Antipatiko

8.7K 297 7
                                        

Louisse's POV

Paano ba ako makatitingin ng diretso sa kumag na ito? Kung bigyan niya kasi ako ng tingin ay parang nakababastos. Para kasi akong nakahubad sa paningin niya.

"Good morning, hijo. Good morning, Louisse. Umupo na kayong dalawa. May problema ba?" Nakakunot ang noo na tanong ni lola.

"Lola, wala naman pong problema." Sagot ko. Napasulyap ako kay Hunter. Gusto ko siyang irapan ngunit hindi ko magawam

"Granny, good morning," bati ni Hunter at saka lumapit sa kanyang lola at humalik sa noo nito.

"Good morning, beautiful," bati naman niya sa akin. Parang sinilihan ang puwet ko hindi mapakali nang lumapit siya sa akin.

He kiss my cheeks. Feeling ko sinipsip niya ang cheek ko. Bakit pati ako may halik rin? Hindi ako nakagalaw nang iangat niya ang kanyang ulo at nagsalubong ang aming mga tingin.

Pakiramdam ko namumula na ang pisngi ko. Isang kindat ang nagpagising sa pagkatulala ko nang matitigan ang kanyang asul na mga mata. Ako ang unang nagbawi ng tingin. Gusto kong lumubog sa kinauupuan ko dahil sa hiya.

Tahimik lang kaming kumakain, tanging tunog ng kutsara, tinidor at plato lang maririnig sa hapag kainan.

Panaka-naka rin niya akong sinusulyapan, magkatapat lang kasi kami, kung kaya malaya niya akong nasisilayan.

Kinindatan pa ako ng walanghiya, pagkatapos pinatulis pa ang nguso nito. Lumaki ang mga mata ko.

Napatingin ako sa gawi ni lola, baka naman kasi nakita niya ginagawa ng apo niyang manyak. 'Buti busy si lola sa pagkain niya.

"Lola, gusto ko sanang i-invite si Louisse pumunta ng beach para naman malibang siya. Pasasalamat sa pag-aalaga niya sa inyo ng maayos," suhestiyon ni Hunter. Tumingin siya pagkatapos niyang sabihin iyon.

"Magandang suggestion iyan. Gusto ko rin naman mag-unwind itong si Louisse. Don't worry, bibigyan kita ng dayoff kahit ilang araw lang," ngumiti sa akin si lola. Ang bait naman niya.

"Lola, hindi po ba nakahihiya? Ilang araw palang naman ako dito." Nakakahiya naman kasi kahit gusto kong pumayag.

"Huwag ka ng tumanggi nakaplano naman na iyon this coming weekends.Don't worry about the plane ticket and the hotel, sagot ko lahat." Aniya.

"That's good, hijo. Louisse, ihanda mo na ang mga gamit mo," parang mas excited pa si lola kaysa sa akin, sa weekends pa naman iyon.

"Sige po, lola, tulungan ko na rin po kayong mag-ayos ng mga dadalhin ninyong gamit, pagkatapos ko pong ayusin mga dadalhin ko na mga damit," sabi ko kay lola.

"Hindi ako sasama, kayo lang ng apo ko." Nagulat ako sa sinabi niya. Kaming dalawa lang ng manyak niyang apo? "Don't worry, okay naman na ang pakiramdam ko at kaya na ni Sabel na alagaan muna ako pansamantala," Parang gusto kong umatras sa balak ng apo niya.

'Yung excitement ko ay biglang nagsubside.

"P-po?"

Ngumisi lang ang manyak na parang sinasabi na siya ang nagwagi. Feeling ko may balak to, eh. Hindi ko hahayaan na may gawin siyang masama sa akin.

"Okay, then it settled. See you on weekends. I will assure you, we will enjoy our stay there," kinindatan niya ako at ngumuso pa na nagpapahalik lang. Inirapan ko siya.

I heard him chuckle at tumalikod na siya. Bigla akong kinabahan.

Copyright©2016
All Rights Reserved
By coalchamber13













Stand Inside Your Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon