ENGAGED

9.1K 247 3
                                    

(Louisse POV)

" Seng, balita ko engaged ka na. Aba ang bilis kailan lang wala kang boyfriend. Ni wala nga akong nabalitaan na boyfie mo. Tapos ngayon malapit ka ng ikasal?! Magsabi ka nga buntis ka ba?" tanong ng pinsan kong si ate Kath.

Magpapakasal buntis na kaagad? Hindi ba puwedeng gusto ko ng mag-asawa?  

" Ano? " halos mamula na ang mukha ko sa sinabi niya. Ako buntis? Paano mangyayari iyon wala pang nangyayari sa amin ni Hunter? Hanggang kiss nga lang kami.

" Ang exag mo naman mag-react," tumawa ang pinsan ko.

" Eh, kasi naman iyang sinabi mo na buntis ako hindi naman totoo." Napasimangot ako.

*****

" Do you like the place?" tanong sa akin ni Hunter sa akin. 

Nasa tagaytay kami ngayon. May pinakita siyang bahay. Sobrang ganda at napaka presko ng paligid. I think I like it here.

" Yeah, I like the place. It so peaceful away from pollutions. Fresh ang paligid and tahimik." napaharap ako sa mapunong area ng likod bahay niya. May itaas kasi ito kaya kita ang buong paligid. Ang sarap pa ng hangin malamig.

Yumakap ito mula sa likod ko. Ipinatong ang ulo nito sa tuktok ng ulo ko.

" Dito ang bakasyunan natin, babe. Maganda ang lugar hindi mainit," napangiti ako ng lihim. Napatingala tuloy ako sa kanya. Dinampian niya ako ng halik sa labi. Kinikilig ako. 

Ninamnam ko na lamang ang moment namin ngayon. 

****

" Dalian mo Seng ang bagal naman nito maglakad" reklamo ng pinsan ko. 

Nagpasama kasi akong mag-mall at may bibilhin akong gamit sa kusina. Bigla akong nadapa.

" Ay malaki ang puke mo!" gulat na sabi ko. 

Narinig kong may tumatawa. Napataas ako ng tingin. Nagsalubong ang mga kilay ko. Bigla akong tumayo. 

Galit na kinompronta ang babae.

" Hoy babaeng tinubuan ng bola. Bakit mo ako pinatid?" 

Galit na ani ko. Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa babae.  Ang kapal talaga ng mukha nito. Tumingin ito sa dibdib ko at pagkatapos sa mukha ko.

" You're blocking my way. Tsaka tatanga-tanga ka kasi. Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo. Tapos ako sisihin mo? You are accusing me of a crime that I did not commit." sabi nito sa maarteng salita.

" Aba ako pa talaga ang may kasalanan. Ang layo naman yata diyan sa kinalalagyan mo sa kinalalagyan ko. Tingnan mo nga ang difference. Sinadya mo iyon!" singhal ko sa kanya. 

Tumaas ang manipis na kilay nito. Pumameywang pa siya sa harapan ko.

" Why should I do that? You're so  impossible!" hindi makapaniwalang sabi nito.

" Hoy babaeng pakwan! Stalker ka, no? Eh, bakit nandito ka sa probinsya namin, aber?"tinaasan ko siya ng kilay. Obvious naman na sinusundan ako nito.

Ito ang ex-fiancee ni Hunter. Aba naghahabol pa yata ang walanghiya. Sinabi niya na lahat sa akin kung bakit pumayag siya na pakasalan ito dahil para lang sa company. Tsaka napapayag lang siya dahil ginipit lang siya ng pamilya ng babae.

" Bakit pagmamay-ari mo ba ang province na ito para pagbawalan akong pumunta dito?" tinaasan ako ng kilay. 

Siyempre hindi naman ako papayag, no. Siniko ko ang pinsan ko para itaas niya din ang kilay nito para join force kami. Umiling ang pinsan. -

" I don't want to waste my time here with you." sabi nito in a maarte way. Napangiwi naman ako. Bigla kaming tinalikuran.

" Hayaan mo na iyon, Seng. Naiinggit lang iyon at ikaw ang love ni Mr. Anderson. Ayiee.." kinikilig na sabi ng pinsan ko. Siyempre ako pasimpleng kinilig din. Ngunit hindi ko maiwasang mangamba na baka manggulo siya sa nalalapit naming kasal. 

Copyright©2016
All Right Reserved
By coalchamber13

Stand Inside Your Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon