Kabanata 34

5.1K 108 1
                                    

Kabanata 34


Jean's P.O.V


Nakatingin lang ako sa salamin kanina pa, nakasuot ako ng pulang dress na binili namin, bumagay rito yung kwintas na ayaw ng matanggal sa akin simula nung umilaw ito. Nakaheels akong kulay pula rin.


Girl in red.


"Ayos ka na ba, Jean?" Napatingin ako kay Lance ng sumilip siya sa kwarto ko at tanungin ako. Nakasuot siya ng tuxedo. Masasabi kong gwapo nga talaga siya.


Ngayon na ang araw. Araw na kung saan ay tatakas ako. Ang pangalawang full moon.


"Saan ba gaganapin ang party?" naitanong ko.


"Sa Bloody High." What?! Napatingin ako sa kaniya na nanlalaki ang mata.


"Mapapadali ang pagtakas mo," nakangiti niyang sabi. Naikwento ko kasi sa kaniya ang mfa nangyari sa akin. Tumango lamang ako pero nagtataka parin ako, bakit sa BH? Mga bampira ang nandoon hindi ba? At mangkukulam sila.


"Alam kong nagtataka ka kung bakit sa BH, simple lang. May party rin ang BH at may nagpadala ng sulat kanila Scarlet na ron na lang din ganapin ang party nila." paliwanag niya.


Tumango na lang ulit ako at tumingin sa kaniya. "Ano ang plano?"


"Pagdumating na ang alas nuebe ng gabi, magkita tayo. Basta hahanapin kita at ako na ang bahala sa lahat." Tumango tango lang ako saka tumingin ulit sa salamin. Five palang ng hapon at pupunta kami ng six sa BH. Nandon kaya sila? Sana. Miss ko na sila. Magsasalita pa sana ako nang biglang dumating si Tita Mira sa kwarto ko.


"Bumaba na kayo at aalis na tayo."


Sasama nga rin pala siya. Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung ano ang nasa isip niya, kung bakit hindi niya pa ako pinapatay gayong 'yon lang ang alam kong dahilan ng pagkuha niya sa akin. Galit siya sa mga bampira, ganon na rin sa Mommy ko.


"Opo," sabay naming sabi ni Lance saka nagaayos para bumaba na.


I hope, maging okay lang ang lahat. May nararamdaman kasi akong mali, na parang may mangyayareng iba.


Naghintay lang kami ng ilang minuto saka kami nagpunta na sa BH. Bago ako sumakay sa inarkilang sasakyan nila ay tumingin muna ako sa kalangitan, nagkukulay itim na ito, ibig sabihin malapit ng lumabas ang buwan.


Nang makasakay ako ay nagulat ako ng biglang hawakan ni Tita Mira ang kamay ko. Tita na ang tawag ko sa kaniya dahil isa lang ang mama ko at 'yon ay si Mommy.


"Mag ingat ka." Napatingin ako sa kaniya, hindi siya nakatingin sa akin pero alam kong ramdam niya ang pagtitig ko sa kaniya. Bakit? Bakit ganito ang turing niya sakin? Ano bang dahilan niya?


***


Tracy's P.O.V


"Ano bang ginagawa natin dito?" Nandito kami sa BH, kung saan may party dahil sa full moon. Nasa may isang building kami dito muna namin naisipang pumunta. Sila Loki ay nakasuot ng tuxedos, habang kaming mga babae ay nakasuot ng dress.


"Dito, dito, ang lugar kung saan magkakaroon ng kaguluhan," sambit ni Jewel. Napatingin kaming lahat sa kaniya, sa totoo lang dapat hindi kami pupunta rito. Dahil sa mga nalaman namin pero nanaginip si Jewel. Napanaginipan niya na may kaguluhan ngayon at sabi niya nga rito mangyayare 'yon.


"Ano ng gagawin natin ngayon? Sila Prince, Dwight, at Jean. Paano na?" Biglang tanong ni Heart na ngayon ay halatang kinakabahan. Ang mga lalaki naman ay tahimik lang na nagmamasid.


"Alam kong alam niyo na kung sino ang magsasanib." Napatingin kami kay Jewel. Tama siya, alam na namin kahit mahirap paniwalaan.


"Pero paanong nangyare 'yon?" tanong ni Loki.


"Una palang iisa na sila Dwight at Prince pero pinaghiwalay sila ng isang mangkukulam. Namatay ang Reyna noon habang nasa sinapupunan niya pa ang dalawa," sagot ni Jewel. Mangkukulam? Parang kilala ko na kung sinong mangkukulam na ito.


"Saan mo nakuha ang impormasyon na 'yan?" nagtatakang tanong ni Ace. Oracle siya, future ang makikita niya pero bakit nga ba alam niya 'yan?


"Bigla na lang lumabas sa isip ko. Iyaan lang ang alam ko," mahinang sabi ni Jewel


"Ibig sabihin, magiging isa sila Prince at Dwight?"


"Oo, magiging isang tao I mean bampira sila, si Prince ang naunang nagising at kahapon lang ay si Dwight," sabi niya, ni jewel. Magiging isang tao, ibig sabihin hindi namin sila makikilala. Magiging iba na sila. Ibang iba.


"Pero diba, mabait si Prince?" singit ni Heart.


"Noong una nababago na siya, napapansin ko 'yon pero ngayon nagising na talaga ang tunay na siya at ganun din si Dwight. Wala na tayong magagawa kung pipiliin nilang maging masama o mabait ang bagong sila," paliwanag ni Jewel. Napabuntong hininga na lang ako.


"Ang buwan," sabi ni JD na ngayon lang nagsalita. Lahat kami ay napatingin na sa buwan.


"Magsisimula na ba ang kaguluhan Jewel?"


"Tingnan lang natin."


"Mag ingat tayong lahat guys. Ililigtas natin sila Jean. Kaya natin 'to," sabi ni Heart na nakataas pa ang dalawang kamay. Tumango ako.


"Tama! Magkakaibigan na tayo hindi ba?" sabi pa ni Ace.


"Oo," sabi ni Loki na nakatingin sa buwan.


Magkakaibigan na kami at tutulungan namin ang bagong Prince at Dwight, ganoon na rin si Jean.


"Nagsisidatingan na ang mga dadalo," sabi ko habang nakatingin sa baba. Iba ibang panauhin ang nasa baba, may mga bampira na hinaluan ng mangkukulam. Mangkukulam?


"Ang dami," sabi ni Heart.


"Mali ang pagpunta nila rito," sabi ni Jewel. Tama, mapapahamak sila rito.


Lahat kami ay nakatingin lang sa baba, nang may nakita akong babaeng nakapulang kasuotan... kilala ko siya. Kilalang kilala ko ang babaeng ito.


"Si Jean," gulat at kinakabahang sambit ko kaya agad silang nagsilingunan sa akin.

Anong ginagawa mo rito Jean?

A Bloody Mess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon