Chapter 5

45 6 0
                                        

YAZLIN'S POV

Maganda ang gising ni Yazlin. Napangiti siya habang iniisip ang nangyari kahapon. Nanliligaw na sa kanya si Arvin. At sinabi pa nito na gusto daw siya ng binata. Nahihiya siya kasi ito ang unang beses na may nanliligaw sa kanya. Marami naman nagtangkang manligaw sa kanya noon kaso hindi pinapansin iyon ng dalaga dahil na rin sa arrange marriage ng kanyang ama. Kahapon ay tahimik lang si Yazlin kasi hindi niya alam kung ano ang dapat na gagawin.

Pagkatapos ng ilang taon ay ngayon lang siya naging masaya ulit at dahil iyon sa binata. Hindi alam ni Yazlin kung ano ang mayroon kay Arvin at hinayaan niya itong maging parte ng buhay niya. Ang alam lang niya ay masaya siya kapag kasama niya ito at para sa kanya ay sapat na iyon na dahilan para hayaang guluhin ng binata ang nakasanayan na niyang buhay.

Kung masaya si Yazlin ay may takot din siyang nararamdaman. Paano kung dumating iyong araw na masasaktan nila ang isa’t-isa? Pag nagmahal dapat handa rin masaktan. Handa na din ba siyang masaktan? Nasaksihan niya kung paano nagkasakitan ang mga magulang niya noon. Kakayanin kaya niya iyon?

Naputol ang pag-iisip niya nang tumunog ang telepono.

Arvin:
Good morning, beautiful.

Napangiti siya nang mabasa ang mensahe ng binata.

Yazlin:
Good morning.

Hindi niya alam kung kakayayanin niyang masaktan. Sa ngayon ay gusto niyang hayaan ang sarili maging masaya naman. Karapat dapat din naman siguro siyang maging masaya.

“Good morning, nanay.” Masayang bati ni Yazlin kay Manang Selya pagkababa niya. Naghahanda ng agahan ang matandang babae. Lumiwanag ang mukha nito pagkakita sa kanya.

“Mukhang masaya ka yata ngayon, hija.” May halong panunukso ang boses nito. Nag-init ang mga pisngi niya pero hindi siya nagpahalata.

“Maganda lang po ang gising ko.” Mas lalong lumawak ang ngiti ng matanda na halatang hindi naniniwala sa rason niya.

“O siya, kumain kana at baka ma late ka pa.” Nanay Selya.

“Thank you po.” Magana siyang kumain. Muntik na niyang makalimutan na susunduin pala siya ni Arvin ngayon. Kinikilig naman siya. Malapit na siyang matapos sa pagkain nang tumunog ang cellphone niya.

Arvin:
Susunduin kita. I’m coming.

“Dahan dahan lang sa pagkain, hija.” Sabi ni Nanay Selya nang mapuna nito na binilisan niya ang pagkain.

“Done,” tumayo agad si Yazlin nang matapos. Nakita niya si Tatay Kiko nagpupunas ng sasakyan pagkalabas niya ng mansion. Alerto agad ito pagkakita sa kanya.

“Aalis na po ba tayo, Ma’am?” iniligpit nito ang basahan na gamit pamunas sa sasakyan.

“What’s with the Ma’am, tatay? You used to call me hija like what Nanay Selya is calling me.” medyo nagulat naman ang matandang lalake.

“Pasensya kana, hija. Nasanay lang.” napakamot ito sa ulo. “Papasok kana ba?” Tumango siya dito.

“Opo pero hindi na po ako magpapahatid ngayon sa inyo. May susundo po sa akin.” Sakto naman napatingin siya sa security guard nang buksan nito ang gate at lumabas. Mukhang may tao. Siguradong si Arvin na iyon.

“Aalis na po ako. You can rest for today po.” Naguguluhan parin ang matandang lalake. Nagmamadali naman siyang lumapit sa gate.

Napangiti si Yazlin nang makita si Arvin nakasandal sa kotse nito habang kausap ang security guard nila. Tumingin ang dalawa sa kanya nang maramdaman ang presensiya niya. Tinanguan niya ang guard kaya bumalik na ito sa loob.

THAT THING CALLED LOVEWhere stories live. Discover now