Hunter's POV
Nasa office ako pero feeling ko nasa bahay pa ang diwa ko. Hindi ko maiwasang alalahanin ang ginawa ko kay amazona.
I don't understand myself. Bakit parang gusto kong muling halikan ang babaeng iyon. Para akong nahipnotismo tapos nagayuma pa. Hindi kaya mangkukulam ang babaeng iyon?Ginamitan ako ng panggayuma o mahika.
Nagpapaniwala ako sa ganoon. What the f*ck!
Nagkakagusto na ba ako sa kanya? Hindi maari ito! Hindi ko alam kung anong meron sa kanya. May something na hindi ko maipaliwanag.
Ginulo ko ang buhok ko dahil sa frustration. Right now, I need to concentrate to my work. Ang dami ko pang tatapusin tapos inaaksaya ko lang ang oras ko sa kaiisip sa babaeng amazona.
Louise's POV
"Lola, ito na pala ang gamot niyo, time na po para uminom kayo," ibinigay ko kay lola ang tatlong tableta at inabot ko sa kanya ang isang basong tubig.
Katatapos lang kumain ni lola. Sumabay na ako sa kanya. Nagugutom na kasi ako.
Pagkatapos mainom ni lola ang mga gamot niya, itinulak ko na ang wheelchair papuntang living room.
Gusto niya daw kasing makipagkuwentuhan habang hindi pa raw siya inaantok.
"Lola, matanong ko nga po. Isa lang po ba ang apo niyo?" nagtataka kasi ako wala namang dumating na ibang kamag-anak si lola noong naospital ito maliban lang sa manyak na apo niya.
"May mga apo ako sa mga anak ng kapatid ko. Kaso nasa ibang bansa na kasi sila. Halos doon na sila lumaki. Pagkaminsan kapag may okasyon ay umuuwi naman sila dito," kuwento ni lola sa akin.
"Ah, ganoon po ba. Lola, ano po ang anak niyo babae o lalaki po?" tanong ko kay lola. Na-curious kasi ako kaya naitanong ko lang.
"Babae ang anak ko. Siya ang Mommy ni Hunter. Napakabait ng anak ko na iyon. Kahit kaisa-isa kong anak hindi siya naging sakit ng ulo- napakamasunurin na anak," nakangiting sabi ni lola. Hindi nagmana ang apo niya sa ina nito.
"Mahal na mahal niyo siguro ang anak niyo lola?" tanong ko kay lola.
" Oo iha mahal na mahal ko ang anak ko. Kaya nga ng namatay siya gumuho ang mundo ko. Siya na lang mayroon ako. Buti nandiyan ang apo kong si Hunter. Siya ang nakasama ko mula ng pumanaw ang anak ko" maluha luha niyang kwento.
Nakikita ko sa mata ni lola ang kalungkutan na dinaramadam niya at wala sa piling ang pinakamamahal na anak.
Niyakap ko si lola para iparamdam dito na may taong nagmamahal sa kanya na hindi siya nag-iisa. Idinantay ko ang ulo ko sa gilid ng mukha ni lola.
Naalala ko kasi sa kanya ang namayapa kong lola. Love na love ko ang lola ko. Kaya ng pumanaw si lola sobra akong nalungkot. Inabot ng taon bago ako naka move on sa pagkawala nito. Mula pagkabata ko kasakasama ko na siya. Kaya sanay akong nandiyan lang sa tabi ko.
"Napakabait mong bata. Salamat, hija, pinasaya mo ako sa yakap mo," niyakap niya rin ako. Magaan ang loob ko sa kanya pero sa apo niya-naiinis ako dahil siguro sa ugali niyang antipatiko.
"Lola, nandito lang ako kapag gusto niyo ng kausap. Handa po akong makinig," tiningnan ko si lola. May nakita akong luha sa gilid ng mga mata niya.
Kailangan ni lola ng magmamahal sa kanya. Puro katulong ang mga kasama nito sa bahay. Ang manyak niyang apo busy sa work or kaya sa mga babae niya. Madalang lang umuwi ng maaga. Iginiya ko na si lola sa elevator papunta sa taas ng kwarto nya.
Pinatulog ko na si lola. Gabi na pala hindi ko namalayan 8:30 pm na pala.
Makababa nga muna hindi pa ako dalawin ng antok.Pumunta ako sa may swimming pool ,dala ko ang slice ng cake na kinuha ko sa ref at tea na tinimpla ko. Inilapag ko sa maliit na lamesa at naupo sa may upuan paharap sa swimming pool.
BINABASA MO ANG
Stand Inside Your Love
Roman d'amourSa unang pagkikita nila Louise at Hunter ay hindi na naging maganda. Hanggang sa nagkitang muli ang dalawa sa ospital kung saan nagtatrabaho bilang Nurse si Louise at si Hunter naman doon naka-admit ang kanyang abuela. Kinuhang private Nurse ng lola...