Kabanata 29
Jean's P.O.V
"Ma?" tawag ko kay Mama. Magpapaalam kasi ako ngayon. Pupunta akong perya, yayayain ko si Lance.
Nakasuot ako ngayon ng puting blouse at itim na skirt na pinartneran ko ng itim din na doll shoes. Ewan ko ba kung bakit ako nagpaganda. Wait, at bakit naman ako magpapaganda?
"Bakit, Anne?" tanong ni Mama. Nasa sala pala siya at may ginagawang potion? Err.
"Aalis po kasi ako, mamamasyal lang," pagpapaalam ko sa kaniya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Okay. Mag-ingat ka, maagang uuwe," nakangiting sabi niya.
"Thank you po! Bye!" Saka ako naglakad paalis. Malapit lang naman ang bahay nila Lance samin e'. Sana wala siyang lakad para masamahan niya naman ako.
Wala pa ako sa bahay nila Lance nang bigla akong tumigil at tumingin sa may likuran ko. Para kasing may sumusunod sa akin. Iniling ko na lang ang ulo ko saka nagpatuloy sa paglalakad baka paranoid lang ako.
Nang nasa bahay na ako nila Lance ay nakita ko agad ang mama niya.
"Tita, si Lance po?" pagtatanong ko dito.
"Oh. Anne, naandoon sa kwarto niya. Puntahan mo na lang," sagot nito. Tumango lang ako saka dumretso na sa kwarto ni Lance. Nasa may pinto pa lang ako nang may marinig ako sa loob ng kwarto ni Lance. May kausap siya?
"Lance, tandaan mo. May iba siyang ka tadhana." Boses ng babae? At anong?
"Alam ko, Scarlet, huwag kang mag-alala." Boses ni Lance. Wait, Scarlet?
Napahakbang ako palayo sa pinto. Si Scarlet, anong ginagawa niya sa kwarto ni Lance? Si Scarlet lang naman ang pinakaayaw kong babae rito sa bayan. Maarte, nakakainis, at masama. Iyan siya, lagi niya akong pinakekealaman. Porket isa siya sa magagaling na mangkukulam sa bayan lahat na ay dapat tingalain siya syempre hindi ako uto-uto kaya ang laki ng galit niya sa akin.
Humakbang na akong paalis at magisa na lang na pumunta sa perya. Kainis na Lance, masyadong malandi, tss. Mag-isa lang akong nakaupo sa may bench dito sa perya, ayokong sumakay ng mga rides magmumukha lang akong loner.
Habang pinapanood ko ang mga taong sa aking harapan ay nakaramdam ako ng presensya sa tabi ko. Nilingon ko ito at napanganga sa aking nakita.
Itim na itim na buhok, maputlang balat, at mapupulang labi. Akala ko si Lance lang ang masasabi kong gwapo sa bayan ngunit sino ang lalaking 'to?
Nagulat ako nang bigla siyang lumingon sa akin saka ngumiti, kaya lalo akong napanganga. Ang g-gwapo niya.
"H-Hi?" wala sa sarili kong sabi.
"Hello," nakangisi niyang sabi. Gosh! Kay gwapong nilalang. Baka siya na ang soulmate ko, omo! Darn. Bigla akong lumandi.
"Dwight." Napatingin ulit ako sa kaniya ng bigla siyang magsalita.
"H-Huh?"
"My name is Dwight," nakangiti niya ng sabi. Shit. Dwight? Ang astig. Pero, bakit parang narinig ko na kung saan ang pangalan niyang iyon?
"A-Anne," sabay abot ko ng kamay ko pero bago niya ito mahawakan ay nakita kong kumunot muna ang noo niya.
"Nice name." Then, nakipag kamay na siya. May kakaiba akong naramdaman ng hawakan niya ang aking kamay. Parang ayoko ng lumayo sa kaniya.
Hindi pa nagtatagal ang aming pakikipag kamay ay may bigla na lang humigit sa akin palayo sa lalaking 'yon, kay Dwight. Pagtingin ko ay si Lance pala 'yon. Agad akong napasimangot ng maalalang kausap niya si Scarlet kanina.
"Lance..." bulong ko.
"Tara na Anne," malamig niyang sabi. Galit ba siya?
"P-Pero..." napatingin ako kay Dwight na blanko na ang mukha ngayon.
"D-Dwight, aalis na kami." pagpapaalam ko sa kaniya pero ngumisi lang siya at tumango, naramdaman ko namang humigpit ang kamay ni Lance sakin saka ako hinigit palayo kay Dwight.
"Huwag kang makikipag-usap kung kani-kanino..." sabi ni Lance habang nag lalakad kami.
"Tsk. Pake mo ba? Saka bakit ka ba nandito?" inis na sabi ko. Nyeta ang pampam kasi e'. Iyon na 'yon e'.
"Sinabi sa akin ni Mama na pumunta ka sa bahay kanina. Pero bakit hindi ka pumunta sa kwarto ko?" tanong niya at tumigil kami sa harap ng Wheel of Fate.
"Wala lang," sabi ko saka bumili ng ticket babayaran ko na sana nang bigla niya na itong binayaran.
"Kuya, dalawa." Pagkatapos non ay hinigit niya ako papasok sa isang sasakyan sa wheel of fate. Pagkaupo ay tumingin lang ako sa kawalan at inisip yung nangyare kanina. Iyong lalaki, si Dwight. Parang gusto ko ulit siyang makita.
"Anne." Napatingin ako kay Lance ng tinawag niya ang aking pangalan.
"Bakit?" masungit kong tanong.
"Say, cheese!" sigaw niya at saka ako pinicturan.
"Shit!" Sinapak ko siya sa mukha.
"Aray!" sabi niya tapos ngumuso. Natawa naman ako.
"Pfft. Tae!"
"Tss. Bati na tayo? Kahit hindi ko alam kung bakit ka galit sa akin?" nakanguso niyang tanong.
"Oo na. Salamat ka mukha kang tae," natatawa kong sabi at umirap lang siya sa akin. Bakla yata 'to!
***
Dwight's P.O.V
Nakatingin lang ako sa mate ko na ngayon ay may kasamang iba. Kanina palang nung nahawakan ko ang kamay ni Jean gusto-gusto ko na siyang yakapin ng mahigpit pero pinigilan ko lang ang sarili ko. May plano nakami at yung lalaking humigit sa Jean ko kanina. Ang sarap niyang gulpihin. Damn it.
Ang plano namin ay kailangan muna naming mapalapit kay Jean o Anne na ngayon, tsk. Para kapag nalaman niya na ang katotohanan ay mapapadaling maibalik namin siya sa amin. May mga nakuha na rin kaming impormasyon tungkol sa mga mangkukulam, tulong-tulong kami.
Kasama ko sila Prince kanina pero umalis din sila agad dahil may aasikasuhin muna raw sila, kanina pa namin sinusundan si Jean at alam naming kanina rin ay naramdaman niya ang presensya namin kaya umuna na kami rito sa perya kanina.
Iyong lalaki kanina. Alam kong hindi lang siya basta basta, base na rin sa aura niya. May kakaiba sa kaniya at sigurado akong malakas siya at baka isa siya sa mga kalaban na may ibubuga.
Napahigpit ang kapit ko sa sanga ng puno na tinatapakan ko ngayon ng makitang nag tatawanan sila Jean at ang lalaking 'yon na kung tama ako ay Lance ang pangalan.
Magsaya ka munang lalaki ka habang kasama mo si Jean, dahil kapag naibalik ko siya sa akin/sa amin ay hindi ka na makakalapit sa kaniya. Dahil si Jean ay sa akin lang, kahit kakambal ko pa o ang lalaking 'yan ang makalaban ko.
BINABASA MO ANG
A Bloody Mess (COMPLETED)
VampireNormal at simple lang naman ang buhay ni Jean noong una kasama ang kaniyang ama ngunit ang lahat ay nagbago nang lumipat siya ng pinapasukang paaralan. Sa pag-aakalang ito ang mas makabubuti, sinugal ng kaniyang ama ang lahat pero nagkamali lamang i...