(Louisse POV)
" Anong ginagawa ng babaeng iyan dito?!" galit na sabi ko sa asawa ko. Nagpunta ako sa opisina nito para dalawin at hinatiran ko ng ulam. Tapos ito lang ang dadatnan ko.
Nakayakap ang babae kay Hunter. Napakababaero talaga kahit kailan.
" Babe, let me explain," napaismid ako sa sinabi niyang let me explain. Gasgas na gasgas na ang ganoong linyahan ng mga lalaki. Ano pa bang ipapaliwanag niya kung huling-huli na sila sa akto? My god may gana pa talaga itanggi.
"Nakita ko na, ano pa bang i-explain mong walanghiya ka!"ibinato ko sa kanya ang paper bag na naglalaman ng ulam. Kahit malaki na ang tiyan ko hindi ko na alinta dahil sa sobrang galit ko sa asawa kong babaero.
Halos mapatalon sila lalo na ang babae. Dahil natapon ang laman ng paper bag. Nagkalat tuloy ang ulam na laman ng mga tupperware.
" Oh, my god it's hot!" napairap ako dahil ang layo naman ng kinalalagyan niya sa paper bag na tinapon ko.
" Louisse why did you do that?!" singhal sa akin ni Hunter.
Aba may gana pa siyang taasan ako ng boses?! Mas lalong sumama ang loob ko dahil sa pagtaas ng boses niya sa akin.
" Tinatanong mo pa kung bakit ko ginawa iyon?! Nahuli ko kayong magkayakap! Tapos sasabihin mo sa akin bakit ko ginawa iyon?! Ano'ng gusto mo matuwa ako palakpakan pa kayo?! Dahil nahuli ko lang naman ang asawa ko na may kayakap na ibang babae?! Buti nga malayo sa inyo ang itinapon kong paper bag." halos magpuyos ako sa galit. Kung hindi ko lang iniisip ang anak ko kanina ko pa sinabunutan ang babae.
"Isa pa itong babae na ito! Paano mo nalaman na mainit? For your information malamig na iyan kanina ko pa iniluto, gaga din ito eh! Ipapaniit ko pa iyan no? Kung magdradrama ka aba eh, galingan mo naman! Napaghahalata ka gaga!" galit na galit na sigaw ko sa babae.
" Babe" akmang lalapit ang asaaa ko nang pigilan ko ng kamay.
" Nakakasawa ka na Hunter. Palaging ganito na lang tayo. Binabalewala ko lang ang ibang ginagawa mo pero this time hindi ko na kayang magtiis. Ayoko na Hunter gusto ko ng space." pagkatapos kong sabihin 'yun tinalikuran ko na sila.
Hinabol ako ni Hunter at yumakap sa likod ko.
" Babe, no please don't leave me. I am so sorry. Wala naman kaming ginagawang masama." sabi nito.
Kinalas ko ang kamay nitong nakayakap sa braso ko.
"Huwag mo akong susundan! Huwag muna tayong mag-usap please lang Hunter. Give me time to think" pinal na sabi ko.
Nagmadali na akong naglakad papuntang elevator. Hindi naman na niya ako sinundan pa. Habang nasa loob ng elevator doon ko ibinuhos ang mga luha ko. Ang sakit lang mas concern pa siya sa babaeng iyon.
UMUWI ako sa probinsya para magpalamig. Nawalan na ako ng gana sa kanya. Nakakasawa na palaging ako ang nagbibigay ng pasensya. Matapos ang pagtatalo namin sa opisina ng asawa ko nagpasya akong umuwi ng Nueva Ecija. Hindi ako nagpaalam sa kanya.
" Anak, bakit hindi kayo mag-usap ng mabuti ng asawa mo? Aba ke bago bago niyo ganyan na agad ang nangyayari sa buhay mag-asawa niyo." sermon ni Nanay sa akin. Iniwan ko ang cellphone ko doon sa bahay namin para hindi niya ako matawagan. Ayoko munang makipag-usap sa kanya.
"Nay, huwag mo na akong sermonan. Alam mo naman nasaktan ako. Nauumay na kasi ako sa kaka babae ng asawa ko. Konting talikod ko lang dami ng umaaligid. What more kung nasa malayo pa ako." malungkot na sabi ko.
Ang sama talaga ng loob ko sa nangyari. Napaluha na naman ako. Napabuntong hininga si Nanay hinaplos niya ang likod ko.
" Oh, siya sige tahan na hindi na kita pagsasabihan. Basta anak nandito lang kami ng Tatay mo kapag kailangan mo ng tulong." tumango ako. Napayakap ako sa Nanay ko.
BINABASA MO ANG
Stand Inside Your Love
RomanceSa unang pagkikita nila Louise at Hunter ay hindi na naging maganda. Hanggang sa nagkitang muli ang dalawa sa ospital kung saan nagtatrabaho bilang Nurse si Louise at si Hunter naman doon naka-admit ang kanyang abuela. Kinuhang private Nurse ng lola...
