Unang Pagkikita

12.8K 335 5
                                        

Louise's POV

NANDITO na ako sa Maynila. Nakarating na itong bus na sinakyan ko galing ng probinsya ng Nueva Ecija.

Tutuloy muna ako sa pinsan ko, dito kasi siya naka-base. Nagtatrabaho ang pinsan ko sa isang call center sa Makati. Ewan ko ba sa pinsan ko, college graduate naman kung bakit iyon ang gusto niyang trabaho.

Ang reason nito sosyal daw mag-work sa call center. Saka malaki raw ang sahod niya. Madali lang ang trabaho basta magaling kang mangumbinsi ng client. Sayang rin naman kasi ang naging course niya.

Graduate ng Physical Therapy ang pinsan ko. Ayaw naman daw niya iyon. Ang Daddy niya lang daw ang nagpumilit na kunin ang course na iyon. Loka- loka rin kasi ang pinsan ko-may katigasan ng ulo. Kung ano ang gusto ay ginagawa, kahit ayaw ng mga magulang niya.

Mayaman rin naman kasi sila. May tindahan ng bigasan sa aming bayan ang mga magulang nito bukod pa sa may mga malawak silang lupaing pangsakahan.

Ang pamilya namin 'di rin naman masasabing mahirap. May sinasaka rin naman si Tatay na one hectar. Si Nanay naman ay ganoon rin. Pareho nilang minana sa kani-kanilang mga magulang. Nagtatrabaho din si Tatay sa munisipyo bilang empleyado ng gobyerno. Ginapang ng Tatay ko ang pagpapa-aral sa akin. Kaya naman nagpursige ako sa pag-aaral ko.

Ayoko mabigo ang pangarap sa akin ng Tatay ko. Kahit hindi man ako nakasali sa top ay ayos lang naman. Ang sa akin, atleast naka-graduate ako kaya masaya na ako doon. Pinagbuti ko sa board exam upang makapasa. Nagsunog talaga ako ng kilay para lang sa board exam ko. Isang take lang pumasa ako. Laking pasasalamat ko talaga sa diyos at pinakinggan niya ang aking dasal. Maging masaya lang ang mga magulang ko ay masaya na rin ako.

Halos 3 years na ang pinsan ko dito sa Maynila. Pagka-graduate niya nagpunta na siya dito para maghanap ng work. Pero kahit ganoon di nawawala ang communication naming dalawa. Sa lahat ng pinsan ko siya ang malapit sa akin. Three years ang age gap namin. First cousin ko siya. Anak siya ng kapatid sa side ng Father ko. Puro babae ang mga pinsan ko . Sa side ng Mama ko ay puro lalaki mga pinsan ko. Nakakatuwa nga na isipin- kakaiba. Kay Tatay lang yata nabago kasi lalaki at babae ang anak nila. May address naman na ibinigay si ate Kath. Nakapunta na rin naman ako dito ng naghanap ako ng trabaho last month. Kaya alam ko na rin naman kung saan ang pupuntahan.

Habang nag-aabang  ng taxi, bigla na lang natalsikan ako ng putik. Ang bilis ng pangyayari hindi ko namalayan. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Natulala pa akong kaunti. At ng makabawi ng huwisyo. Napatingin ako sa damit ko. May putik ang puti kong t-shirt!

"Demonyo ka, buwisit ka!"  dumagundong ang boses ko sa kalsada. Nakita kong napahinto ang sasakyan. Kaya pinuntahan ko agad para komprontahin.

Halos umusok na ako sa galit. Nakataas pa ang kamao kong nakakuyom. Parang gusto kong manapak ng mukha dahil sa nangyari sa damit ko. Kinatok ko ang bintana nito. Bumukas iyon pero kalahati lang ng mukha nito ang nakikita ko.

"Hoy gago ka!!!" Oh my God! did I say gago ka? Nagulat ako sa sarili ko. Hindi ko akalain nasambit ko iyon. Dala na siguro ng galit ko.

"Sino ka man demonyo ka!!! Lumabas ka diyan!!! Tingnan mong ginawa mo sa damit ko!" sigaw ko dito. Mukhang mamahalin ang sasakyan nito. Pero wala akong pakialam!

Anong ginagawa ng magarang kotse na ito sa malubak na daan? Hindi niya ba alam ang pangit ang daan dito. Lubak lubak.

Napatingin ako sa taong nasa loob. Lalaki pala ito. Napansin kong blue ang mata nito. Oh my god mapapasabak yata ako ng englishan dito. Manonose bleed ako.

" Excuse me Ms. but I think it's not my fault it's yours. Don't act as if I bumped you. Look, I was in the right way and besides it's a highway. Look you are not in the proper place. Have you seen that sign? No unloading. Do you know how to read?" pang iinsultong sabi nito sa akin. Nagpanting ang teynga ko sa sinabi niya. Aba't ako pa ang may kasalanan.  Siya nga itong hindi nag iingat. Nasa gilid kaya ako.

"For your information I am in the right place! You are the one not looking at your way! Do you see this." ipinakita ko ang damit ko na nadumihan dahil sa pagtalsik ng putik ng dumaan ang kotse nito.

Halos manlaki ang butas ng ilong ko sa galit pati na din ang mata ko. Para gusto kong maging amazona ngayon. Nakakainis lang kasi wala man lang galang sa kababaihan ang lalaking ito.

"Get out there! I will show you the real me! " itinaas ko pa ang manggas ko para lang ako makikipagsuntukan.

"I'm in a hurry. I don't want to waste my time on nonsense. Here, get this." may iniabot itong pera halagang 1 thousand.

"Buy your clothes." sabi nito. Kinuha ko ang pera. Kinunotan ko siya ng noo. " What is this?" tanong ko.

"You don't know that? That is money worth 1 thousand pesos? Where the hell are you from?" napapailing pa ito. "Buy a new shirt. I need to go." sabi nito. Sabay kindat sa akin. At pinaharurot na ang kotse nito. Naiwan akong napatulala. Naglo-loading pa ang utak ko. Namalayan ko na lamang na wala na sa harapan ko ang kotse ng lalaking antipatiko.

Copyright©2016
All Rights Reserved
By coalchamber13

Stand Inside Your Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon