(Louisse POV)
One month mula noong nagbakasyon kami sa boracay ni Hunter hindi na din ito nagparamdam sa akin. Iniiwasan na niya ako. Tama ang kutob kong hindi naman seryoso sa akin ang lalaking iyon. Sadyang babaero lang kaya magaling sa bolahan.
Nasasaktan ako dahil umasa ako ng slight. Pero ganoon talaga walang forever. Hindi ko na dapat pakaisipin pa ang mga ganoong klaseng lalaki.
Huling week ko na pala dito sa bahay ni Lola matatapos na ang contract ko. Mami-miss ko ang mga pagkain dito ang sarap kasi. Siyempre mami-miss ko rin si Lola. Eh, si tukmol mamimiss mo rin? Tanong ng isip ko. Siyempre sasagutin ko ang tanong ng isip ko. Malaking HINDI!
Bahala siya sa buhay niya. Nakakabad-trip lang siya.
****
" Iha, mamimiss kita. Dumalaw ka lang dito you're always welcome here," ngumiti si lola, naalala ko sa kanya ang lola ko.
" Ako din lola mami-miss din kita. Kapag may time po ako dadalaw po ako dito, " lumapit ako sa kanya para bigyan siya ng yakap.
" Ipapahatid na lang kita sa driver ko. Huwag ka ng tumanggi, iha, at hindi ako papayag." Ngumiti si lola sa akin.
" Naku lola huwag na po. Kakahiya naman tsaka dadaan pa po ako ng hospital para mag-report."
" Doon na lamang ikaw ihatid ng driver ko. Sige na iha para iyon man lang ang maibibigay ko bilang pasasalamat sa iyo-sa kabutihang loob mo sa akin. " Hinawakan niya ang aking kamay.
" Sige na nga po," niyakap ko siya at nagpaalam na ako. Binitbit ko na mga gamit ko.
Nang nasa labas na ako ng mansion nakasalubong ko ang lalaking ayokong makita.
Si Hunter at may kasamang babae kung makakakapit parang glue lang sa dikit.
Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Dire-diretso lang akong naglakad palabas ng mansiyon.
" Oh who is she?" narinig kong tanong ng babaeng tinapunan ng harina. Ang kapal kasi ng foundation.
Napaismid ako.
" She's the private nurse of grandma." Walang emosyon niyang sagot.
Ano bang nagawa ko sa lalaking ito at ganito niya ako tratuhin. Samantalang noon nandoon kami sa boracay akala mo bf ko kung makabakod.
Parang may kirot akong naramdaman sa puso ko. Umasa kasi ako.
Nagmadali na lang akong maglakad para hindi ko na marinig ang pinag-uusapan nila.
Nakita ko si Mang Nestor na nakaabang na sa akin. Pinasakay na niya ako sa sasakyan.
" Mang Nestor sa Montalban Hospital po tayo," sabi ko sa kanya.
Napalingon ako sa mansion. Kailangan kalimutan ko na din kung anong nangyari sa amin.
Pinaglaruan lang ako ng mokong. Ako naman si tanga nagpauto. Hindi naman pala talaga seryoso sa akin. Ako lang talaga si assuming.Back to reality ako ngayon.
Copyright©2016
All Rights Reserved
By coalchamber13
![](https://img.wattpad.com/cover/85944540-288-k883999.jpg)
BINABASA MO ANG
Stand Inside Your Love
RomanceSa unang pagkikita nila Louise at Hunter ay hindi na naging maganda. Hanggang sa nagkitang muli ang dalawa sa ospital kung saan nagtatrabaho bilang Nurse si Louise at si Hunter naman doon naka-admit ang kanyang abuela. Kinuhang private Nurse ng lola...