Kabanata 44
Jean's P.O.V
Ilalim...
Agad kong binitawan ang librong hawak ko, dahil sa pagkasabik na makita si Mommy, ipinatong ko na lang ang libro sa kung saan saka ako lumabas
Saan ba ang daan papunta sa ilalim nito? Sabi ko na nga ba. Nandito lang din si Mommy, pero, ano ang rason ni Zion--nila Dwight at Prince para itago siya? Alam kong galit si Zion kay Tita Mira dahil sa ginawa nito, pero kay Mom? Imposible. Inalagaan sila nito.
Kanina, nakalagay rin sa libro na binasa ko na, maghihiganti ang kambal bilang si Zion o ang The Destruction, ibig sabihin, saka lamang naisip nila Dwight ang paghihiganti noong naging si Zion na sila.
Nagkaroon ako ng isiping, kapag ba naghiwalay sila ay magiging maayos na ang lahat? Walang gulo sa buhay ng bampira, mangkukulam, at tao? Pero paano? Iyong kagat ba?
Umiling ako. No. Kapag kinagat ko si Zion, maaaring mamatay sila. Hindi maaari 'yon.
Natigil ako sandali sa paglalakad dahil sa nakita. Si Zerah? Anong ginagawa niya rito? Kaano-ano niya ba sila Zion? Nagtago ako sa gilid nang bigla siyang lumingon. Saan siya pupunta? Kaduda-duda ang kinikilos niya, parang sinisigurado niyang walang sumusunod sa kaniya. Palihim ko siyang sinundan, pumunta siya sa may kusina, at--
May pinto?! Bakit hindi ko napansin ito? Sa may gilid ng refrigerator ay may pinto! Binuksan niya ito saka pumasok, naghintay muna ako ng ilang segundo bago sumunod.
May hagdan pababa! Ito ba ang papunta sa kinarorooanan ni Mommy?! Mukhang may mabuti rin palang magagawa sa akin ang Zerah na ito. Pagbaba ko ay meroong dalawang daanan. Saan siya nagpunta? Sa kanan ba o sa kaliwa?! Pumikit ako, Jean, saan? Pagmulat ko ay may narinig akong nagsasalita. Kaya napatago ako sa madilim na parte.
"Zerah." Boses 'yon ni mommy! "Tulungan mo na kaming makaalis dito, please Zerah." Nanggagaling 'yon sa kaliwa. Saglit, kami? May iba pa?
"Hindi maaari." Boses naman iyon ni Zerah. Mahinahon.
"Alam mong hindi ito pwede! Kailangan kong matulungan sila, ang anak ko, sila Dwight at Prince!" Nasa boses ni Mommy ang pagmamakaawa.
"Utos lamang ni Lord Zion ang sinusunod ko. Gusto ko lang ibalita sa inyo, na nakagat na ni Lord ang mate niya, nalaman ko ring malapit na ang paglusob ng mga hangal na bampira, tao, at ganon na rin ang mga mangkukulam."
Nakarinig ako ng mga pagsinghap. "Oh, God. Hindi pwede ito."
Mommy...
Napatago lalo ako sa dilim nang marinig kong papalapit na si Zerah, aalis na siya.
"Zerah, bantayan mo si Zion!" sigaw ni Mommy. Hindi na nagsalita si Zerah, walang lingon na umalis siya. Nakahinga naman ako ng maluwag.
Mabilis akong naglakad sa kaliwang daanan na pinagmulan kanina ni Zerah.
"Myra, paano na ito?" Myra? Si Ms. Santos? Bakit pati siya naandito?
Sumilip ako, nasa selda sila. At, tatlo sila! Meroong isang lalaki na nakatungo habang nakataas ang kamay gawa ng kadena.
"Mom." Agad na napatingin sa akin sila mommy, gusto kong maiyak. Miss na miss ko na siya. Sobrang tagal naming hindi nagkita. Ngayon, nasa harapan ko na siya.
BINABASA MO ANG
A Bloody Mess (COMPLETED)
VampireNormal at simple lang naman ang buhay ni Jean noong una kasama ang kaniyang ama ngunit ang lahat ay nagbago nang lumipat siya ng pinapasukang paaralan. Sa pag-aakalang ito ang mas makabubuti, sinugal ng kaniyang ama ang lahat pero nagkamali lamang i...