Kabanata 14

8.6K 230 5
                                    

Kabanata 14



Jean's P.O.V



"Ayos ka na ba?" tanong sa akin ni JD na mukhang nag-aalala.


Nandito na kami ngayon sa kotse niya sa harap ng B.H o Bloody High, nasa likod naman sina Heart at Ace.


"Huwag kang mag-alala, Jean, kasama mo naman kami."


"Yeah, tama si Puso hindi ka namin pababayaan."


"So, ready?" Ngumiti ako sa kanila at tumango, kailangan kong mag-ingat maraming bampira ang nasa paligid namin. Napagusapan namin kagabi na huwag akong lalapit kanila Dwight, Loki at doon sa hindi ko kilalang lalaki.


Lumabas na kami ng kotse at derederetsong pumasok sa B.H, para kaming artista na pinagtitinginan, sikat kasi iyong tatlo dito at ngayon ko lang nalaman. Nagpalipat na rin sila ng room kaklase ko na sila ngayon. Madali lang naman kasing magpalipat.


Pagkadating namin sa room ko, nakita kong nandoon na si Ms. Santos. Isa siyang bampira halata naman na isa siya sa mga nilalang na 'yon, nararamdaman ko kasing may kakaiba sa kaniya. Nang makita niya kami ay nagtaka pa siya kung bakit ko kasama ang tatlo pero nang inabot ni JD iyong papel kung saan nakalagay na magtatransfer sila ay ngumiti ulit siya.


"Ms. Clarkson pumasok ka na at umupo sa upuan mo. Kayong tatlo naman, magpakilala kayo," sabi ni Ms. Santos.


Pumasok na ako at umupo sa upuan ko. Napansin kong wala pa si Tracy, kahit si Dwight ay wala pa. Kataka-taka na may mga upuan pa na walang nakaupo pero pinagsawalang bahala ko nalang 'yon.


"Hello. My name is Heart. 18," magiliw na sabi nito.


"Ace. 19."


"JD."


Woah. Ang iikli, may pinag-iipunan.


"O-Okay. Pumunta na kayo sa gusto niyong upuan." Pumunta naman iyong tatlo sa pwesto ko sa right ko ay si Heart at sa kabilang side niya ay si Ace then sa left ko ay si JD.


"Okay class, we will start--" Napatigil sa pagsasalita si Ms. Santos ng biglang pumasok si Dwight at may kasama siya ngayon iyong lalaki. Dere-deretso lang sila pero nung mapatingin sila sakin ay kumunot ang noo nila dahil sa mga kalapit ko, may pagkakahawig sila.


"Ehem." Magsisimula na ulit sana si Ms. Santos na magsalita kaso dumating naman si Loki at Tracy. Bakit sila magkasabay? Nah, baka nagkataon lang.


May inabot si Loki kay Ms. Santos habang si Tracy ay wala sa sariling umupo agad sa upuan niya. Pagkaabot ni Loki nong papel ay umupo na siya sa isang bakanteng upuan.


Bwiset na 'yan. Kung sino iyong kailangan mong iwasan sila pa iyong lapit nang lapit.


"Let's start now," sabi ni Ma'am tapos ay nagturo na siya. Habang nagtuturo si Ms. Santos ay nakaramdam ako ng parang may tumitig sa akin pero binabaliwala ko lang 'yon.


Pagkatapos ng class hour ay breaktime na akala ko lalapit si Tracy samin kaso nagulat ako dahil nauna siyang lumabas. Anong problema niya?


Nang nasa canteen na kaming apat ay iniisip ko parin iyong mga nangyare kanina.


"Grabe, nilalapitan talaga tayo ng mga malas."


"Oo nga pati ngayon," natatawang sabi ni Heart. Nagtaka naman ako sa sinabi niya na pati ngayon kaya nilibot ko iyong tingin ko at nakita ko sila Dwight at iyong kasama niya kanina. Nasa kabilang table lang sila malapit sa exit, napabaling ang tingin ko kay Loki na hinahabol si Tracy na nag lalakad palabas kaya napatayo agad ako. Anong meron sa kanila? Dapat lumayo si Tracy sa lalaking 'yon, mapanganib ang nilalang na 'yon. Nagulat naman iyong tatlo dahil sa pagtayo ko.


"Anong problema, JA?"


"Oo nga, Jean?" Tumango naman si Heart. Ayokong mag-alala sila.


"Umm... naiihi ako pupunta lang akong banyo." Umarte pa ako na parang ihing ihi na talaga.


"Samahan na kita," sabi ni Heart.

Bawal!


"N-No, I mean huwag na mabilis lang naman ako." Hindi ko na sila hinintay na sumagot, umalis na agad ako pero bago makalabas ng canteen ay naramdaman ko pa ang titig ni Dwight sa akin pero hindi ko na lang 'yon pinansin.


Hinanap ko agad sila Tracy pagkalabas ko ng canteen. Hindi ko sila mahanap, nandito ako ngayon sa likod ng school. Hindi ko rin alam kung paano ako napunta dito eh.


Aalis na sana ako nang marinig ko ang boses ni Tracy. "Ano ba?! Diba sabi ko huwag mo na akong sundan?!"


Sumilip ako at nakita ko roon si Tracy nasa harap niya si Loki. Nagtago ako at nakinig. What did Tracy mean?


"Tracy. Ikaw na lang ang makakatulong sa akin para maayos 'to! Magkatulad lang naman tayo!"
Anong aayusin? Magkatulad? Agad akong lumabas sa pinag-tataguan ko. Nakita kong nagulat silang dalawa sa akin. Alam ko na ang ibig sabihin na magkatulad sila. Iyong maputlang balat ni Tracy nang nakalabas na siya ng hospital 'yong mabilis niyang paggaling.


Isa siyang bampira.


"J-Jean," kinakabahang sabi ni Tracy.

A Bloody Mess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon