Louise's POV
Papunta na ako sa hotel nagkrus pa ako. Kasi lagot ako kay Hunter. Nagmamadali na akong naglakad para lang makarating sa hotel na tinutuluyan namin. Baka maunahan ko siya. Nasa bungad na ako ng lobby ng hotel may nahagip ang mata ko. Si Hunter may kasama lang naman babaeng pinaglihi sa sawa kung makalingkis, wagas.
Seng ito ba ang in-expect mong magagalit sa iyo? Para yatang wala naman pakialam. Pero wait bakit ba ako nag-iisip na magagalit ang tukmol na ito?
Napasinghap ako sa nakita ko. Naghalikan lang naman ang mga talipandas at ang mga kamay gumagala kung saan-saan bahagi ng katawan nila. Tumalikod na ako at umalis na lamang . Mamaya na lang ako babalik. Magpapahangin muna ako.
❤❤❤
"Where have you been?" salubong ang kilay niyang tanong sa akin. Halos magbuhol sa kunot ng noo niya dahil sa galit. Bakit naman siya magagalit? May kalampungan nga siya kanina. "Hinanap kita kanina kung saan-saan," aniya at nag-crossed arm siya habang nakatingin sa akin.
Tiningnan ko siya na parang hindi ako apektado na kahit gusto kong bugbugin ang abs niya at hampasin ang mga biceps at muscle niya ay hindi ko hinayaang ipakita ang pagkainis ko.
"Nawili kasi ako sa pamamasyal hindi ko namalayan na madaling araw na. Feeling ko nga hapon pa lang, eh," pilosopong sabi ko. At tumawa ako ng nakaloloko.
"It's not funny," tiim bagang na sabi niya.
Sumeryoso rin ako at naglakad na ako papuntang unit ko at nilagpasan siya. Pero hindi pa ako nakalalayo hinigit niya ang braso ko kaya napalapit ako sa kanya.
"I'm still talking to you. Don't turn your back at me," galit na sabi niya habang sobrang lapit sa akin.
Amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga na nagpapalasing at nagpapawala ng katinuan sa akin tuwing ganito siya kalapit.
Tiningala ko siya. Nakipagtitigan lang ako sa kanya. Nakatitig lang rin siya sa akin. Walang nagsasalita sa amin. Ewan ko para kaming natulala sa isa't isa. Wala kaming maapuhap na salita.
Inilapit niya ang mukha sa mukha ko. Binigyan niya ako ng isang halik. Hindi ko din namalayan tinutugon ko na ang halik.
Tumigil siya sa paghalik sa akin. Hinabol ko pa ang lips niya. Gosh para akong timang ako pa talaga mukhang nabitin.
" Magpahinga ka na" sabi nito sabay halik sa noo ko. Pinagbuksan ako ng pinto at pumasok na ako sa loob na nakatulala. Lutang ang utak ko dahil sa paghalik nito sa akin.
Nakarinig na lang ako ng pagsara ng pinto. Tsaka lang ako nagising sa mahabang pagkatulala.Hindi ko maiwasan haplosin ang lips ko. Feeling ko naroon pa din ang lips niya.
Ano ba talaga ako para sa kanya? Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Alam kong babaero siya pero bakit niya ginagawa ito sa akin? Aasa ba ako na seryoso siya sa akin? Ang hirap umasa sa wala. Mabuti pang huwag ko na lamang seryosohin ang mga ipinapakita niyang kabutihan sa akin.
Copyright ©2016
All Rights Reserved
By coalchamber13

BINABASA MO ANG
Stand Inside Your Love
RomanceSa unang pagkikita nila Louise at Hunter ay hindi na naging maganda. Hanggang sa nagkitang muli ang dalawa sa ospital kung saan nagtatrabaho bilang Nurse si Louise at si Hunter naman doon naka-admit ang kanyang abuela. Kinuhang private Nurse ng lola...