Hunter's POV
It's been a week since the incident. I'll never forget her lovely face. Her lips are lovely. I'd want to kiss it. Hindi ko din makalimutan ang mata niya. Those beautiful eyes. Pinilig ko ang ulo ko dahil sa naiisip ko. Ano ba itong ini-imagine ko. Fuck!
It's funny to think na kahit nanlalaki na ang butas ng ilong niya sa galit she manages to appear stunning. Damn, bakit ko ba iniisip ang babaeng iyon. Is she my kind of girl? My answer is a resounding- NO!
'Curious lang siguro ako.' Pagkumbinsi ko sa sarili ko. Ngayon lang kasi ako naka-encounter ng ganoong klaseng babae. Para siyang amazona kung magalit. She isn't my type. F*ck bakit ba ako nagkakaganito?
Ang mga babae ang nagbibigay ng motibo sa akin. I never make the first move. And I never take them seriously.
Someone walked into my office. Tumaas ang kilay ko nang makita ko ang pinsan ko. Hindi marunong kumatok man lang. May Secretary ba ako? Bakit hindi man lang ako sinabihan na may darating.
"Hey bro! Wassup!" my cousin Ryder Montalban.
Sigurado ako may ginawa na namang magic to sa sekretarya ko. Knowing him. A cassanova at numero unong bolero sa aming magpipinsan. Pero kahit ganoon I consider him as my brother. Itinuring ko na ring parang tunay na ina ang Mommy niya. Mula ng namatay si Mama.
"Wassup your face! Asshole!" I hissed at him.
Bigla na lang pumapasok ng walang abiso. Hindi ba uso sa kanya ang kumatok? Ganoon lang talaga tawag ko sa kanya. Wala naman sa kanya. Sanay na rin sa akin.
"Woahh.. Chill bro. Mainit yata ang ulo mo? Gusto mo ba magpalamig? Bar tayo mamaya. Baka naman kulang ka lang sa s*x. Almost one week ka nang wala sa hideout natin," sabay tawa ng ugok.
Umupo siya sa sofa na nasa malapit sa table ko at nagdekwatro.
"Look, I'm busy, and I've got a lot of stuff to do. Do you see these?" I pointed to the file of paperwork that I needed to sign and review. Tambak na nga. Madami pa kasi akong dapat i-review na mga proposals. Hindi puwede na lang basta pirma lang ng pirma.
Ayokong malugi ang company ko. Itinayo ko ito at pinaghirapan kong palaguin sa sarili kong sikap ng walang tulong mula kay Daddy. I sighed.
Bigla siyang tumawa. Ano naman nakakatawa sa sinabi ko. Sapakin ko kaya ito. Napipikon na ako. Maikli lang talaga pasensya ko.
"What's funny? You scumbag!!" I hissed. Wala naman nakakatawa sa maraming gagawin. Mayroon ba?
" Mukha kasing ang lalim ng iniisip mo? In love ka na yata man! Sino bang mapalad na babae?" sabi nito sa akin.
"I'm just busy that's all. Mayroon pa bang iba?" Ayoko kasing magkwento sa ungas na ito. Wala akong mapapala sa kanya. Puro kagaguhan lang alam nito. He's a jerk.
"You may leave now. Madami akong gagawin. And next time kumatok ka muna" pinagtuunan ko na ang mga papers na dapat kong pirmahan. He chuckled
" By the way bro nagpunta lang ako dito just to inform you. Invite sana kita sa birthday ni Mommy. This coming Saturday na. She was asking if you can come. And oh, don't say no" tumayo na siya.
"Don't worry bro, I will come to, tell Tita okay. Get out of here! " pahabol na sabi ko.
"Okay see you there. Chillax man!" he chuckle at tuluyan ng umalis.
Gago talaga puwede naman mag-text or tumawag sa akin para i-invite ako. Nag-aksaya pa siya ng oras para pumunta dito. Wala ba siyang masyadong trabaho? CEO rin kaya ang pinsan sa company niya. Napaiiling na lang ako. Hindi pa rin nagbabago.
Copyright©2016
All Rights Reserved
By coalchamber13
![](https://img.wattpad.com/cover/85944540-288-k883999.jpg)
BINABASA MO ANG
Stand Inside Your Love
RomanceSa unang pagkikita nila Louise at Hunter ay hindi na naging maganda. Hanggang sa nagkitang muli ang dalawa sa ospital kung saan nagtatrabaho bilang Nurse si Louise at si Hunter naman doon naka-admit ang kanyang abuela. Kinuhang private Nurse ng lola...