YAZLIN'S POV
Welcome to Ninoy Aquino Internation Airport…
Tumayo si Yazlin nang mag landing ang sinasakyan nilang eroplano. It’s been five years and now she is back. When they left, they were broken. She was broken. Binigay niya lahat dito, lahat lahat. Wala siyang tinira sa sarili niya. She even begged him to stay. But still, he left with disgust. And it killed her.
She left the Philippines not to forget the person, who hurt her, but to find herself again and to heal her bleeding heart. And it did. But the scars remained. It reminds her of him and how much he hurt her once.
Kasama niya si Rozel. Wala naman siyang planong magtagal sa Pilipinas. Dalawang buwan lang ang leave na binigay sa kanya ng agency niya sa Europe. Sikat na siyang modelo. Dalawang taon na siya sa karera niya. Masaya naman si Yazlin sa ginagawa at wala siyang planong huminto, sa ngayon.
Okay lang naman sa kanyang ama kung hindi siya ang mamamalakad sa mga negosyo. Nandiyan naman na si Rozel.
Sa Europe nila tinapos ang pag-aaral. Ang rason ng pagbabalik nila ay dahil may plano na ang kanyang ama na bumaba na sa posisyon nito at ibigay iyon kay Rozel.
“Baby, let’s go.” Nakangiting sabi ni Rozel. Sabay silang lumabas ng airport.
May lumapit agad na tatlong bodyguards sa kanila nang tuluyan na silang makalabas. Sumakay sila sa sasakyan. Nasa ibang sasakyan naman ang mga bodyguards.
Napatingin sa kanya ang kasama nang tumunog ang tiyan niya. Nagtawanan sila. Gutom na siya. Tiningnan niya ang relo na suot. Naka-set na iyon sa oras sa Pilipinas. Alas dos na pala at hindi pa sila nananghalian.
“Where to eat?” Rozel.
“Anywhere.”
Ilang sandali lang ay huminto sila sa isang magarang restaurant. Hindi na niya hinintay na pagbuksan siya ng binata ng pinto at bumaba siya ng sasakyan. Gutom na talaga siya. Natatawa nalang sa kanya si Rozel.
Kumapit siya sa braso ni Rozel at naglakad papasok sa restaurant. Pinauna na nila ang mga bodyguards sa bahay. Tutol sana ang mga ito ngunit si Rozel na ang nag-utos kaya wala itong nagawa kundi sumunod. Hindi naman talaga kailangan nila ng bodyguards. Over protective lang talaga minsan ang ama.
Nagtawanan sila nang may nabangga sila na isang lalake. Nahulog ang mga dala nitong pagkain. Yumuko naman si Rozel para pulutin ang mga iyon nang mapatingin siya sa lalake na nabangga. Lumaki ang mga mata niya nang makilala ito.
“Xander?” nagulat din ang lalake. Napatingin na din si Rozel sa kaharap nang matapos nitong pulutin ang mga nahulog.
“Holy shit! Yazlin? Rozel?” hindi maipinta ang pagkagulat sa mukha nito. “My god!” agad itong nakabawi sa pagkagulat at yumakap sa kanila. “How are you guys? Nakabalik na pala kayo.”
“Yeah, ngayon lang. Okay naman kami. Ikaw kumusta?” masiglang bati ni Rozel sa kaibigan.
“Psh ito okay naman din. Ay nga pala,” lumingon ito sa babaeng nasa likod. “This is Jewel, my wife.” Mas lalo kaming nagulat sa huling sinabi nito.
“What the! Kasal ka na? Mabuti at may pumatol diyan sa panget mong mukha, bro!” natatawang sabi ni Rozel.
Sumimangot si Xander. Natawa sila ni Jewel. Hindi pa din nagbabago si Xander.
“Ay grabe! Limang taon hindi tayo nagkita pero ang harsh pa din,” mas lalong gumwapo ang lalake at makikita mo dito na naging matured na ito. “Mas lalo kang gumanda, Yaz. Being a model really suits you well.”
![](https://img.wattpad.com/cover/85406041-288-k855630.jpg)
YOU ARE READING
THAT THING CALLED LOVE
רומנטיקה#1 ARVIN VILLANUEVA Yazlin Del Valle is a lonely girl from a lonely family. Arvin Villanueva is a normal type of guy, from a whole and happy family. Two worlds. Two hearts. One love. Written by: Thoth Istoria Started: 2016 Finished: May 24, 2019