ARVIN'S POV
“Ako kaya ang pinaka gwapo sa ating apat,” nagtawanan sila sa sinabi ni Xander.
Tapos na sila maglibot. Nakatambay si Arvin at ang mga kasama niya sa lanai kung saan kita ang napakalakaing swimming pool at ang malawak na dagat. Ang laki talaga ng resort ng mga Savedra. What do you expect? Anak lang naman si Ice ng Presidente ng Pilipinas.
“Gwapo? Maghanap ka muna ng girlfriend,” sabi ni Ice dito nang hindi nakatingin sa kausap. Kanina pa kasi ito busy sa cellphone.
“Wala ka din naman girlfriend ah,” reklamo ni Xander.
“Says who?” napatingin silang lahat kay Ice. May girlfriend ito? Bakit hindi yata nila alam.
“Bakit meron ba?” hamon ni Xander.
“Wala,” seryosong sagot ni yelo. Tumawa silang lahat.
Nag-usap lang sila ng kung anu-ano. Minu-minutong tumitingin si Arvin kay Yazlin. Enjoy na enjoy naman ang dalaga sa usapan at nakikisabay pa minsan-minsan. Nawala na talaga ang hiya nito.
“Seriouysly Ice, ang laki naman ng resort ng pamilya mo,” manghang tanong ni Alexa habang nakatingin sa pool na nasa harap nila.
“My family does not own this resort,” napa ‘ha’ silang lahat. Akala nila pagmamay-ari ng mga Savedra ito. “Because I owned it alone. My father knows nothing about this.” Hindi na sila nagulat. He is the son of the President, after all.
“Wow,” sabi ni Alexa na nakatingin ito kay Ice. Umakbay si Rozel dito at humalik sa pisngi.
“Don’t worry, babe. Ibibili kita ng ganitong resort.” Ngumisi si Rozel sa babae.
“Shut up, Rozel.” Alexa
“What? I am being serious here, babe.” Natatawang sabi ng kaibigan niya. Inirapan lang ito ni Alexa. Tumingin si Arvin kay Yazlin. Natatawa ito habang nakatingin kina Rozel.
“Hey,” tawag niya sa dalaga.
“Hmm?” lumipat ang tingin nito sa kanya.
“Let’s go for a walk,” bulong ni Arvin kay Yazlin at tumango naman ang huli. Inalalayan niya itong tumayo.
“Saan kayo pupunta?” agad na tanong ni Xander. Nasa kanila na tuloy ang atensyon ng mga kasama.
“Diyan lang,” maikling sagot ni Arvin at hinila palayo si Yazlin.
“Gusto mo lang ma-solo si Yazlin eh!” natatawang sigaw ni Rozel.
Sa tabi ng dagat sila dinala ng mga paa. Magkahawak kamay sila habang naglalakad.
“Are you having fun? Baka naiingayan ka sa mga kasama natin.” Biro niya sa kasama. Tumawa naman ang dalaga sa sinabi niya.
“Yes, I am having fun. They are very fun to be with.” Yazlin. “Thank you, Arvin.”
“For what?”
“For coming into my life.”
“Hindi ako tumatanggap ng thank you. Kiss pwede pa,” namula ang mukha nito sa biro niya.
“Ewan ko sayo,” binawi ng dalaga ang kamay at naunang maglakad. Tumawa si Arvin nang inirapan siya ng dalaga. Ang cute talaga nito kapag namumula.
“Hey, I’m just kidding.” Hinawakan ulit ni Arvin ang isang kamay nito. “Nagbibiro lang ako sa hindi ako tumatanggap ng thank you pero sa halik, seryoso ako.” biro niya ulit.
YOU ARE READING
THAT THING CALLED LOVE
Romantik#1 ARVIN VILLANUEVA Yazlin Del Valle is a lonely girl from a lonely family. Arvin Villanueva is a normal type of guy, from a whole and happy family. Two worlds. Two hearts. One love. Written by: Thoth Istoria Started: 2016 Finished: May 24, 2019