Kabanata 11
Jean's P.O.V
Naalipungatan ako nang may marinig akong kalabog sa ibaba. Tiningnan ko ang orasan at nakita kong 1:00 am na. Madaling araw palang.
Dali-dali akong bumaba sa kama at lumabas ng kwarto. Pero napatigil din ako agad ng maisip ko na-- Paano kung multo 'yon? Yeah, darn, inaamin ko na takot ako sa multo. Pero dahil sa isa akong curious na babae. Bumaba ako sa first floor ng bahay. Ang tahimik!
Naalala ko 'yong mga nakita kong mga armas sa kwarto ni Dad. Wait, nandito na kaya si Dad?
Binuksan ko muna iyong ilaw bago tingnan kung saan galing 'yong kalabog. Pagbukas ay nakita ko ay si Dad na nakaupo sa sala at ginagamot ang sugat niya ang nadatnan ko imbis na multo.
Sugat? Saan galing 'yon?
"Jean!" sabi ni Dad na gulat na gulat.
"Dad." Still looking at him.
"Bakit gising ka pa?"
"Actually, tulog na ako kaso may marinig akong ingay kaya nagising ako ngayon," seryosong sabi ko.
"Ah, ganoon ba? Sorry, nagising pa kita. Umakyat ka na lang ulit at matulog na."
What?!
"The hell, dad! Hindi mo muna ba sasabihin sa akin kung bakit ka may sugat?! Kung bakit lagi kang gabi na kung umuwe?! At para saan at ano iyong mga armas na nakita ko sa kwarto mo?!" galit na sabi ko sa kaniya. Nakita kong nagulat siya dahil sa mga sinabi ko at nahaluan din ito ng pangamba. Siguro ngayon ko na dapat sabihin ang mga gusto kong sabihin sa kaniya noon pa.
"H-How? Pano mo nalaman ang mga armas?" nauutal na sabi niya.
"Pumasok ako sa kwarto mo, dad. So, pwede ka na bang mag-explain sa akin? Ano ba 'yang pinagkakaabalahan mo po?! At 'yang sugat mo saan po ba 'yan galing?!" Hindi ko na mapigilan. I'm worried and angry at the same time!
"Itong sugat ko nadali lang ako ng kung anong matalas na bagay. Kaya ako gabi na kung umuwe ay dahil sa kaso na hawak ko at iyong mga armas, hindi sakin 'yon, sa k-kasamahan ko lang 'yon. Ipinatago lang sa akin."
I smirked. "Nice try, Dad. Sa tingin mo napaniwala mo ako? Hindi ako anak ng isang detective kung mapapaniwala mo ako sa mga dahilan mong 'yan. Hindi na ako bata," sarkastikong sabi ko.
Malungkot niya akong tiningnan. "S-Sorry. Hindi ngayon ang tamang oras para malaman mo ang katotohanan."
Fuck.
"Kailan po ba ang tamang panahon na' yan? Huh, dad?! Kung kailan mas malala pa ang makukuha mong sugat, ha?!"
"J-Jean!"
"Dad, sabihin mo na sana sa akin ang katotohanan na 'yan! Kasi gulong gulo na po ako! Alam niyo po ba na simula nong lumipat ako sa school na 'yan nagulo na ang buhay ko?! First day of school may nakita ako patay ! Then nong mga nakaraang araw lang nakita kong buhay 'yong patay na nakita ko! Tapos lagi na lang akong may nararamdamang nakatingin sa akin! Iyong kaibigan ko ngayon nasa hospital at walang maalala! Hindi niya na maalala 'yong dapat niyang sasabihin sa akin! Pati bakit parang may mali lagi sa school? Tell me Dad! Ano bang rason mo kung bakit doon mo ako pinapasok?!" Nasabi ko na ang gustong kong sabihin sa kaniya. Sa wakas.
BINABASA MO ANG
A Bloody Mess (COMPLETED)
VampireNormal at simple lang naman ang buhay ni Jean noong una kasama ang kaniyang ama ngunit ang lahat ay nagbago nang lumipat siya ng pinapasukang paaralan. Sa pag-aakalang ito ang mas makabubuti, sinugal ng kaniyang ama ang lahat pero nagkamali lamang i...