Kabanata 46

5.3K 95 2
                                    

Kabanata 46



Tracy's P.O.V


"So, nandito lang pala ang kastilyo," sabi ko habang nakatingala sa mataas na gate nito.


"Mali 'to Tracy," sabi ni Lance na kanina pa hindi mapakali sa tabi ko. Kung pumasok pala ako sa gubat na ito dati edi sana nalaman ko ito agad ng maaga, puno talaga ng sikreto ang paaralang ito at ngayon ay nauungkat na. " Malalagot ako kay JD nito." Umirap lang ako sa kawalan.


"Shut up Lance, para kang bakla."


"Tracy, parang mapanganib ngayon dito--"


"Duh? Mapanganib talaga! Hello? Nandyan kaya si Zion!" Of course, Zion. Dwight and Prince.


"Bumalik na lang kaya tayo tapos bumalik na lang kapag kompleto tayo?"


"Kompleto? Nasa loob si Jean! Paanong magiging kompleto?!" Natahimik siya.


"Mali yata ako sa pagsabi sa'yo nito."


Tss.


"Tumahimik ka na nga lang! Paano kaya tayo makakapasok?" Napaisip ako, kanina nadaanan namin ang buong BH kaso kataka-takang sira parin ito. Napabayaan na kaya?


***

Lance's P.O.V


What the fuck! Malalagot talaga ako nito! Sana ay hindi ko na lang sinabi sa kaniya kanina! Bakit kasi nadulas itong dila ko? Naalala ko tuloy yung nangyare kanina, naramdaman ko agad ang init ng mukha ko.


~~~


"Lance~"


"Ano na naman Tracy?" inis na sabi ko.


"Sungit nito! Ano? May balita na ba?" sabik niyang tanong. Napatingin ako sa paligid, buti na lang at wala sila JD at Jewel. Sila Heart at Ace naman ay nagpapahinga parin, si Ace ay nagising na habang si Heart hindi pa.


"Wala pa."


"Hindi ako naniniwala!" nagdabog siya.


"Wala pa nga."


"Wala pa talaga?" mahina niyang sabi kaya napakunot ang noo ko.


"Oo." Lumapit siya sa akin kaya napaatras ako. "Anong ginagawa mo?" nakangiwi kong tanong.


"Baby Lance~" What the hell?


"What?!" gulat na sigaw ko, naramdaman kong uminit ang mukha ko. Ano bang meron sa bampirang ito?!


Nasa harapan ko na siya, inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa batok ko at inilapit ang bibig niya sa tenga ko.


A Bloody Mess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon