol sa leeg mong may tali.” Rozel.
“Mamamatay muna ako bago ko lokohin si Yazlin,” napa-psh naman ang tatlo sa sinabi niya. Anong mali sa sinabi niya?
“Ang corny,” Ice.
“Ang cheesy,” Xander.
“Ang bakla,” Rozel.
“Wag kayong pumunta sa kasal ko. Lalo kana Rozel. Kahit kapatid ka pa ni Yazlin. Bakla pala ha,” natawa lang ang mga gago. Kahit kailan talaga hindi makausap ang mga ito ng matino.
“Ang drama pa din,” komento ni Rozel.
“What about you, Rozel? Kumusta na kayo ng kapatid ko?” Nawala ang ngisi nito sa tanong niya.
“Alam mo kahit kailan ay panira ka ng usapan,” tumawa ang lalaki ngunit hindi sila nakisabay sa pekeng tawa nito. “Pambihirang buhay naman to oh! Bakit napunta sa akin ang usapan?”
“Chill lang, bro. Nagtatanong lang naman. Wag mainit ang ulo. LOL lang tayo dito,” Xander. Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Rozel. Halatang nahihirapan ito sa pinag-uusapan nila.
“Sometimes, past stays in the past.” Nilagok nito ang hawak na alak. Nagkatinginan naman silang tatlo at iniba ang usapan. Ayaw naman nilang masira ang gabing iton.
“Grabe, bro! Naunahan mo pa kami ni Jewel ha,” ngumisi siya sa sinabi ni Xander.
“Mahina ka kasi,” nalukot ang mukha nito sa sagot niya. Tumawa naman si Ice at Rozel.
“Ipapanalangin ko nalang na magmamana sa kapatid ko iyong baby. Kawawa naman ang pamangkin ko kapag sayo nagmana,” Rozel.
“Hoy! Mas kawawa siya dahil ikaw ang magiging tito niya,” pabalik niyang banat kay Rozel.
“Swerte nga niya at gwapo ang tito niya,” Rozel.
Nagkatuwaan pa silang magbarkada nang napatingin siya sa suot niyang relo. Alas dyes na pala ng gabi. Nagpaalam siya sa mga kaibigan para umuwi na. Ilang oras na din siya sa bar. Iniisip niya ang nobya na mag-isang naiwan sa condo.
-
-
-
Sobrang ingat siya sa pagbukas ng pinto ng silid at baka magising niya si Yazlin ngunit ito agad ang unang niya nakita nang tuluyan siyang makapasok. Nakaupo ito sa lamesa at busy sa laptop. Nakatalikod ito sa gawi niya. Lumapit siya dito at yumakap mula sa likod. Nalipat naman sa kanya ang atensyon nito.
“Bakit gising ka pa? Diba bawal sayo ang magpuyat?” Inaamoy niya ang leeg ng dalaga. Ang bango naman ng magiging misis niya.
“Tinatapos ko lang ito,” tiningnan niya ang laptop at nakita ang mga detalye sa kasal nila. “Bakit ang aga mong umuwi?” Ang bait diba? Tinanong pa talaga siya kung bakit umuwi agad siya.
“I’m not comfortable leaving you here alone,” pinisil nito ang ilong niya.
“Ang OA,” tumayo ang nobya at kinulupot ang mga braso sa leeg niya. “Ang baho!” Reklamo nito nang maamoy ang alak.
“Love naman…” ngumuso siya.
“Still, I love you.” Iyon naman pala.
“I love you more. I can’t wait for you to be Mrs. Villanueva,” masuyo siyang humalik sa noo ng dalaga. Ngumiti naman ito sa ginawa niya.
“Me too, Love.”
YOU ARE READING
THAT THING CALLED LOVE
Romansa#1 ARVIN VILLANUEVA Yazlin Del Valle is a lonely girl from a lonely family. Arvin Villanueva is a normal type of guy, from a whole and happy family. Two worlds. Two hearts. One love. Written by: Thoth Istoria Started: 2016 Finished: May 24, 2019