Selos

9.3K 297 6
                                    

Napabalikwas ako ng bangon ng makarinig ng sunod sunod na katok sa pinto. Ano ba 'yan sino ba namang istorbo ito! Ang aga-aga hindi pa yata sumisikat ang araw at tumitalaok ang manok.

Tiningnan ko ang oras sa relo ko. 9am na.  Nanlaki ang mata ko. Susmaryosep napahaba ang tulog ko. Sabi ko pa naman maaga ako gigising at hihintayin ko ang sunrise.

" Teka lang!" sagot ko sa taong panay ang katok. Grabe naman makakatok parang gusto ng gibain ang pintuan, eh. "Sandali lang nagmamadali!" Binuksan ko ang pinto. Napa oh my gosh ako. May isang macho akong kaharap. Ang mata ko ay tumutok sa mabato-bato nitong abs Namumutakte ng abs ang kaharap ko. Hindi ba ito nilalamig wala itong pang-itaas.

Tumaas ang tingin ko biglang taas ng kilay ko. Si manyak lang pala.

" Tapos mo na bang tingnan ang maganda kong katawan?" sabay ngisi at may kasama pang kindat akala mo may hindi gagawing mabuti. Totoo naman wala naman talagang gagawin mabuti ang nasa harapan ko.

" Ewww... At bakit ko naman pagnanasaan ang katawan mo? Anong kailangan mo?" nakapamaywang na tanong ko. Ang taray lang ang peg ko umagang-umaga. Kung ganito naman kasi ang bubungad sa beauty ko.

Napaatras ako kasi naman lumapit ng malapit na talaga ang maniac. Yumukod ito para ipantay ang mukha niya sa mukha ko.

Gosh ang bango naman ng hininga niya. Naisara ko ang lips ko. Hala hindi pa ako nagtoothbrush. Kasi naman bigla na lang itong sumusulpot. Sana nakapaghanda ako. 

"I've come to ask you to breakfast with me." napatingin muli ako sa katawan nito. Mayroon bang magbre-breakfast nakahubad pang itaas tapos naka board short? Hindi ba puwede maging pormal man lang.

Gusto yatang ibalandra ang kanyang naglalakihang muscle sa dibdib.

"Laway mo tumutulo na" sabi nito. Narinig ko ang tawa niyang nakaka-inis.

Ano tuloy laway? Pasimple kong pinahid ang gilid ng labi ko. Wala naman!

Hinampas ko mukha niya. Makatulo laway naman ito.

" Ouch!  Grabe amazona ka talaga! Bakit mo ako hinampas sa mukha. Hampasin mo ibang part ng katawan ko not my handsome face. Damn! " hinimas niya ang guwapo niyang mukha.

" Kasalanan mo kaya bagay lang sa iyo iyan." inirapan ko ito. Pagtawanan ba ako. Hindi naman tumulo laway ko eh.

______

Iniwan ko ang tukmol sa restaurant kung saan niya ako dinala. Kakainis isinama lang ba ako sa breakfast kuno niya para maging audience sa landian nila ng babaeng mukhang bisugo.

Grabe parang dinapuan ng higad ang labi nya. My gosh bakit ganoon namaga. At ang hinaharap grabe ang laki.

Habang naglalakad sa dalampasigan hindi ko maiwasang tingnan ang asul na dagat. Sobrang ganda para lang nasa paraiso.

Ano kaya mga activities dito? Ayoko naman lumayo baka hanapin pa ako ng kasama kong manyak. Buti nadala ko pera at cp ko. 

Pupunta muna ako sa bilihan ng mga souvenier. Bibilhan ko ang mga kasamahan ko sa hospital.  Ang dami palang mga mabibili dito, ang gaganda.

Naglakad na ako pabalik sa hotel na tinutuluyan namin ni tukmol. Baka hinahanap na ako roon. Kahit naman naiinis ako marunong din naman akong sumunod sa amo ko.

Habang naglalakad hindi ko napansin na may makakasalubong na pala ako. Palinga-linga kasi ako.

"Aray naku!" napaupo ako sa buhangin. Napalakas ang impact ng pagkabangga namin. Napatingin ako sa taong nabangga ko.

Isang makisig na lalaki at maganda ang pangangatawan nito. Napanganga ako sa kaguwapuhan ng kaharap ko. Parang familiar ang mukha nito sa akin. Hindi ba ito iyong sikat na modelo hindi lang dito sa Pinas maging sa ibang bansa.

Although hindi nman ako big fan nito pero humahanga ako sa taglay nito sa galing sa pagmomodelo.

"Oh, I am so sorry Miss. Are you okay?" napakaamo ng mukha niya. Ang ganda pala ang labi nito sa personal.

" Okay lang ako. Ako dapat humingi ng pasensya. Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko." nahihiyang sabi ko. Hayan na ang pamatay ngiti niya.

Hinawakan nito ang kamay ko para alalayan na tumayo. Ang lambot naman ng palad niya.

"Thank you. Pasensya na talaga" hinging paumanhin  ko.

Natawa siya sa sinabi ko.

"Are you with someone?" tumingin siya sa akin.

" Y-yeah but just a friend." nauutal na sabi ko grabe ang pogi ba naman ng nasa front ko.

" By the way I'm Brentley. And you? May I know your name, beautiful lady?" nilahad nya ang kamay niya sa akin para makipagkamay.

Nahihiya kong inabot ang kamay ko para makipagkamay. Sabay ayos ng buhok ko hinawi at inipit sa teynga ko. Pa-cute style ko lang.

"Thanks for the compliment. I am Louisse" pagpapakilala ko sa sarili. Makikipag-shake hands sana ako sa kanya nang kunin niya ang kamay ko at hinalikan ang likod niyon. 

Kring Kring Kring... 

Hala sa akin ba 'yun? Kinapa ko ang dala kong shoulder bag. Tiningnan kung may tumatawag. Ngunit wala naman? Napatingin ako sa kaharap ko sa kanya pala. Sinagot nya ang phone nito. Ilang sandali ng pag-uusap. 

" Oh, I have to go. Nice meeting you Louisse. Hope we can talk sometime" sabi nito habang nakangiti.

"Nice meeting you too. Next time na lang ulit tayo mag usap. Ingat ka." sabi ko. I wave my hand nang paalis na ito. 

"Ingat baka langgamin ka!" Nagulat ako sa nagsalita sa may likuran ko. Lumingon ako si tukmol lang pala. Napairap ako sa kanya.

" Kaya mo ba ako iniwan dahil nakikipaglandian ka lang sa lalaki?" galit na sabi ng herodes. Ano daw nakikipaglandian ako? Bigla akong napaharap sa kanya. How dare him to accuse me na nakikipaglandian.

" Hoy hindi ako nakikipaglandian. At nagsalita ang hindi nakikipaglandian." galit na sabi ko.

" Im not flirting with someone. Sila ang nakikipagflirt sa akin. Hinanap kita. Mukha na akong tanga sa kakahanap sa iyo!  Kanina pa ako paikot-ikot dito!" kunot na ang noo nito. Gosh ang guwapo pala niya kapag nakakunot ang noo.

Para wala ng argumento tinalikuran ko siya. Wala din naman matinong usapan kung makikipagtalo pa ako sa kanya. Naglakad na ako paalis.

"Hey where are you going?" hinila niya ang braso ko. Kinabig nya ako paharap sa kanya. Kaya napasubsob ako ng di oras sa dibdib niya.

Tumingala ako at nagkatinginan kami. May something sa mata niya na hindi ko maiwasan tingnan. Parang magnet. shocks Seng' di ba galit ka? Bakit para kang nahipnotismo sa titig pa lang niya. Iniwas ko ang tingin ko pero hinawakan niya ang baba ko para ibalik ang tingin sa kanya.

Inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Hindi ko alam kung bakit kusang pumikit ang mata ko. Naramdaman ko na lang ang mainit niyang labi. Napahawak ito sa likod ko ramdam ko ang mainit na palad nito. Imbes na magalit sa ginawa niyang paghalik iba ang nararamdaman ng katawan ko.

" Delicious" sabi niya sa gitna ng paghahalikan namin. Nang tumigil na ito nakatulala lang ako habang titig na titig sa labi nitong namumula na. Isa pang kiss ang ginawad niya sa akin pero smack lang.

" C'mon babe kain na tayo. I know gutom ka na" he hold my hands at naglakad na kami papunta sa restaurant na parang walang nangyari. Napayuko na lamang ako sa sobrang hiya dahil sa ginawa kong pagpapaubaya.

Copyright©2016
All Rights Reserved
By coalchamber13

Stand Inside Your Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon