Chapter 1

104 7 0
                                        

YAZLIN'S POV

"Good morning, sir," nagtaas ng tingin si Yazlin mula sa pagkain nang marinig niya ang boses ni Manang Selya.

Kumakain si Yazlin ng agahan nang mga oras na iyon. Nakita niyang pababa ng hagdan ang kanyang ama dala ang briefcase hudyat na papasok na ito sa opisina. Tinanguan lang ng kanyang ama ang matandang babae. Sinundan niya ng tingin ang ama hanggang sa makalabas ito sa malaking pinto. Umalis ito ng bahay nang hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Napabuntung-hininga si Yazlin. Ano naman ang bago?

Siya si Yazlin Del Valle, ang nag-iisang anak at tagapagmana ng Del Valle Empire. Walong taong gulang lang siya nang mamatay ang kanyang ina sa atake sa puso habang nag-aaway ito at ang kanyang ama. Noong nabubuhay pa ang kanyang ina ay walang araw na hindi nag-aaway ang kanyang mga magulang. Palaging maingay ang bahay nila dahil sa mga sigawan ng mga ito.

Noon ay umiiyak at nasasaktan si Yazlin ngunit sa huli ay napagod din siya hanggang sa naging bato ang kanyang puso. Naging tahimik lang ang kanilang bahay nang mamatay ang kanyang ina. Kahit kaunting ingay ay wala kang maririnig. Mas lalong lumayo ang loob ng kanyang kay Yazlin at ganoon din siya dito.

Tumayo na siya at lumabas nang matapos sa pagkain. Nakita niya agad si Manong Kiko na agad naman tumayo mula sa pagkakaupo nang makita siya. Matagal na itong nagtatrabaho sa kanila bilang driver.

"Magandang umaga, maam." Nakangiting bati sa kanya ng matanda habang binubuksan nito ang pinto ng sasakyan. Tumango lang si Yazlin bilang sagot at sumakay na agad. Ilang minuto lang ay nasa unibersidad na siya. Naglalakad si Yazlin papasok nang may nabunggo siyang isang lalake. Ni hindi man lang niya tinapunan ng tingin kung sino man iyon.

ARVIN'S POV

Nakakunot ang noo ni Arvin habang nakatingin sa isang magandang babae na nakabangga niya habang papasok ito ng campus. Lalake lang naman siya na nakakapansin sa magandang lahi ni Eva pero hindi ibig sabihin ay babaero na siya. Napailing nalang si Arvin habang nakatingin parin sa babae. Naglalakad ito na parang walang nakikitang ibang tao maliban sa sarili at ni hindi man lang humingi ng tawad sa kanya.

Siya si Arvin Villanueva. Mayroon siyang isang nakababatang kapatid na babae, si Alexa. Matanda siya ng dalawang taon dito. Lumaki sila sa isang buo at masayang pamilya. Palaging sinasabi ng kanilang magulang na magmahalan at magdamayan silang magkapatid kaya malapit sila sa isa't-isa ni Alexa.

"Arvin," napukaw si Arvin nang marinig ang boses ng mga kaibigan na sina Ice, Xander at Rozel. Maraming nagtataka kung bakit naging magkaibigan silang apat dahil magkaiba daw sila ng mga ugali.

Seryosong tao si Ice. Madaldal naman si Xander. Si Rozel naman ang babaero sa grupo. Lahat siguro ng babae sa campus nila ay naging syota na nito. Napailing nalang si Arvin. Mukhang sa kanilang apat ay siya lang ang matino.

"Seryoso ka yata ngayon, Arvin," sabi ni Ice.

"Look who is talking," sagot niya. Lumipat ang tingin niya sa babaeng nakabunggo.

Hinalungkat nito ang dalang bag. Maya't-maya pa ay mabilis itong naglakad pabalik kung saan ito galing kanina. Kahit nagmamadali ay blangko parin ang hitsura. Wala ba itong ibang emosyon?

"Kakaiba yata tingin mo sa chix na iyon. Mukhang tinamaan ni kupido," tumawa si Xander habang nakaakbay kay Arvin.

"Hindi imposibleng mangyari iyon," sabad naman ni Rozel.

"You are all talking nonsense," aniya.

"Nonsense? Kung nakita mo lang sarili mo kung paano ka makatingin sa chix na iyon. Ano nga pangalan non?" tanong ni Xander na kay Rozel nakatingin.

THAT THING CALLED LOVEWhere stories live. Discover now