(Louisse POV)
" Ano nagresign ka na sa trabaho mo?!" nagulat ako sa malakas na boses ni Nanay. Bingi ba si siya kakasabi ko lang. Kailangan ulitin?
" Nay, hindi po ako bingi para lakasan niyo ang volume ng boses niyo, " nakanguso kong sabi. Napatakip ako sa teynga ko.
" Aba anak isang taon ka pa lang nagwo-work sa hospital na iyon mag-reresign ka na? Sabihin mo nga sa akin may ginawa ka bang kabalastugan doon, huh?" tanong sa akin ni Nanay.
" Nay, naman mabuti po akong taga sunod. Wala po akong ginawang bad record doon. Gusto ko pong mag-work dito mas malapit sa inyo. Ang hirap kasi naman nami-miss ko kayo. Ayaw niyo ba nandito ako sa bahay?" Sabi ko .
"Hindi naman sa ayaw ko. Hindi ba pangarap mo ang magtrabaho sa malaking ospital sa Maynila?"
Nag-decide akong magresign kasi ayoko ng magkrus pa anh landas namin ng lalaking paasa. Pinsan pala nito ang may ari ng hospital kung saan ako nagwowork. Kaya malamang makikita ko siya madalas.
Wala naman kami kung makaasta ang lalaking iyon. Ako naman si uto-uto akala totoo lahat ng pinapakita niya. May fiancee na pala kung makapaglandi, wagas. Parang single lang.
May work na akong naghihintay dito. Minimum lang ang sahod dito pero keribels lang. Magwowork ako sa isang private hospital dito ipinasok ako ng pinsan ko isang staff nurse doon kaya ng sinabi na naghahanap sila ng new nurses pumayag na ako.
" Opo pero iba pa rin dito sa probinsya. Tsaka Nay may work na ako dito. Mas okay nga dito mas malapit wala pa akong gastos sa bahay, pamasahe na lang" sabi ko. Napabuntong hininga na lang si Nanay.
" Ano pa nga ba magagawa ko. Kunsabagay mas mabuti ngang dito ka magtrabaho. Lagi kaming nag aalala sa iyo doon. Madami ng drug addict sa Maynila at nababalita pa na madami ang narerape." sabi ni Nanay. Totoo naman iyon. Lalo kapag gabi ang duty ko kinakabahan akong baka makasalubong ko mga rapist or magnanakaw. Pero sa awa mg diyos wala naman nangyari sa aking masama.
Hinagkan ko ang pisngi ng Nanay ko.
(Hunter POV)
Ano bang nangyayari sa akin mukha na akong stalker. Nagpupunta ako sa apartment ni Louisse everyday. Nitong nakaraan linggo mula ng makita ko siya hindi ko maiwasan na hindi ko siya nasisilayan araw araw. Parang may kulang sa araw ko.
Ngayon nandito na naman ako sa harap ng gate ng apartment nila. Nagtaka naman ako ganitong oras dapat nandito na iyon pauwi na. Pero isang oras na akong nandito wala akong Louisse na nakikita.
Nagpasya akong bumaba ng sasakyan ko para magtanong. Bahala na si superman.
May lumabas na babae sa gate kaya nilapitan ko na ito para magtanong. Nagulat pa ito sa akin ng makita ako. Para itong natuklaw ng ahas nakatingin lang at nakanganga pa.
Tumikhim ako para makuha ang atensyon nito.
" Puwedeng magtanong?" tumango naman ito sa akin. " Is Louisse at home now?" napakunot noo ang babae sa akin.
" Hindi niyo ba alam Mr.?" sabi nito.
" Anong hindi ko alam?" balik tanong ko.
" Wala na si Louisse dito umuwi na siya sa province noong Saturday pa."
" When is she going back?" tanong ko.
" Naku Mr. hindi na babalik iyon. Nag-resign na siya sa work. Ang pagkakasabi niya kasi may work na siya sa probinsya nila." Nanlumo ako sa nalaman ko.
" Puwede ba malaman anong probinsya siya nakatira?" sabi ko.
" Ang pagkakaalam ko sa Nueva Ecija po siya nakatira. Sa Cabanatuan po yata." sabi ng babae sa akin.
Nagpasalamat ako at umalis na doon.
Bakit kailangan niya pang mag-resign? Pagkakaalam ko maayos naman ang trabaho niya sa hospital ng mga Montalban.
Ako ba ang dahilan? Hindi ko maintindihan ang nararamdaman. Kailangan ko ba siyang habulin? Para ano pasakitan lamang siya.
Fuck Hunter you have fiancee! Sabi ng isip ko.
Ginulo ko ang buhok ko dahil sa frustration. Magulo ang utak ko pati na ang nararamdaman ko. Kailangan ko bang isakripisyo ang kumpanya ko sakaling hindi ko pakasalan si Allaine? Mawawala lang ang lahat ng pinaghirapan ko. I just need her para mapalago pa lalo ang company ko. Pero paano naman ang puso ko kung sakaling mawala nang tuluyan sa akin si Louisse
This is bullshit...
Copyright©2016
All Rights Reserved
By coalchamber13
![](https://img.wattpad.com/cover/85944540-288-k883999.jpg)
BINABASA MO ANG
Stand Inside Your Love
RomanceSa unang pagkikita nila Louise at Hunter ay hindi na naging maganda. Hanggang sa nagkitang muli ang dalawa sa ospital kung saan nagtatrabaho bilang Nurse si Louise at si Hunter naman doon naka-admit ang kanyang abuela. Kinuhang private Nurse ng lola...