YAZLIN'S POV
Nasa kotse siya kasama si Rozel. Uuwi silang dalawa sa mansion para dalawin ang kanilang ama. May isang itim na kotse sa harapan nila at isa likod. Mga bodyguards ng kapatid niya.
Gusto din sana ng kanilang ama na bigyan din siya ngunit malaki ang kanyang pagtutol. Mas na-pa-paranoid lang siya. Kaya walang nagawa ang kanilang ama.
“Alam mo ba na naglasing si Arvin kagabi?” Napatingin siya sa kasama sa tanong nito.
“No. What happened?” Naglasing si Arvin? May problema kaya ang binata? Maayos naman ito nang magkasama sila kahapon.
“Nag-away sila ni Nadine. Nalaman ni Nadine na magkasama kayo ni Arvin kahapon. She is the girlfriend, after all. Normal lang na magselos siya.”
“It’s my fault,” dahil sa kanya ay nag-away ang dalawa.
“Partly,” nilipat niya ang tingin sa mga sasakyan na nadadaanan nila. Nagi-guilty siya. “He is confused.” Hindi na siya umimik pa.
Naiintindihan niya si Nadine dahil alam niya kung ano ang pakiramdam kapag ang boyfriend mo ay may kasamang ibang babae. Noon ay siya ang nagseselos sa babae kapag kasama ito ni Arvin. Ngayon ay si Nadine naman. Nakakatawa diba? Parang pinaglalaruan sila ng tadhana.
Ilang oras lang ay papasok na ang kotse ni Rozel sa malaking gate. Nakita niya agad ang nakangiti niyang ama na nakatayo sa tapat ng malaking pinto na halatang hinihintay sila.
“Hi, dad.” Bati niya sa ama nang makababa ng sasakyan. Nasa likod naman niya si Rozel.
Lumapit ang kanyang ama at niyakap siya ng mahigpit. Akala naman ang tagal nilang hindi nagkita.
“Mabuti napadalaw ka, anak.” Natawa siya ng may himig na pagtatampo ang boses nito.
“Dad, ilang araw lang akong nawala.”
“Sya sya, pasok na tayo.” Sabay na silang tatlo pumasok sa mansion. Nakita niya agad si Nanay Selya.
“Hi, nanay. I missed you,” yumakap siya sa matandang babae.
“Naku! Itong alaga ko talaga. Ipaghahanda kita ng meryenda,” tumango naman siya dito. Agad naman itong naglakad patungo sa kusina.
“Magtatagal ka ba dito, anak?” Tanong ng kanyang ama.
“Yes, dad. I want to spend time with you.”
“Why do you have to buy a condo when we have a home? Ang laki nitong mansion. Kami lang ng kuya mo ang nagkikita lagi.” Litanya nito.
Ngumisi naman si Rozel habang nakaupo sa malaking sofa. Sa mansion umuuwi ang kapatid kahit na may sarili din itong apartment. He wants to be with dad always.
“Dad, I want to be independent. Lalo na at lagi niyo akong bini-baby,” sabi niya.
“What’s wrong with that?” Reklamo naman ni Rozel. Ngumuso siya sa dalawa. Hindi siya mananalo sa diskusyon kapag nag-tandem na ang kanyang kapatid at ama.
“Anyway, pinahanda ko na ang kwarto mo. You can go upstairs and take a rest. Ipapahatid ko nalang kay Nanay Selya ang meryenda mo. Rozel and I will talk about business.” Tumango siya sa ama at umakyat na.
Tumunog ang kanyang cellphone nang makapasok siya sa silid. Kinuha niya iyon at tiningnan kung sino ang tumawag. Unregistered number.
“Hi,” nakilala niya agad ang boses sa kabilang linya nang sinagot niya ang tawag. Halata sa boses nito na kakagising lang. “I woke up late. Kumain kana ba?” Paano kaya nito nakuha ang numero niya?
YOU ARE READING
THAT THING CALLED LOVE
Storie d'amore#1 ARVIN VILLANUEVA Yazlin Del Valle is a lonely girl from a lonely family. Arvin Villanueva is a normal type of guy, from a whole and happy family. Two worlds. Two hearts. One love. Written by: Thoth Istoria Started: 2016 Finished: May 24, 2019
