(Hunter POV)
Hinahanap ng mata ko ang isang babae na matagal ko ng hindi nakikita. Nagpunta kaya ito.Bakit ko ba iniisip ang babaeng iyon.
Kumuha ako ng wine sa waiter na dumaan. Itinungga ko iyon. Gumuhit ang lasa nito sa lalamunan ko. Nagpasya akong maglakad lakad. Madami ng dumadating na bisita.
Nakita ko ang pinsan kong may kausap na babae. Napa smirked ako, nambabae na naman itong pinsan niya. Hindi ko makita ang mukha ng girl dahil nakatalikod.
Lumapit na lang ako sa kanila.
" Hey bro! Happy anniversary!" nag-man hug kami ng pinsan ko.
" Thanks, man!" Sabi nito.
Lumingon ang babaeng kausap ng pinsan ko. Parang nag-slow motion ang lahat sa akin ng tumingin siya. She looks stunning in the dress she wore.
Nakatitig lang ako sa kanya na para bang siya lang ang babae na naroon.
" Hi." pormal na bati ko.
Nakita kong umirap ito sa akin. Iyon ang na-miss ko sa babaeng ito ang pagkamasungit nito.
I want to hug her.
Bubulong bulong ito na parang bubuyog. Nakanguso pa nga sa akin. Those lips I want to taste it again.
" Sir Ryder please excuse me. Pupuntahan ko lamang ang mga katrabaho ko," tumango lang si Ryder. Tinapunan ko ng tingin si Louisse pero hindi ito tumingin. Nagtuloy tuloy itong naglakad at hinanap ang kasama nito.
" Louisse." tinawag ko siya at hinabol. I grabbed her hand. She turned around. Iwinaksi nito ang kamay na hawak ko.
" Anong kailangan mo?" nakasimangot na sabi nito.
" I just want to say sorry." lumapit ako sa kanya at kinuha ang kamay niya. Tiningnan niya ako na parang hindi naniniwala sa sinabi ko. Na para bang isa akong sinungaling na tao.
" Para saan ang sorry mo? Hindi nga ba sabi mo I'm just nothing," may hinanakit na sabi niya. I feel sorry sa mga nagawa ko sa kanya. I've done far too much na alam kong nasaktan ko siya.
" I know malaki ang kasalanan ko sa iyo. That was a mistake on my part. I didn't say this in joke. Please accept my apology." Tumingin siya sa akin.
Tumango lamang ito sa sinabi ko. Lumapad ang ngiti ko dahil okay na kami. Bigla ko siyang niyakap.
" Thank you, babe." Sabi ko sabay dampi ng halik sa labi nito.
Akmang magsasalita pa ako. May biglang nagsalita sa likuran namin. Napabaling kami pareho ng tingin. Napakunot ang noo ko. Para akong natulala sa nakita kong tao.
" Hi honey I'm back," sabi ni Alllaine ang aking fiancee. Biglang napabitaw ako sa kamay ni Louisse dahil sa kabiglaanan. Nakatingin ito sa babae. Yumakap sa akin si Allaine.
(Louisse POV)
" Allaine" sabi ni Hunter . Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko ng naghalikan sila sa harapan ko. Gusto kong tumakbo pero parang na-glue ang paa ko sa lupa.
Naglakad palayo ang dalawa habang magkahawak kamay. Ako ay naiwan nakatulala.
Para saan ang paghalik niya sa akin? Ang paghingi niya ng sorry pati na ang pagtawag ng babe. Ano iyon kunwari lang?
I need to get out of here dahil habang narito ako nasasaktan ako. Aminin ko man or hindi may nararamdaman na ako para sa kanya. Naglakad na ako palabas ng venue. Napatigil ako ng narinig ko ang sinabi ng announcer.
Let's give them a round of applause the couple Mr. Hunter Anderson and his fiancee Ms. Allaine Mendoza.
Pagkasakay ng taxi nagsilaglagan ang mga luha ko. Sobrang sakit sa puso. Ito ba ang tinatawag na broken into pieces? Para kasing nagkadurog-durog ang puso ko.
Matapang akong tao at hindi ako nagpapaapi sa kahit kanino. Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Pero sa sarili ko mismo hindi ko kaya ang labanan ang sakit na nadarama ko.
Copyright©2016
All Rights Reserved
By coalchamber13
BINABASA MO ANG
Stand Inside Your Love
Storie d'amoreSa unang pagkikita nila Louise at Hunter ay hindi na naging maganda. Hanggang sa nagkitang muli ang dalawa sa ospital kung saan nagtatrabaho bilang Nurse si Louise at si Hunter naman doon naka-admit ang kanyang abuela. Kinuhang private Nurse ng lola...