Louisse's POV
"Naku, lola, ang laki ng bahay mo," mangha kong sabi. Ang lakas pa ng pagkakasabi ko ,rinig yata buong mansyon.
Medyo luma na ang mansyon pero napanatili pa din nito ang kagandahan. Tapos ang laki ng lawn at ganda ng garden. Siguro maliligaw ako dito lalo sa loob ng bahay.
Pumasok na kami sa mala- palasyong bahay. Makikita mo sa mga bawat sulok ng mansyon kung gaano kayaman ang pamilyang ito. Ang mga painting, portrait, mga malalaking vase ay mukhang mamahalin ang mga ito. Baka mas mahal pa sa buhay ko ito.
Ang mga sofa grabe color gold. Parang nakakahiyang upuan. Magrereklamo siguro ito kapag umupo ako. Carpeted ang sahig at ang hagdan red carpet. Parang nasa hollywood lang ang peg. Nakakaasiwang hawakan ang puno ng hagdan dahil gold ang kulay. Puwede kayang maisanla at ilang carat kaya ito?
Itinulak ko na ang wheelchair ni lola at nagpunta kami sa elevator. Oo, may elevator dahil hindi puwedeng maghagdan si lola. Pinasadya talaga nilang maglagay para sa safety niya.
Ayon kay lola ang apo niya daw ang kasama niya rito. Ang bait naman, sana guwapo at macho. Tipong malalaglag ang panty ko.
"Hija, huwag kang mahiya na gumala dito, feel at home," sabi ni lola sa akin nang marating namin ang silid niya. Ang bait naman niya sana 'di pa siya kunin ni lord.
Inalalayan ko si lola na maihiga sa kanyang malaking bed. Ang laking bed niya kasya yata limang tao rito. Inayos ko ang unan niya para maging komportable siya at saka ko siya kinumutan.
"Lola, nakakahiya naman kung feel at home ang peg ko dito. Nandito po ako para magtrabaho at alagaan kayo, hindi po para lang namamasyal sa loob ng bahay niyo," sabi ko kay lola. Sabay ngiti sa kanya. Natawa ng mahina si Lola.
Nakakahiya naman kasi mamaya niyan magalit ang apo niya. Hindi ko pa naman kilala kung ano ang ugali niya. Ayon kay lola mabait naman daw ang apo. Well, let's see kapag na-meet ko na siya.
"Sige po, lola, matulog na po kayo," umupo ako sa may sofa para bantayan siya.
Nailibot ng tingin ko ang buong silid ni lola. Sobrang laki, may living room pa rito. Mas malaki pa yata ito sa bahay namin. May partition lang kasi ang sa amin, ito ay wala.
Lumabas muna ako ng silid ng masiguro kong tulog na si lola. Bigla kasi akong nagutom. Hindi pa kasi ako naghahapunan. Ang kulit ko din kasi kanina. Inaaya na nila akong kumain sa ospital tumanggi pa ako sa grasya.
"Hija, halika na maghapunan ka na. Tamang- tama nakahain na," sabi ni Manang sa akin. Nakasalubong ko siya ng pababa na ako sa hagdan.
"Sige po, nagugutom na nga po ako," sabi ko kay Manang. Totoo naman, huwag ng maarte
Habang kumakain na kami kasama ang mga ibang katulong naulinigan ko si Manang na may kausap sa sala. Sino kaya iyon? Nagkibit balikat na lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain ko.
"Siya nga pala, hijo,nandito na pala si Senyora nagpapahinga na siya sa silid niya. Siya nga pala ito si Louisse ang nurse ni Senyora," rinig kong sabi ni Manang na mukhang nandito na sa kusina.
Iniangat ko ang ulo ko para makita kung ano hitsura ng apo na sinasabi ni lola sa akin.
Natigil ako sa pagnguya nang matitigan ko ang lalaki. Teka parang pamilyar ang mukha ng ugok na ito. Nanlaki ang mga mata ko .
"You/Ikaw!!!" sabay pa naming sabi. Nagtataka namang napatingin sa amin ang mga katulong.
Napatayo ako sa kinauupuan ko at nag-walk out ako. Ang kapal ko ako pa talaga nag-walk out.
Hindi ko namalayan na sinundan pala niya ako. Nagpunta ako sa swimming pool.
"So ikaw pala ang nurse na kinuha ni lola," nakataas pa ang kilay na sabi niya. Aba, bakla lang ang peg may pataas-taas pa ng kilay.
"Ano naman ngayon kung ako nga ang kinuha ng lola mo para mag-alaga sa kanya. Excuse me, trabaho ko naman ito bilang nurse," sarkastikong sabi sa buwisit na lalaking ito. Sarap lang kutusan akala mo kung sino.
Pero infairness ang guwapo niya. Para siyang goddess-matangkad.Tama lang ang puti niya. Matangos ang ilong. May pagka-dark brown ang kulay ng buhok niya. Nakapagtataka dahil blue ang kulay ng mga mata niya. May lahi siguro ang Tatay nito.
Para siyang model ng Calvin Klein. Ngayon ko lang napagmasdan maigi ang kumag na ito. Hindi ko kasi pinansin masyado ang hitsura niya noon kasi naman galit kaya ako at that time.
"Are you done looking at my body?" he smirked. Aba't walanghiyang ito. Ang yabang, ah!
"Anong looking at your body-in your dreams. Kung ikaw lang huwag na, no?" iniripan ko nga siya. Kainis, eh. Sabihin bang pinagmamasdan ko siya. Neknek niya kahit gwapo siya hindi ko siya type. Ang sama kaya ng ugali niya.
"Aminin mo na kasi na type mo ako at nagagwapuhan ka sa akin. Madali naman akong kausap," sabay lapit sa akin. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Amoy ko na nga hininga niya. Grabe ang bango. Teka kumusta naman hininga ko. Ano ba'ng ulam ko kanina hindi pa ako nagtoothbrush.
Umurong ako kasi naman bakit ba lumalapit ang lalaking ito? Paglingon ko deadend na pala nasa pader na ako.
"T-Teka umalis ka nga diyan.'" Nauutal na sabi ko. Hinarang ko ang kamay ko sa dibdib niya. Habang sinasabi ko nagside view ako para hindi ko makita ang pagmumukha nito. Ang lapit naman kasi.
Nanigas ako naramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko. Nagulat ako hinalikan niya ito! Bigla ko siyang itinulak. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Nanginig ang tuhod ko. First time kasing may humalik sa akin, sa leeg pa talaga. Well, nahalikan na niya ako sa lips last time na encounter namin.
"Look at your face!" tawa ng tawa ang manyak. Hawak pa ang tiyan habang tumatawa. Nakakainis. Sipain ko ang hinaharap nito para magtanda.
Walanghiyang ako na nga ang minanyak nang-aasar pa. Sigurado pulang-pula na ang mukha ko sa galit.
"Hoy manyak ka! Walanghiya ka!" sinugod ko siya at pinagsusuntok ang dibdib nito. Hindi ko kasi maabot ang pagmumukha niya ang tangkad kasi .
"Easy ka lang babe. Alam ko naman nagustuhan mo, eh. Masarap ba?" Hinawakan niya dalawang kamay ko para pigilan sa pagsuntok sa dibdib niya. Tumatawa pa din ang gago.
" Hindi ko kailanman magugustuhan ang halik mo. Yuckkkk! Napakamanyak mo. Bastos. Antipatiko. Mayabang. May kasalanan ka pa sa akin! You stole my first kiss!
Napakawalanghiya mo! Ang pangit mo!" galit na sigaw ko sa kanya. Lumabas na litid ng leeg ko sa sobrang inis ko sa lalaking kaharap ko.
"Sinong pangit ako? Ikaw lang ang nagsabi niyan sa akin. Hindi mo ba alam na maraming nagkakandarapang babae sa akin para lang mahalikan ko sila. Pasalamat ka nga at pinagtiyagaan kong halikan ang leeg mong amoy vinegar," he chuckled. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niyang vinegar.
"Ako magpapasalamat sa iyo? In your dreams, kahit ikaw pa ang huling lalaki sa mundo hindi ako papatol sa katulad mo. Manyak! Hoy mabango ako hindi ako amoy suka! Gago ito!" nanggagalaiting sabi ko.
Nabigla ako sa ginawa niya. Hinalikan niya ako sa lips. Feeling ko sinipsip niya ang lips ko. Hindi ako nakapalag kasi naman natulala ako. Hindi ako makareact. Narinig ko na lang siya nagsabi ng..
"Goodnight, babe, sweet dreams," he chuckled then nakapasok na sa loob. Habang ako naglo-loading pa ang utak ko. Hindi ako nakagalaw.
Napakawalanghiya talaga ng lalaking iyon. Humanda siya bukas. Gusto kong maiyak, naisahan na naman ako ng ugok na iyon. May araw ka rin lalaki ka. Hindi na virgin ang lips ko, pangalawa na nga niya itong paghalik niya sa akin. Bakit ba natutulala ako kapag hinahalikan niya ako. Anong mayroon sa lips ng ugok na iyon?
Copyright©2016
All Rights Reserved
By coalchamber13

BINABASA MO ANG
Stand Inside Your Love
RomanceSa unang pagkikita nila Louise at Hunter ay hindi na naging maganda. Hanggang sa nagkitang muli ang dalawa sa ospital kung saan nagtatrabaho bilang Nurse si Louise at si Hunter naman doon naka-admit ang kanyang abuela. Kinuhang private Nurse ng lola...