YAZLIN'S POV
Nagising si Yazlin dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya. Umaga na pala. Tumayo siya para sana maligo ngunit napatigil nang biglang kumirot ang pagitan ng mga hita niya. Nag-init ang kanyang mukha nang maalala ang nangyari sa kanila ni Arvin kagabi.
Hindi niya pinagsisisihan na binigay niya sa nobyo ang sarili. Ilang taon niyang pinag-ingatan ang pagkababae ngunit wala siya kahit konting pag-aalinlangan nang ibigay niya iyon sa taong mahal niya.
Ramdam niya pa din sa katawan ang bawat sensasyon na binigay ni Arvin sa kanya kagabi. Bawat haplos at halik ng binata. Mas lalong nag-init ang mukha niya nang maalala ang “big thing” ng nobyo. God! He was huge. Hindi niya lubos maisip na nakaya niyang tanggapin “iyon” kagabi.
Napatigil siya nang may pumasok sa isip. May ibang babae na kayang nagalaw si Arvin? May nangyari na kaya sa binata at Nadine? Imposibleng walang nangyari sa matagal na relasyon ng dalawa. May konting kirot sa puso niya kapag naiisip na ipinaramdam ng nobyo sa dating kasintahan ang sensasyon na binigay nito sa kanya kagabi.
Ipinilig niya ang ulo para hindi na mag-isip na kung ano.
Napatingin siya sa gawi ng CR nang bumukas ang pinto at lumabas ang nakatuwalyang si Arvin. Basa ang buhok ng lalaki. Kita niya ang magandang katawan ng nobyo. Namula ang kanyang mukha nang maisip na wala itong suot maliban sa tuwalyang nakatakip sa ibabang parte ng katawan.
“Ang hot ko ba at natulala ka sa abs ko?” Natatawang puna nito. Agad siyang nag-iwas ng tingin. Nakaramdam siya ng hiya dahil nahuli siya ng binata na nakatingin sa katawan nito.
“Magbihis ka nga!” Pagtataboy niya dito. Imbes na sumunod ay lumapit ito sa kanya na nakaupo pa din sa kama.
“Bakit ako magbibihis? Nakita mo na lahat ito kagabi,” he smiled mischievously. Napalunok siya nang maalala na kumot lang din ang nakabalot sa hubad niyang katawan. “I want a second round.”
Tumindig ang mga balahibo niya sa batok nang bumulong ito sa tenga niya. Nag-init ulit ang kanyang katawan nang hinalik-halikan nito ang kanyang leeg. Pinigilan niyang kumawala ang ungol nang tanggalin nito ang kumot na nakabalot sa katawan niya at hinimas-himas nito ang dibdib niya.
“Hmm...” Nagliyab ang kanyang mainit na katawan nang umungol ang nobyo. Napasinghap siya nang maramdaman ang isang kamay nito sa pagitan ng mga hita niya. “Wet already?”
“A-Arvin, I’m still sore.” Kahit gusto niya ang ginagawa nito sa kanya ngayon ay hindi pwede. Masakit pa din ang kanya.
“I know,” tinanggal nito ang kamay na nasa pagitan ng mga hita niya at inalalayan siyang tumayo. Hinalikan nito ang kanyang noo. “Next time nalang iyong round 2.”
“Arvin! Ang harot mo,” saway niya sa binata.
“Anong masama doon? Ikaw lang naman ang hinaharot ko.” Natatawang sabi nito. Curious talaga siyang malaman kung may nangyari dito at sa dating kasintahan nito. Nahihiya man siyang magtanong ngunit nilakasan niya ang loob.
“May nangyari na din ba sa inyo ni Nadine?” Nagpasalamat siya dahil hindi siya nautal. Natigilan saglit ang nobyo ngunit ngumiti agad nang makabawi.
“You’re jealous,” ngumuso siya sa sinabi nito. He cupped her face. “Walang nangyari sa amin ni Nadine. Maybe some making outs but I can’t do “it” with her or any other women.” Nakaramdam siya ng saya sa sinabi ng nobyo. “No need to get jealous, okay?” He sweetly said. Tumango siya. He gave her a peck on the lips.
![](https://img.wattpad.com/cover/85406041-288-k855630.jpg)
YOU ARE READING
THAT THING CALLED LOVE
عاطفية#1 ARVIN VILLANUEVA Yazlin Del Valle is a lonely girl from a lonely family. Arvin Villanueva is a normal type of guy, from a whole and happy family. Two worlds. Two hearts. One love. Written by: Thoth Istoria Started: 2016 Finished: May 24, 2019