Simula

26.1K 471 15
                                    

ATTENTION!!
WALA PO AKONG IN-A-UPLOAD SA YOUTUBE channel NA STORY KO NA HINDI NAKAPANGALAN SA AKIN. KUNG MERON MAN, ITO AY SA OFFICIAL YOUTUBE CHANNEL KO NA coalchamber13. DOON PO KAYONG MANOOD HUWAG SA MGA NAMIMIRATA AT NAGNANAKAW NG STORY. SALAMAT PO.

Louise's POV

INAAYOS ko ang mga gamit na dadalhin sa pagluwas bukas sa Maynila. Tiningnan ko ang nailagay kong mga damit sa maleta. Tinapik tapik ko ang damit ko.

"Tama na siguro itong mga damit na dadalhin ko. Bibili na lang ako sa first sahod ko." kausap ko sa sarili ko.

Excited na ako dahil ito ang unang trabaho ko. Magkakaroon na din ako ng sariling pera. Hindi ko na kailangang umasa sa magulang ko. Nahihiya ako sa kanila feeling ko pabigat na ako dito.

Pero lagi naman sinasabi ng magulang ko na natural na dito muna ako, anak naman nila ako. Hindi naman sila nagrereklamo na kahit wala pa akong mahanap na trabaho. Tutal naman daw kaka graduate ko lang at kailan lang na nalaman ko na pasado ako sa board exam ng pagka Nurse. Ayoko lang kasi na pabigat ako sa magulang ko. Pinag-aral nila ako para pagka nakatapos makahanap ng trabaho. Hindi yung pinag-aral nila ako para lang maging palamunin. Tsaka may pangarap akong dapat tuparin.

"Seng, anak naimpake mo na ba ang mga gamit mo? Bukas na luwas mo sa Maynila." sabi ni Nanay.

Natanggap ako sa isang hospital sa Manila bilang Assistant Nurse. Hindi pa ako puwede mag-apply ng mataas na position. Dahil baguhan pa lamang ako. Maliit ang sahod pero ayos na yun. Atleast may sarili na akong pera. Tinawagan na ako kahapon ng employer ko para mag-start sa work by Monday.

"Nay, ini-empake ko pa lang po mga dadalhin kong mga damit. Nagmamadali ka Nay? Nakakatampo naman Nay. Parang ayaw mo na ako dito ah? Pinapalayas mo na ba ako?" Sabay nguso ko at umaakting na umiiyak kunwari. Bigla akong binatukan ng Nanay ko. Grabe lang makabatok. Hindi ba puwedeng umakting lang din.

"Nay, naman kung makabatok kayo wagas." reklamo ko. Muntik na ako mapasubsob sa lakas ng pagkakabatok ng Nanay ko. Hinimas ko ang batok ko sabay kamot ng ulo. Hindi ko lang maiwasan mamiss ang Nanay ko. Kahit bungangera minsan. Pero mabait at mapagmahal naman ang Nanay at sobrang maalaga sa aming dalawa ng Kuya ko.

Siya si Aling Choleng iyan ang tawag ng mga kapitbahay at mga nakakakilala sa kanya. Ang tunay niyang pangalan ay Ruby Fuentes. Nagtataka ako bakit Choleng tawag nila. Di ba ang layo sa pangalan niya? Ewan ko kung anong connection sa real name niya?

Ang tatay ko naman siya si Armando Fuentes. Ang tawag sa kanya ng mga ka-tropa niya ay Andoy. Ayaw niya ng kaibigan or kumpare ang tawag sa mga kakilala niya. Mukha daw kasi pangmatanda. Gusto niya daw tropa. May pagka jologs ang tatay kong pogi. Oh di ba?

"Hindi mo bagay magdrama anak, tsaka huwag ka nga ngumunguso dyan nagmumukha kang bisugo. Tumigil ka nga sa kadramahan mong iyan. Masyado kang paranoid para kang baliw." Pinanlakihan niya ako ng mata.

"Ayusin mo nga itong kuwarto mo! Kababae mong tao ang kalat mo! Sumunod ka na sa baba at kakain na tayo ng hapunan. Dumating na ang tatay mong pogi." sabi ni Nanay.

Napatawa ako sa sinabi niya at napailing. Pogi din naman ang Tatay ko. Proud lang talaga si Nanay na tawaging pogi ang asawa nito.

"Opo, Nay, susunod na po ako." Umalis na ng silid ang Nanay ko.

Nakaramdam ako ng lungkot. Mamimiss ko sila lalo na si Tatay at Nanay. Huwag na lang ang Kuya ko. Asungot iyon pang-asar pa sa buhay ko. Pero kahit kainis ang kuya ko mamimiss ko din siya.

Speaking of Kuya ang pangalan nman niya ay si Luis Fuentes. 'Di naman nila pinag-isipan masyado ang name namin. Ayaw kasi ng mga magulang ko na pahabain pa ang mga pangalan namin. Aksaya lang daw sa tinta ng ballpen.

Nurse talaga ang gusto ko kahit noon pa man. Kaya lahit mahirap pinursigi kong mag-aral ng mabuti. Kahit nahirapan ang magulang ko sa pagpapaaral sa akin ginapang nila ako. Nagtrabaho naman ako bilang Student Assistant sa school namin. Kaya may bawas ang tuition fee ko. Kaso ng nag third year na ako hindi na ako nag Student Assistant dahil nagduduty na ako sa hospital. Madami na din akong mga project na ginagawa. Kaya doon talaga gumastos ng malaki sila Tatay. Buti na lamang may bukid kami. Doon kumukuha ng pang tuition fee ko.

Naalala ko 7 years old ako noon. Naglaro kami ng doktor doktoran ng mga kaibigan ko. Siyempre ako ang Nurse. Gumawa ako ng gamot. Gumamela ang ginamit ko. Dinurog ko at hinalo ko sa juice. Pinainom ko sa kalaro ko . Pagkatapos niyang mainom sumakit ang tiyan nito. Napagalitan nga ako ni Nanay noon. Pinalo pa nga ako ng sinturon ni Tatay.

Ang sakit kaya nagkapasa ang puwet ko. Naospital kasi ang kalaro ko. Gumastos pa sila Nanay sa pampa hospital ng kalaro ko, kalokohan ko kasi. Goodluck na lang sa akin sa magiging trabaho ko bilang isang Nurse.

Copyright©2016
All Rights Reserved
By coalchamber13

Stand Inside Your Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon