Louisse POV
"SENG!!" Sagwa ng tawag niya sa akin. Ito ang nickname na binigay nila sa akin noong bata pa ako. Louisse ang buong pangalan ko. Ayoko na tawagin pa nila akong sa childhood name ko. Kasi naman ang pangit at bantot kaya. Ewan ito pa din ang tawag ng mga pinsan ko sa akin. Siguro nasanay na sila sa ganoon.
"Ate, wait lang." Sabi ko. Habang pinipigilan ko siya sa pamamagitan ng kamay ko. Parang hindi napansin ng pinsan ko na madumi ang damit ko. Yumakap pa din ang pinsan ko. Kumalas ito sa pagyakap sa akin.
"Anong nangyari sa damit mo Seng?!" Sabi ng pinsan ko.
"Hay, naku ate may isang walang modong lalaki. Dumaan sa puwesto ko kung saan ako nag- aabang ng taxi. May lubak kasi kaya natalksikan ako. " Sabay simangot ko.
"Ganoon ba? Oh eh nag sorry ba naman ang lalaki?" Sabay kuha sa bag ko na nasa may kamay ko. At pumasok na kami sa bahay.
"Ako pa nga daw ang may kasalanan. Tapos binigyan ako ng pera. Ito oh? Bumili daw ako ng shirt ko. Walang modo!!" inis na sabi ko. Sabay pakita ko sa kanya ng 1 thousand.
"Aba't walanghiya nga ah!! Namukhaan mo ba?" Tanong sa akin ng pinsan ko.
"Hindi ko nakita buong face ate eh. Mata lang at ilong. Hindi niya kasi binuksan maigi ang bintana ng kotse niya. Tsaka tinted kasi." pagpapaliwanag ko.
"Tanders na ba? Guwapo?" sunod-sunod na Ttnong ng pinsan.
"Ewan ate kasi mata lang ang nakita ko." paliwanag ko. Hindi ko sure kung guwapo ba matatawag kapag maganda ang mata? Hindi ko naman nakita ang kabuuan ng mukha nito.
" Sige magbihis ka na. Maligo ka muna huh? Ang baho mo eh. Sumunod ka na lang dito sa kusina. Para makakain ka na. Alam kong gutom ka na. Nagluto ako ng tinolang manok. Di ba favorite mo yon." napangiti ako. Bigla akong naglaway. Hindi pa din nito nalilimutan ang favorite food ko. Maganda din itong apartment na tinitirhan ng pinsan ko . May taas at may dalawang kuwarto.
Pinuntahan ko ang isang kuwarto sa taas na magiging silid ko. Inabot ko ang seradura ng pinto at binuksan ito. May isang kama doon puwede dalawang tao ang makakahiga. Inilapag ko na ang mga gamit ko sa may tabi ng kama.
Naupo ako sa kama upang tanggalin ang sapatos ko. Napaangat ako ng tingin pumasok ang pinsan ko. Sinabi niya sa akin ilagay ko na lamang ang damit ko sa closet at wala naman daw laman. Tinungo ko ang closet habang ang pinsan ko ay lumabas na ng silid.
Pagkatapos ko mailagay ang mga damit ko sa closet nagpunta na ako sa banyo sa may baba para maligo. Nagpalit na din ako damit pambahay.
Naabutan ko ang pinsan kong naghahain na ng hapunan namin. Nagugutom na ang anaconda ko sa tiyan. Mapaparami ang kain ko nito. Pagkaupo ko biglang tumunog ng malakas ang tiyan ko. Nagtawanan kami ng pinsan ko.
"Gutom ka na talaga" sabi ng pinsan ko.
Copyright©2016
All Rights Reserved
By coalchamber13
BINABASA MO ANG
Stand Inside Your Love
RomanceSa unang pagkikita nila Louise at Hunter ay hindi na naging maganda. Hanggang sa nagkitang muli ang dalawa sa ospital kung saan nagtatrabaho bilang Nurse si Louise at si Hunter naman doon naka-admit ang kanyang abuela. Kinuhang private Nurse ng lola...