Kabanata 8

12.5K 338 7
                                    

Kabanata 8




Jean's P.O.V




Maaga palang ay nandito na ako sa school, hinihintay ko si Tracy kasi may sasabihin daw siya sa akin. Nandito ako sa may garden habang hinihintay siya. Dito ang usapan namin.


Hanggang ngayon nasa isip ko parin iyong nangyare kahapon. Nanaginip ba talaga ako? Kasi kung panaginip lang 'yon, bakit meron akong sugat sa binti ko? Hindi naman ako nadapa. Sa panaginip na 'yon, oo. Tapos, iyong namatay pa na babae noong first day, hanggang ngayon wala parin akong balita sa kaso ng babaeng 'yon.


"Huwag mong alalahanin ang pagkamatay ko," sabi ng isang tinig sa isip ko. Napahawak ako sa ulo ko. A-Ano 'yon? "Halika, sundan mo ako at malalaman mo na ang katotohanan."


Sumasakit na ang ulo ko dahil sa tinig na 'yon. Pagkatapos ng tinig na 'yon ay wala ng sumunod. Pero... nakakita ako ng babae at ang babaeng 'yon ay walang iba kung hindi 'yong namatay noong first day!


Napasinghap ako sa gulat. Nakita kong kinaway niya iyong kanang kamay niya na parang pinapaaunod ako. Wala sa sariling sumunod naman ako sa kaniya.


Pasensya na Tracy, mukhang mas importante ang bagay na 'to.


Pumasok iyong babae sa may storage room. Storage room? Diba bawal pumasok don? Bakit ba ako sumusunod sa multong 'to.


Multo nga ba?


Hahawakan ko na sana iyong door knob kaso-- nagulat ako nang makarinig ako ng pagsabog. Hindi ko na itinuloy 'yong pagpasok sa storage room. Isa lang ang nasa isip ko.


Si Tracy!


Sa may garden galing ang pagsabog! Tumakbo na ako papunta doon. Malapit na ako nang may biglang humigit sa kamay ko.


"Huwag kang pumunta ron. Mapanganib," sabi ni... Dwight?


Ngayon ko lang ulit siya nakita, ah.


Pero...


"Hindi pwede! Nandoon si Tracy!" sigaw ko sa kaniya at saka siya tinulak. Tumakbo agad ako. Habang natakbo ay sobra-sobra ang kaba sa dibdib ko. I am damn guilty!


Tracy...


Pagdating ko nakita kong sirang-sira na iyong garden. Natakot ako bigla. Buti na lang at sumunod ako ron sa babae dahil kung hindi baka patay na ako ngayon.


Pero si Tracy...


Nakarinig ako ng tunog ng ambulansya. Ibig sabihin may nasaktan nga. Dali-dali akong tumakbo sa may ambulansya at napatigil din agad ng makita ko kung sino ang sakay. Tracy. Naramdaman ko na lang ang pagpatak ng luha ko.


Ako ang may kasalanan, ako ang nagsabi sa kaniya na sa garden magkita. Dapat ako ang nasaktan at hindi siya. Pero may tanong sa isip ko, ano ang gusto niyang sabihin sakin? Bago umalis ang ambulansya ay tumakbo ako papunta don at pumasok, hinawakan ko ang kamay ni Tracy habang umiiyak.


Sorry.


***


Someone's P.O.V


Nakapasok na ako rito sa storage room. Hinihintay ko siyang pumasok din. Nakatingin lang ako sa mga tangke ng dugo na naandito.Kung gutom siguro ako baka naubos ko na ang isa sa mga 'yan. Pero kailangan ko munang sabihin sa kanya ang totoo. Kung anong uri ng nilalang ang mga nandito sa school na ito.


A Bloody Mess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon