"Naks, may foreword!", wika ko habang sinisipat sa aking imahinasyon ang foreword na ito.
Good Day, people! Ang nobelang ito (actually, kahit sa novelette, hindi ito pasok sa sobrang iksi. Pasensya na po.) ay sinadya kong gawin para sa isang espesyal na bagay na hindi naman talaga isa.
Minsan sa ating buhay ay kailangan nating..sabihin ang hindi masabi, at ilabas ang hindi kayang ilabas. At ang ginawa kong ito ay sinadya para mailabas ko ang nakukubli sa aking dibdib. Kasi kung hindi, hindi ko kailanman malalaman ang kung anumang masasayang. Duon ko kinuha ang karamihan sa mga pangyayari mula sa unang kabanata hanggang ika-labindalawa.
Me, hello! Alam ko para talaga sa pag-ano ko ito, pero hindi lahat ng nilagay ko dito ay yung gusto ko talagang mangyari. Mahirap na, medyo.. malayo ka na, though 'di naman gaano. May chance ba? Uy, pero fourth year. Lels.
Isa pa sa mga dahilan ng aking pagsulat nito ay upang makapagbigay-inspirasyon sa ibang tao (naks!) sa pamamagitan ng mga karakter sa kwento at para na rin magamit ang ibinigay ng "may-ari ng paraiso sa 9999th floor" na kayamanan sa akin na hindi ko alam na nariyan pala. Hello!
Ang pagbabasa ng storyang ito ay nakakahilo (though, hindi naman gaano, paki-basa na lang po yung mga susunod na sentences.) Ako ay gumagamit nang malalalim na salitang Tagalog upang pangatawanan ang mga karakter na ipinanganak nuong bata pa si Isabel paminsan. Kung minsan naman ay mga salitang nuong 80s-90s sumikat, at mga salitang gawa-gawa ko lamang (tulad ng Lawaypusa.) Nagkaroon din ako ng direktang pagsasalin (translation) tulad nang ginawa ko sa Siete Once at Masayangbubuyog. So, nakakahilo nga.
Ang istorya pong ito ay kombinsayon ng iba't ibang uri ng kwentong matatagpuan dito sa Wattpad. Romansa ang pinakatema nito na may kaunting butil ng piksyong historikal (ang lalim ko kasi magtagalog eh. Historical Fiction 'yan, hahaha.) May mga hindi rin po kapanipaniwalang pangyayari ngunit.. medyo nakatago naman. Pakihanap na lang po ha?
Ito ay magsisilbi kong unang nobela, ikalawa na sana kung hindi ko itinigil iyong una. At nais kong magpasalamat sa mga tao na naging inspirasyon ko habang gumagawa ako nito. Me, hello ulit. Hahaha. Sa mga kaibigan ko diyan, ang 'La Gente de Honor', daghang salamat! Sa teacher ko noong nasa ikaapat na baitang ako na siyang aking guro noong una akong sumulat ng kuwento, Ma'am, hello po! Sa mga naging teacher ko na nagturo sa akin ng parts of the book, magpasalamat kayong lahat, lahat, oo, sa kanila, kasi wala itong foreword kung wala sila. At higit sa lahat, sa may-ari ng paraiso sa 9999th floor. Labyu!
I allow the usage of few brief passages from the story FOR REVIEW PURPOSES but I will appreciate it if you ask my permission first, or messaging me a link kung saan ko matatagpuan yung passage. I extremely advocate against plagiarism so malaman ko lang na kinopya niyo ang story ko (isang paragraph na may konti or walang bawas ay maiko-consider ko nang plagiarism) ay hindi ko mag-aatubiling i-report kayo. Never copy others; make yours worth copying. :)
Nawa'y magustuhan ninyo ito! Salamat at magandang gabi.... bayan!

BINABASA MO ANG
1942
Lãng mạnDalawang magkaklase na may crush sa isa't isa, na magiging mag boyfriend at girlfriend. At isang araw, ay sumama ang grandparents nila sa kanilang date, at duon nila malalaman na ang lolo ni boy at ang lola ni girl ay mayroon palang past bago ang Wo...