PANLILIGAW

9.3K 275 4
                                    

(Louisse POV)

" Flowers for you," sabi nito sa akin. 

Parang gusto kong ihampas ang flowers sa mukha niya kaya lang sayang itong flower mukha pa naman mamahalin.

" Thanks" kinuha ko iyon. Mula noong nagkita kami ni Hunter ganito siya sweet sweetan. Baka palabas na naman ng kumag na ito para mapaikot na naman ako.

Si ako naman uto-uto akala ko totoo mga pinapakita niya, iyon pala kasinungalingan lang ang lahat.

" Bakit mo ako binibigyan ng flowers?" tanong ko. 

Well, let's see kung maganda ang sagot niya sa akin. .

"I know I was mean to you," Napa ismid ako, buti alam ng tukmol na ito. "I'm come to make up for my mistake. I want to make things right. I've realized I'll miss you when you're gone. That I can't imagine my life without you. When I can't see you or you're not around, it's as if there are missing parts within my heart, "haba ng litanya ng tukmol.

Maniniwala ba ako?

Napamaang ako ng lumuhod ito sa harapan ko. May kinuha ito sa bulsa niya isang maliit na kahon. Kinuha niya ang kamay ko para isuot sa palasingsingan ko. Nabigla naman ako kaya nakatingin lang ako sa kamay ko.

" We are officially engaged." anunsyo niya para akong nahimasmasan ng marinig ko ang engaged. What akala ko nanliligaw palang ito. Bakit engaged na agad.

" Ano?! Hindi pa nga kita sinasagot engaged agad!" sigaw ko sa kanya. Ang walanghiya ngumisi lang. Lumaki ang butas ng ilong ko sa inis.

" Yes i don't need your answer babe." mayabang na sabi nito. Huhubarin ko sana ang singsing ayaw maalis sa kamay ko. Hala bakit ganoon nung sinuot niya ito kasya naman bakit ayaw maalis.

" See you can't remove it cos you are mine now." bigla niya akong niyakap. " I'm a very happy babe, you are mine" Anito. 

" Hoy! Enganged ka na 'di ba? May pakakasalan ka ng babae. Ano ito lokohan?!" Sabi ko dito.

Kaya nga ako umalis para iwasan na siya dahil malapit na itong ikasal. Tapos ngayon nagpropose pa sa akin. Ano iyon namamangka sa dalawang ilog?

" Hindi ko na itinuloy ang engagement namin. Sabi ko nga na-realize ko na mas mahalaga ka kaysa sa kikitain ng kompanya ko. Mamatay ako kapag hindi kita makakasama sa buhay ko. Aanhin ko naman ang pera kung malungkot naman ako. I am sorry babe kung naging duwag akong ipaglaban ang nararamdaman ko para sa'yo." 

Hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan ang likod nito. Naantig ako sa sinabi niya sa akin.

****

Nakatitig ako sa daliri ko na may singsing. Hindi pa nga ako nahihimasmasan ang bilis naman kasi ng pangyayari. Parang the flash ang walanghiya.

May dinner date kami ngayon at susunduin niya ako. Hindi ako excited kaya ito nakabihis na ako at naghihintay na lang sa pagdating ni Hunter. 

" Anak ano'ng oras ba ang usapan niyo ng boyfriend mo na susunduin ka?" tanong ng Nanay kong kanina pa tanong ng tanong.

"6:00 pm po, Nay," napatingin ako sa relos ko nasa quarter palang naman.

Narinig kong may humintong sasakyan sa harapan ng bahay namin. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Pinagpawisan ang kili-kili ko este ang noo ko. Woah! 

Relax lang... relax... Pagpapakalma sa sarili ko. 

" Anak may bisita ka." kumunot ang noo ko. 

Hindi ba si Hunter ang bisita ko? Nagpunta ako sa living room. Nakumpirma kong hindi nga si Hunter ang bisita ko kung hindi ang manliligaw kong si Felipe Dimalanta. May hawak pa itong bouquet of red roses at may pa chocolate pa ang lolo n'yo.

" Magandang hapon sa iyo, Seng," ngumiti ito ng ubod tamis. Mas matamis pa yata sa chocolate na dala niya. Napangiti ako ng alanganin kasi baka in a minute dumating na ang ka date ko.

" Hello. Napadalaw ka?" sabi ko. 

Wala kasi akong maisip na sasabihin.

" Hindi ba sinabi ko sa'yong aakyat ako ng ligaw." Yeah  I remember. 

Isinaisip ko na lang. 

Bakit ba aakyat ng ligaw kung wala naman kaming hagdan sa bahay? Biro ko sa sarili.

" Flowers and chocolate for you," inaabot niya sa akin ang mga dala niya. 

Kimi akong ngumiti. Siyempre dalagang Filipina ang peg ko ngayon. Haba ng hair.

" Thank you. Upo ka," sabi ko. 

Umupo na rin ako. Pasimple kong tiningnan ang relo ko kung what time na. It's 6:00 pm wala pa ang walanghiya. Hindi kaya nagbackout na ang kumag. Bihis na bihis pa naman ako.

" Expected mo ba na dadalaw ako ngayon kaya nakabihis ka, Seng?" tanong nito sa akin. 

Parang gusto ko siyang sipain palabas ng bahay.

" No, she was expecting me," napatingin ako sa taong dumating.

Napanganga ako kasi ang pogi at ang fresh niya tingnan sa suot nito. Oh my gosh kinikilig ang keber ko. Nag-init ang mukha ko sa naisip ko. Nakasuot siya ng kupasing denim at long sleep na kulay grey at bukas ng bahagya ang butones nito kaya kita ang kanyang mabalahibong dibdib. 

Napalunok ako. 

Inilahad niya sa akin ang kamay nito.

" Shall we, babe," parang gusto ko mangisay sa kilig. I compose myself. Ibinigay ko ang kamay ko sa kanya. Nakamasid lang sa amin si Felipe parang audience lang namin. Natulala nga ito habang palabas kaming dalawa ni Hunter.  

" Saan tayo pupunta? " Tanong ko habang naglalakad. 

" In our forever," kumunot ang noo ko. 

Anong pinagsasabi na forever ng poging tukmol na ito.

Copyright©2016
All Rights Reserved
By coalchamber13

Stand Inside Your Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon