Kabanata 17

8.2K 207 2
                                    

Kabanata 17



"Moon! Ako ang piliin mo," nakangiting sabi ni Prince.


"No, no, no. Sa akin siya..." Malungkot ang mukha ni Dwight habang nagsasalita.

"Ako ang kailangan mo," ani Loki.


"JA! Ako ang dapat mong piliin dahil noon pa man--" mahinang sabi ni JD.


***


Jean's P.O.V


Bigla akong nagising at napahawak sa aking dibdib. Napabuntong hininga ako. Nightmare. Tumingin ako sa orasan sa maliit na lamesa sa tabi nitong kama ko.


3:00 am? Madaling araw palang.


Napanaginipan ko na naman 'yon sa isang gubat kaso bakit pati sila Loki at JD ay nandoon? Pati ano iyong sinasabi ni JD na noon pa man? Argh! Ang gulo!


Nakatingin lang ako sa kisame at nagiisip. Iyong pagpunta rito ni Dwight sa kwarto ko...


Totoong nangyare 'yon diba? Sa pagiisip ko palang na pumunta talaga rito si Dwight ay bumilis na agad ang tibok ng puso ko. Hindi ko namalayang napahawak ako sa bandang leeg ko at may nahawakan ako roon na isang bagay na nakakabit na sa akin.


Isang bagay?


Dali-dali akong napaupo sa kama at hinawakan ang bagay na 'yon. Isang kwintas.


Tumayo ako at pumunta sa gilid kung nasaan ang salamin, hindi na ako nagabalang buksan ang ilaw. Pagtingin ko sa salamin agad kong nakita ang isang silver na kwintas na may palawit na hugis ng ulan parang dugo patak ng dugo.


Sino ang naglagay sa akin nito? Sa pagkakatanda ko wala akong ganitong klase ng alahas. Kanino galing 'to?


Napaisip ako ng mabuti pero agad ding nawala ang konsentrasyon ko sa pagiisip, napansin kong bukas ang malaking bintana sa kwarto kong ito kung saan ko dinala si Dwight. Hindi ko pala naisara 'yon. Kaya pala ang liwanag ng buong kwarto ko dahil sa sinag ng buwan. Agad akong pumunta sa bintana at isasara ko na sana pero napatigil ako. May napansin akong mga anino sa may garden.


May tao? Ng ganitong oras? Nakita kong ang lilikot ng mga anino. Pero ang talagang nakakuha ng pansin sakin ay iyong dalawang tuldok na pula at alam kong mata 'yon ng isang bampira. Naramdaman yata nila na may nakatingin sa kanila, dahil sa takot ko ay agad kong isinarado ang bintana. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa kaba. May bampira rito. Sa pagkakahawak ko sa aking dibdib ay hindi sinasadyang nahawakan ko 'yong kwintas.


Isa ba sa kanila ang naglagay sa akin nito? Paano nila nalaman na naandito ako? Si Dwight ba? Pero sa hindi malamang dahilan ay parang pinagtatanggol ng isip ko na hindi si Dwight ang nagsabi sa kanila.


"I see, bagay nga sa'yo ang kwintas na 'yan." Nagtaasan ang balahibo ko nang biglang may nagsalita sa likod ko. Agad akong lumingon kaso paglingon ko ay wala na roon yung nagsalita kundi nasa harapan ko na.


Si Prince? Siya ang naglagay ng kwintas na ito sa akin? Sa pagiisip ko palang na inilagay niya sa akin ang kwintas na ito ay kinilabutan na ako.


"Nagustuhan mo ba, Prinsesa ko?"


"P-paano mo nalaman na nandito ako?! Bawal ka rito!"


"Life is short, break the rules," tumawa pa siya. Para siyang baliw. Agad kong hinanap ang lock nitong kwintas dahil gusto ko ng tanggalin. Napansin niya ang ginagawa ko.


"Huwag mong subukang tanggalin 'yan, Prinsesa ko. Hindi na 'yan matatanggal sa iyo," ngising sabi niya sakin. Sinamaan ko siya ng tingin at naiirita lang ako dahil sa ngumisi lang siya sa akin ulit.


Ano bang kailangan niya sa akin? Pati 'tong kwintas!


"Bakit hindi ko mabasa ang nasa isip mo?" nagtatakang tanong niya sa akin. Nagulat naman ako dahil doon. Hindi niya mabasa ang nasa isip ko? E' diba bampira siya?


"Shit, sigurado akong may ginawa si Dwight dito! That asshole!" galit na wika niya. Napangiwi lang ako. Si Dwight? Paano niya naman nagawa 'yon?


"Umalis ka na!" galit na sigaw ko sa kaniya. Alam kong baka marinig ako nila JD pero mas mabuti pa nga 'yon.


"Tss. Okay aalis na ako. Matulog ka na, Prinsesa ko," sabi ni Prince habang dahan-dahang lumalapit sa akin napaatras naman ako dahil doon.


Anong gagawin niya?


Napasinghap ako nang bigla siyang mawala sa harapan ko at naramdaman ko na lang ang kamay nya sa noo ko at parang ewan na inantok ako kaya patumba na sana ako ng bigla niyang akong saluhin.


"Goodnight, Moon." Moon?


Tuluyan na akong nakatulog ng maramdaman kong nakahiga na ako sa kama.


***


Heart's P.O.V


Umaga na at ako na ang nagsabi sa dalawang ugok na sina JD at Ace na ako na ang gigising kay Jean, pumayag naman sila at nagsimula na rin agad na magayos ng kakainin namin.


Pagkadating ko sa kwarto ni Jean ay hindi na ako nag-abalang kumatok binuksan ko agad ito, nakita ko naman siya na natutulog parin. Ang cute! Lumapit ako sa kaniya at napansin ko ang isang bagay na nasa leeg niya.


Isang kwintas? Kailan pa siya nagkakwintas? Imbis na usisain ko pa ay isinawalang bahala ko na lang muna ito. Ginising ko na lang siya at agad naman siyang nagising.


"Mag-aayos lang ako."


"Okay. Pero Jean, may tanong lang ako." Hindi ko mapigilan.


"Ano 'yon?" Nagtaka siya.


"Saan galing 'yang kwintas mo?"


Napatigil siya saglit. "A-Ah, ito ba? Dati pa ito sa akin pero ngayon ko lang sinuot." Ahh. Tumango na lang ako.


"Sige, hintayin ka na lang namin sa baba."


"Okay."


Lumabas na ako ng kwarto niya at pagbaba ko nakita kong pasimpleng kukuha dapat si Ace ng hotdog don sa lagayan. Agad ko siyang binatukan. Natawa naman si JD.


"Aray, ha!"


"Patay gutom!" Ngumuso lang siya sa akin.


***


Jean's P.O.V


Kinabahan ako nang magtanong si Heart. Buti na lang naniwala siya sa dahilan ko. Bawal kong sabihin sakanila ang nangyare sakin kagabi err, kanina. Baka magfreak-out sila.


Napabuntong hininga na lang ako. Tanda ko parin ang nangyare hanggang don sa bigla akong inantok pati yung panaginip. Nagtataka parin ako doon sa hindi natuloy na sasabihin ni JD don sa panaginip ko. Argh!


Pati tinawag akong Moon ni Prince. Nagtataka ako pero hindi ko muna iisipin 'yon ngayon baka mahalata nila na may bumabagabag sa akin.


Iyong kwintas itinago ko muna sa loob ng damit ko.


Pagbaba ko ay nakita ko agad na nag-aaway na naman sila Ace at Heart. Wala nang bago roon sanay na ako.


"Good morning," bati ko sa kanilang tatlo.


"Good morning din!" bumati rin silang tatlo sa akin.


"Kain na tayo."


Nagsimula na kaming kumain 'buti na lang hindi binanggit ni Heart iyong tungkol sa kwintas. Pagkatapos naming kumain ay naligo at nag-ayos na kami para sa school.


Mabuting hindi muna nila malaman ang nangyayare at iyong panaginip ko. Kailangan ko munang maglihim.

A Bloody Mess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon