Vacation in Boracay

8.3K 276 4
                                    


Nang marating nila ang Boracay  hindi na mai-alis ni Louise ang tingin sa dagat. 

"Hala ang ganda naman dito!" mangha na turan nito.

 Ngayon lang siya nakapunta dito dahil malayo ang lugar nila sa Boracay.

" You like it here, babe?" hindi ko siya sinagot sa tanong niya.

 Babe mukha niya. Hindi ko talaga siya mapapatawad. Grabe naman kasi ginawa niya sa akin ng nasa terminal pa kami.

______

Ngayon lang talaga ako makakasakay ng eroplano. Although domestic flight lang pero grabe ang kabang nararamdaman ko parang gusto kong umatras. Uuwi na lang ako.

Bahala ng mag-isa na lang itong kumag na kasama ko. Tutal siya naman ang may gusto mag unwind kuno daw siya.

Pakiramdam ko tumaas ang kinain at maisusuka ko dahil sa hilong nararamdaman ko kapag naiisip ko palang ang eroplano na nasa taas na ng ulap. Oh my god! Sabihin niyo nang mangmang ako sa ganitong pagkakataon ganito ang pakiramdam ko. 

Butil butil ang pawis ko sa kili kili ko este sa noo ko. Pati palad ko namamawis na. Sobrang kaba ang nararamdaman ko. Hindi ko mapigilan.

" Are you ready, babe?" ano ba ito babe ng babe. Wala naman kaming relasyon kung maka-babe wagas. Bigla niya akong kinabig papalapit sa kanya at inakbayan pa ako. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Ramdam ko mga muscle nito sa braso. Feeling close lang ang peg?

" Puwede ba huwag mo akong inaakbyan. We're not close" sabi ko naglakad na ako palayo sa kanya.

"Babe, baka kasi mawala ka. I know it's your first time to travel and ride an airplane" ngisi niyang sabi. 

Nang iinsulto ba siya? Oo na siya na ang palaging nagtra-travel. At ako unang beses pa lang. Alam ko naman huwag niyang ipamukha sa akin.

Napatingin ako sa harapan ko. Napatigil ako sa paglalakad. Hala ang guwapo naman ng amerikano. Ang tangkad at ang macho.

Hindi ko namalayan na napakagat ako sa labi ko. Pinagpapantasyahan ko na kasi ang amerikano. Hay naku ang pogi naman kasi.

Nginitian ako ng amerikano. Napangiti din ako sa kanya. Nag-init ang mukha ko. Namumula na panigurado ang pisngi ko.

Paglingon ko sa gilid ko. Napataas ako ng kilay sa katabi ko bakit ba ang sama niya makatingin.

" You're not allowed to stare to anyone else ako lang titingnan mo dapat. You understand?" magkasalubong ang kilay na sabi niya sa akin. Kinunutan ko lang ng noo ito. Titingin ako kahit kanino dito wala siyang pakialam.

" Baliw ka ba? Siyempre mapapatingin ako sa makakasalubong ko. Ano sa iyo lang ako nakatingin habang naglalakad" ano kaya hitsura ko  nakatingin sa kanya habang naglalakad. Ewan ko kung saan ang utak nitong lalaking ito. Ano kaya ang problema niya.

Nagulat ako bigla niya akong kinabig paharap sa kanya. Kita ko ang inis sa mukha nito. At ang kinabigla ko talaga ang biglaang niyang paghalik sa labi ko.

Tinulak ko siya. Grabe nakaka-ilang halik na ito sa akin. Hindi na nahiya nasa airport kami. Gusto kong lumubog sa kinatatayuan namin dahil ang daming nakatingin sa amin. Mahina ko itong naitulak. Ayokong makakuha kami ng atensyon pero mukhang nakakuha na nga. 

" Ang sarap naman ng lips mo babe lasang strawberry" nakita kong dinilaan ang gilid ng labi nito at nag-flying kiss pa sa akin. Naikot ko ang eyeballs ko. 

______

" Ganito pala ang loob ang eroplano." Mangha kong bulong. Ayoko kasi marinig ng katabi kong tukmol. Narinig ko ang pagtawa nang mahina ni tukmol.

" Don't worry I'll be your guide here. Just ask me okay, babe" sabay kindat sa akin.

I rolled my eyes on him. Isinandal ko na lamang ang ulo ko sa upuan. Tumagilid ako patalikod sa kanya ayokong makita ang pagmumukha niyang manyak.

Copyright©2016
All Rights Reserved
By coalchamber13








Stand Inside Your Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon