YAZLIN'S POV
“Hi,” nakangiting bungad ni Arvin pagpasok ni Yazlin sa silid.
“Hello,” naglakad si Yazlin papasok at umupo sa kanyang upuan. Umupo naman ang binata sa isang bakanteng upuan na katabi nang sa kanya.
“How are you?” Arvin. Sumulyap siya dito at ngumiti.
“Great! What about you?” Nakakangiti na siya ngayon at dahil iyon sa lalakeng kausap niya ngayon. Ewan niya kung ano ang mayroon ang lalakeng ito at nahahawa siya sa ngiti nito.
“Fantastic!” bulalas ng binata kaya naman napatawa siya.
“Look! Close na sila!” napatingin sila ni Arvin sa isang lalakeng sumigaw. Totoo, kailangan talagang sumigaw?
“Shut up, Xander!” sigaw din dito ni Arvin.
Nagsilapitan sa kanilang dalawa ang mga kaibigan ni Arvin at isa na doon ang lalakeng weird na Rozel ang pangalan.
“Hindi mo ba kami ipapakilala sa kanya, Arvin?” sabi ng isang seryosong lalake na nakita na niya na kasama ni Arvin sa coffee shop dati.
“Bakit pa?” ganti na tanong ng binata. Natawa si Yazlin sa mukha nito.
Hindi niya alam kung bakit mukhang bad trip agad ito. Nahinto sa pagtawa ang dalaga nang makita ang hindi makapaniwalang mukha ng mga lalake.
“Well, the snob isn’t that snob after all. I’m Ice,” pagpapakilala ng lalakeng seryoso ang mukha.
“Xander,” nakangiting pagpapakilala naman nang isa. Inilahad pa nito ang isang kamay na tinanggap naman niya.
“I know you know me already, but in case you did not, I’m Rozel. Ang pinakagwapo sa amin apat,” natatawang sabi nito na hinalikan pa ang isang kamay niya.
Halatang playboy ang isang ito. Magaan ang loob ni Yazlin sa kanilang apat at hindi niya alam kung bakit.
“Yazlin.” sabi niya sabay ngiti sa mga ito.
“So Yazlin, nanliligaw na ba sayo itong kaibigan namin?” tanong ni Xander. Nakaakbay pa ito kay Arvin. Napaubo naman ang huli.
“Xander!” Saway ni Arvin sa kaibigan. Hindi nakasagot si Yazlin. Hindi naman siya manhid para hindi maramdaman na may gusto sa kanya ang binata.
“What? I’m just asking.” Xander.
“Don’t worry, Yazlin. Harmless naman itong kaibigan namin. So you are in good hands.” Ngayon si Rozel na ang nagsalita.
Hindi parin sumagot si Yazlin. At ano naman ang isasagot niya? Hindi nga niya alam kung ano ang sasabihin. Binigyan siya ng isang kindat ni Rozel at umalis na. Sumunod naman ang dalawa dito kaya silang dalawa nalang ni Arvin ang naiwan. Ang awkward tuloy pagkatapos nang mga sinabi ng mga kaibigan ng binata.
“Wag mo silang pansinin,” tumingin siya kay Arvin at tumango. “Matagal na ba kayong magkaibigan ng kapatid ko?”
“Frankly, we are not friends. She is my partner in one of my classes. But I like her because she is nice.” Prangka niyang sabi sa binata.
“That’s good to know,” ngumiti ito.
Magkasama sila ni Arvin palabas ng campus. Ililibre daw siya nito ng kape. Hindi niya alam kung bakit kailangan pa siyang ilibre at may pera naman siya. Ganito siguro ang mga lalake. Hindi naman siya masisisi dahil hindi pa siya nagkaroon ng nobyo simula pagkabata.

YOU ARE READING
THAT THING CALLED LOVE
Romansa#1 ARVIN VILLANUEVA Yazlin Del Valle is a lonely girl from a lonely family. Arvin Villanueva is a normal type of guy, from a whole and happy family. Two worlds. Two hearts. One love. Written by: Thoth Istoria Started: 2016 Finished: May 24, 2019