WEDDING

11.2K 296 16
                                        

(Hunter POV)

I want to surprise her. Gusto kong dito sa province kami magpakasal ni Louisse.  I want  traditional wedding, may pasayaw at pasabit ng pera.

Napangiti ako.

" Mukhang excited ka na sa kasal mo, apo. Ang lapad kasi ng pagkakangiti mo," sabi ni Lola.

" Excited lang, Lola." Nakangiting sabi ko. Ganito pala ang feeling na umiibig ng totoo. Umaapaw ang kasiyahan ang puso ko.

Inalalayan ko si Lola na umupo sa upuan. Isinama ko siya dito sa probinsya. May binili akong lupa dito at pinatayuan ko ng bahay.

Mas presko ang hangin dito kaysa sa Maynila. Kaya pinili kong dito mag-stay si Lola. Para itong rancho style. May binili na rin akong lupa para sa sakahan at para sa mga baka na balak kong paramihin.

" Malaki pala itong nabili mong lupa, apo." Napangiti ako kay Lola at napatango.

" I'm planning to stay here with my wife Lola. Dito kami bubuo ng pamilya. " masayang sabi ko. Para akong nasa alapaap habang sinasabi ko iyon. Ito yata ang tinatawag nilang so in love.

" Natutuwa ako para sa iyo apo. Sa wakas natagpuan mo na ang babaeng para sa iyo." yumakap sa akin si Lola. Kaya napayakap na din ako sa kanya.

❤❤❤

" Saan ba tayo pupunta Mr. Hunter Anderson? May papiring piring ka pang nalalaman. Kukurutin ko singit mo kapag nadapa ako dito." pagrereklamo ng babaeng mahal na mahal ko.

" Gusto ko iyan babe kinukurot mo singit ko. Isama mo na din kurotin ang abs ko. Kapag ganoon natuturn on ako" biro kong sabi.

Napaawang ang labi nito at napatakip pa.

" Ang libog mo grabe ka!" sabi nito. Tumawa ako.

" Nandito na tayo babe" inalis ko ang piring nito. Nag adjust muna ito sa pagkakatingin sa paligid.

" Hala siya oh! Ang ganda!" ipinakita ko sa kanya ang rancho na pinagawa ko. May mga baka nang nasa damuhan at kumakain ng damo.

" Sa iyo ito?" tanong nito. 

Kinabig ko ang babe ko at hinalikan ang noo nito. I really love her so much. " Hindi sa akin ito. Sa iyo iyan at sa magiging anak natin. " sabi ko.

Nanlaki ang mata nito. Tumingin siya sa akin at  nangilid ang luha nito.

" Don't cry, babe. Dapat happy ka at hindi umiiyak," pinahid ko ang luha nito gamit ang daliri ko.

Hinampas niya ako sa dibdib kaya napatawa ako.

" Ikaw kasi, eh?! " isinubsob nito ang mukha sa dibdib ko.

****

ITO na ang pinakahihintay ko. Mamanhikan na kami ni Lola sa magulang ng aking si Louisse.

Halos pagpawisan na ako habang nakaupo dito sa sala nila. Nakatingin sa akin ang Tatay ni Louisse habang ang Nanay naman nito ay kinakausap si Lola.

Napapalunok ako sa klase ng tingin na ipinupukol nito sa akin ng tatay ng nobya ko.

" Magandang gabi po. We're here with my grandmother para po hingin ang kamay ng inyong anak." sabi ko halos pagpawisan na ako. Tumingin sa akin ang tatay ni Louisse may nakasukbit na jungle bolo sa tagiliran nito. At ang sama ng tingin sa akin. Parang gusto ko tuloy umatras. Pinagpawisan ako ng butil butil.

Napalunok ako ng magsalita ang tatay niya.

" Kailan ang kasal?" sabi nito.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nito. Akala ko naman hindi payag ang tatay niya.

Stand Inside Your Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon