HINDI INAASAHAN

9.2K 290 6
                                    

(Louise POV)

Napasimangot ako sa nabasa ko sa isang article sa online newspaper. Bakit ba kasi ang hilig ko magbasa ng news. Tuloy nakita ko pa itong news na ito!

Nakakasura ang pagmumukha nila. Napaka fake! Ang kapal ng mukha nila!

" Hoy Seng nabubuwang ka na ba pati ang ipad mo sinisigawan mo na." Singhal sa akin ni Nanay.

Hala ka naisigaw ko ba itong nasa isip ko. Kasalanan ng lalaking ito. Napatingin ulit ako sa ipad ko. Nakangiti ito habang nakatingin sa girlfriend niya. Oo na bagay na kayo! Kayo na! Sila na pareho mayaman! Mala adonis at mala prinsesa ang hitsura nila. Sila na ang blessed ng diyos. Kayo na kayo na ang masuwerte. Naasar na sabi ko sa isip ko. 

Bigla akong nalungkot.

Napasalampak ako sa sofa namin. Wala akong pasok ngayon at day-off ko  pero imbes na maglakwtsa, nandito ako ngayon nagmumukmok. Nasusura kasi ako.

Bakit ba kasi di ko pa makalimutan ang lalaking paasa na iyon.

" Seng mamalengke ka ngayon. Madaming kulang dito sa pangsahog." Napatingin ako kay Nanay.

"Nay sa grocery po ako pupunta sa Puregold," mas bet ko kasi mamili ng mga pagkain namin doon, malamig kasi at maaliwalas. Hindi kagaya sa palengke dami ng tao at init pa. Oh di ba makasabi ng maaliwalas.

" O sya sige maligo ka na. Umaalingasaw ka na sa baho. At ang buhok mo parang sinabunutan ng sampung kabayo," biro ni Nanay sa akin. Napapadyak pa ako sa inis dahil sa biro ni Nanay. Napapailing na lang itomg bumalik sa kusina.

Hay ang lamig ng atmosphere dito sa loob ng grocery store. Kumuha na ako ng cart para mamili na. Kinuha ko sa bulsa ang listahan na ginawa ni Nanay. Baka daw kasi may makalimutan ako.

Napatingin ako sa isang magazine stand. Napasimangot ako, hanggang dito ba naman makikita ko ang lalaking paasa na ito. Binaliktad ko ang magazine para hindi ko makita ang pagmumukha nila. 

Pinagpatuloy ko lang ang pamimili. Nang may kukunin ako sa shelf ng mga delata. Nagkasabay pa kaming kumuha ng katabi ko kaya napahawak ito sa kamay ko.

Nagulat ako kaya napatingin ako sa kamay ng lalaki na nakahawak sa kamay ko.

Bumungad sa akin ang guwapong mukha ng lalaki. Ngumiti ito kaya lumitaw ang dimples nito.

" Naku sorry, Miss," sabi nito at inalis ang kamay nito.

Ngumiti na lamang ako. Umurong kasi ang dila ko dahil yata sa kaguwapuhan ng kaharap ko. My gosh.

Naglahad ito ng kamay sa akin. Napatingin ako doon.

" By the way I am Michael. And you?" sabi nito.

" I am Louisse. Nice to know you," naghand shake kami. Grabe kahiya naman ang hands ko sa lambot ng kamay niya.

Habang naglalakad kami sa pasilyo nagkuwekuwentuhan kami about sa buhay-buhay. Taga dito pala siya sa city.

" Madalas ako dito mamili. Mas convenient at malapit lang sa tinitirhan ko." sabi nito.

" Minsan lang ako nagagawi dito kapag magrocery lang. Malayo kasi sa amin ang grocery eh. Madalas sa palengke ako namimili" napangiti ako.

" May kasama ka bang namimili?" tanong nito.

" Wala ako lang." sagot ko.

" Ikaw may kasama ka ba?" tanong ko sa kanya. Hindi ko maiwasang titigan ang mukha ni Michael. Ang kinis kasi wala man lang ka pores-pores.

Sasagot na sana si Michael ng may biglang umentra sa may gitna namin. Hindi ko na tuloy makita ang kausap ko. Nakaharang naman kasi sa akin itong strange guy. Sino ba ito?

Napatingala ako. Umawang ang labi ko. At bakit nandito si Hunter?

" Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Ang kapal pa ng mukha na magpakita pa sa akin. Matapos niya akong paasahin.

" I just want to talk to you. Please, babe" pakiusap nito sa akin.

Ito na naman ang linyahan niyang paasa. Neknek niya hindi na ako tatalaban ng paasa drama niya.

" Wala na tayong dapat pag-usapan pa Hunter. Wala naman tayo bakit kailangan mo pang aksyahin ang panahon mo na kausapin pa ako. Ikakasal ka na. Hindi ako maninira ng relasyon. Kaya puwede ba tigilan mo na ako. Please lang," pakiusap ko sa kanya.

Para naman naging kawawa ang hitsura niya. Hindi ako maaawa kailangan kong gawin ang tama. Kahit masakit kailangan ko na siyang iwasan.

" Mr. Anderson narinig mo naman ang sinabi ni Louisse." sabat ni Michael sa usapan namin ni Hunter.

"For your information Mr. Flores she is my girlfriend. Kaya may right akong kausapin siya!" nanlaki ang mata ko sa narinig mula sa kanya.

Anong girlfriend?!

Natawa si Michael sa sinabi ni Hunter. Tinapik niya ito sa balikat.

" Hey pre long time no see, ah?." sabi ni Michael.

" Man, musta na!" Napangiwi naman ako. 

Magkakilala pala sila.

Nag-usap na ang dalawa habang ako nakikinig lang. Para akong hindi nag-e-exist dito. Maalala ko ano ang ibig sabihin na girlfriend niya ako kailan pa? Hindi ako na-inform!

Copyright©2016
All Rights Reserved
By coalchamber13

Stand Inside Your Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon