(Louisse POV)
Nakakapagtaka naging mabuti ang pakikitungo niya sa akin. Dahil kaya sa halikan namin kahapon. Feeling mo naman Louisse may gusto sa iyo. Saway sa sarili ko.
" Babe?" nagulat ako hindi dahil sa tinawag niya ako kung hindi sa sinabi niyang babe?
" N-Nandito ako" nauutal na sagot ko.
Ngiting-ngiti ang kumag na bumungad sa akin. Grabe ang guwapo niya pala kapag nakangiti.
" I miss you, babe" miss agad ilang oras lang kami hindi nagkita. Ano ito bolahan sabi ko sa sarili ko.
Nagulat ako ng kinabig niya ako palapit sa kanya. Napasubsob ako sa malapad at mabango niyang dibdib. Ang sarap amoy-amoyin grabe. Sarap din dila dilaan lalo kapag nakahubad. At makapa mga abs niya.
" Wait nga lang puwede bitawan mo nga muna ako hindi ako makahinga. Nakakahalata na ako tsansing ang ginagawa mo."reklamo ko.
"Babe I just want to hug you. Stay still." lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Para bang ayaw niya akong pakawalan.
Sige na nga pagbigyan na ang kumag na ito. Ngayon lang naman.
" Are you hungry? You want to eat?" he kissed my forehead. Oh my gulay bakit ang sweet sweet niya ngayon. Sa pagkakaalam ko napaka antipatiko niya.
Tumango lang ako para akong nagiging pipi. Walang words na lumabas sa bibig ko. Nakatingin lang ako at tango lang ang isinasagot ko.
Nasa ganoon kaming scene ng may boses paniki akong narinig mula sa background hindi ko alam saan galing.
" Honey!" tili ng boses paniki na girl. Lumingon kami pareho nitong tukmol. Napabitaw kami sa pagkakayakap.
Bumubungad ang babaeng nagkatawang tao. Kasi mukha siyang tinapa. Basta iyan ang unang naisip ko sa hitsura. Akala mo naman ang sexy niya mukha siyang tinikling.
Napaismid ang girl sa akin akala mo naman may nagawa akong karumaldumal na krimen.
" Who's this bitch?" aba ano daw ako bitch. Sinusubukan talaga ako ng babaeng ito.
" Hoy babaeng kaboses ng paniki at kamukha ng tinapa. Huwag mo akong mabitch bitch diyan baka makita mo ang hinahanap mo tingnan ko lang" inis na sabi ko. With matching pameywang pa ako.
Tumingin ako sa katabi kong tukmol pinipigilan lang niyang tumawa. Ewan ko sa kanya ako ba ang nakakatawa or itong boses paniki na ito.
Kumapit na parang tuko ang girl kay tukmol. Ang walanghiya parang gustong gusto naman.
" Honey miss na kita. Bakit hindi ka na tumatawag sa akin?" ano kaya nagustuhan ng tukmol na ito sa babaeng boses paniki at mukha pang tinapa. Oo na ako na ang masama mapanlait ako totoo naman kaya sinasabi ko. Inirapan ko ang dalawa tapos nag walkout ang beauty ko .
Hinihintay ko na sundan ako pero palinga linga ako walang tukmol na sumunod. Baka nagayuma na ng babae. Akala mo makapulupot wagas.
Makakain na nga nagutom ako sa mga taksil.
May narinig akong tumawag sa akin lumingon ako lumaki ang mata ko sa nakita ko. Ang goddess ng Mt. Olympus.
"Brantley?" ang pogi niya talaga napakagat labi ako kasi naka half naked na naman siya tapos nakaboard short. Nakita ko na naman ang abs niya jusko.
" I'm glad we meet again" ngiting sabi niya sa akin.
" Yeah I'm glad too" napa english pa ako ng wala sa oras.
" Nag-lunch ka na ba?" tanong niya sa akin.
" Hindi pa nga eh. Ikaw naglunch ka na ba?" tanong ko din sa kanya habang pinapasadahan ko ng pasimple ang abs niya. Nakakatulo laway.
Nagulat ako kasi hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kami na nakaholding hands.
Nakarating na kami sa restaurant medyo madami na ang tao. Lunch time na kasi buti may mga vacant table pa.
Nag-order na kami ng food. Iba iba inorder niya may seafoods may vegetables salad at may meat din. Wow ang dami niyang inorder akala mo ang siba ko lumamon.
" Dont worry libre ko ito." sabay kindat sa akin. Siyempre ako pasimpleng kinilig.
" Naku kakahiya naman sa iyo. Hayaan mo sa next time ako naman manlilibre sa iyo. " sabi ko sa kanya.
" Sure" nginitian niya ako.
❤❤❤
Tawa ako ng tawa sa mga jokes niya. Grabe akala ko seryoso ang lalaking 'to kalog din pala. Hampas dito hampas doon ang ginawa ko sa kanya kasi naman nakakatawa talaga siya.
Siyempre way ko ito para makachansing na rin ako. Mahawakan ko ang kanyang muscle.
Biglang may narinig na naman akong boses na nakakairita sa pandinig ko. Boses paniki.
Lumingon ako sa kanan nakita ko ang talipandas. Pinaningkitan ko sila kasi nakakairita ang mga hitsura nila. Umupo sila sa katabi naming table. Dahil vacant iyon.
Kung makakapit ang mukhang tinapa akala mo ipapasok na ang tinikling na katawan.
Inirapan ko lang siya. Kung makatingin sa akin akala mo ako ang nakagawa ng masama. Siya itong sumama sa babaeng mukhang tinapa. Magsama silang dalawa bagay na bagay sila.
" Wow ang dami nating na kain Louisse. Hindi naman tayo gutom." Natatawa sabi ni Brantley. Oo nga hindi ko namalayan nasimot namin ang inorder namin. Ang bigat ng tiyan ko grabe. Kinakabag yata ako kasi naman tawa ako ng tawa sa kalokohan nito.
" Ikaw kaya madami kinain tingnan mo oh ang plato mo walang natira" natatawa kong sabi.
" Oh, sige tayong dalawa ang masibang lumamon," sabay tawa ng malakas.
Nakatawag na kami ng pansin sa mga kumakain din dito sa restaurant sobrang lakas ng tawa niya. Natawa na din ako kasi nga inamin niya din masiba siya lumamon.
Paglingon ko sa kabilang table ang sama ng tingin na pinukol sa akin ni Hunter. Feeling ko lagot ako mamaya pagbalik ko ng hotel namin.
Sa ngayon enjoy ko muna ang moment ko kasama si Brantley. Pinasaya niya ang aking araw.
Copyright©2016
All Rights Reserved
By coalchamber13
![](https://img.wattpad.com/cover/85944540-288-k883999.jpg)
BINABASA MO ANG
Stand Inside Your Love
Roman d'amourSa unang pagkikita nila Louise at Hunter ay hindi na naging maganda. Hanggang sa nagkitang muli ang dalawa sa ospital kung saan nagtatrabaho bilang Nurse si Louise at si Hunter naman doon naka-admit ang kanyang abuela. Kinuhang private Nurse ng lola...