HALIK

9.1K 286 8
                                        

(Louisse POV)

Dahil sa haba ng usapan ng dalawang magkaibigan, nauwi kami sa isang restaurant. Inaya nila akong kumain dahil mukha na daw akong gutom. 

Ang sama ng dalawang ito. Mukha ba akong gutom? Paanong hindi sasama ang mukha ko nandito ang kumag na ito, kainis.

Hindi naman ako gutom kaya um-order lang ako ng lumpiang sariwa at isang basong ice tea. Habang ang dalawa parang hindi kumain ng isang linggo. Parang may fiesta sa lamesa namin. Ang dami nilang in-order.

Pinagkaabalahan ko na lamang durog-durogin ang lumpia wrapper at hinalo-halo ang sauce nito. Ayoko tingnan ang pagmumukha ni Hunter kung makatingin sa akin para gusto niya akong lamunin ng buhay.  Bakit ba sa tapat ko pa pumuwesto itong walanghiya.

" Louisse, babe." Biglang sumirko sa galak ang puso kong uhaw este puso kong luhaan nang banggitin niya ang endearment na babe.

Napatingin ako sa kanya. Nakangiti ito sa akin. Ang sarap lang tingnan pero sinuway ko ang sarili ko. Hindi dapat ako nagpapadala sa kamandag ng kumag na ito. Binobola lang naman niya ako. Nagpapabola naman ako.

" Bakit?" tamad na sabi ko.

Gustong-gusto kong i-roll ang eyes ko, napatingin ako sa kasama namin nakangiti sa akin. Kaya hindi ko na lang itinuloy baka sabihin ang taray ko.

" Ihahatid kita," hindi ko mawari kung pakiusap ito or command.

Hindi ako sumagot ipinagpatuloy ko lang ang pagsubo sa kinakain ko.

Feeling ko ang tagal ng oras parang isang dekada yata ang lumipas. Gustong ko nang umuwi.

" Ihahatid na kita,babe." Ani Hunter.

" Mag-jeep na lang ako baka nakakaistorbo ako sa iyo. Malayo pa ang Manila huwag mo na akong ihatid." Pinal na sabi ko.

Tumingin siya sa akin pero imbes na sagutin ako kinindatan niya ako.

Napa-roll tuloy ako ng mata sa landi niya. Pero ang mga kalamnan ko kinikilig sa tuwa. Kahit gusto kong ngumiti mas pinili ko sumimangot para malaman niya hindi ako natutuwa kunwari. Pero deep inside nagkakaroon na ng fireworks.

" I have to go, guys. Nice meeting with you, Louisse," kinuha nito ang kamay ko. Hahalikan sana niya ito ngunit biglang hinila ng kumag ang kamay ko.

" You can go now! Asshole!" sabi nito sa inis na tono. 

Natatawa naman itong isa sa inasta ng kumag.

" Seloso,"  bulong niya pero narinig ko naman. Nginitian ko na lamang baka kasi umusok sa galit ang  isa dito.

" Huwag mo na nga ako ihatid. Ang kulit mo! Umuwi ka na at para hindi ka matraffic sa daan" sabi ko tumalikod na ako dala dala ko ang napamili ko. Bigla niyang kinuha sa akin ang dala dala kong mga supot.

Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko para hindi ako makakawala. Hinila niya ako papunta sa parking lot nagpatangay na lamang ako.

Habang inilalagak niya sa backseat ang pinamili ko. Nakahawak pa din sa kamay ko ng mahigpit. Mukha lang tanga eh. Ano siya posas.

" Bitawan mo na nga ang kamay ko! Hindi naman ako tatakbo." inis na sabi ko. Sarap lang iupper cut ito eh.

" No i won't let you go anymore" may diin ang bawat salita niya. Inirapan ko siya. Tsura nito akala mo naman magpapauto ako sa kanya. Nek nek niyang kalbo.

" Get in the car."Utos nito sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin. Pinanlakihan niya ako ng mata.

" Oo na! Akala mo naman kung sino ito. Ikaw na ang may kotse!" pagsusungit ko. Ano naman kinalaman ng kotse sa pagsisintir mo Seng. Sabi ng isip ko.

" Papasok din pala eh ang dami pang arte. " bulong nito.

" Ano sabi mo! Bubulong bulong ka pa diyan mukha kang bakla!" pang aasar ko sa kanya. Maarte bang siya itong nakakainis kung makautos akala mo naman binabayaran niya ako.

" What did you say?!" salubong na ang kilay nito na lalong nagpalutang sa kaguwapuhan nito.

" Sabi ko mukha kang bakla!" sigaw ko sa kanya. Padabog na sinara niya ang sasakyan.

" Ah bakla pala huh?!" nagulat ako ng bigla niya akong kinabig palapit sa kanya. Hinalikan niya ako! Hinawakan pa nito ang likod ng ulo ko para hindi ako makakawala.

Napahawak ako sa dibdib niya. Sa una mapusok ang paghalik niya. Sa kalaunan naging banayad na ito. Hindi ko namamalayan na tumutugon na pala ako sa mga halik niya.

Seng ano ka na nasaan na iyong sinabi mo hindi ka na paloloko. Ano ito parang sarap na sarap ka sa halik niya.

Copyright©2016
All Rights Reserved
By coalchamber13

Stand Inside Your Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon