Kabanata 23

6.7K 173 6
                                    

Kabanata 23



Jean's P.O.V



"Jean, saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Heart sa akin. Nandito na kami ngayon sa school, well monday ngayon. Pagkadating na pagkadating namin kasi ay lumabas agad ako ng kotse at nagsimulang maglakad. Ngayon ang simula ng plano ko.


Humarap ako sa kanila, sinusundan pala nila ako. "Basta." Nagsimula na ulit akong maglakad. Narinig ko pang may sinabi pa sila pero hindi ko na 'yon pinansin. Naramdaman ko namang hindi nila ako sinundan, mabuti naman.


Hmm... nasaan kaya ang Dwight na 'yon?


Kung saan-saan na ako naghanap pero hindi ko parin siya nakikita. Argh! Pumunta na ako sa canteen, rooftop, garden, likod ng buildings, etc. Pero wala miski ang anino niya.


Habang naglalakad ako ay wala sa sariling napapunta ako sa bodega ng school na ito, sa pagkakatanda ko rito ako noon pinasusunod nong babaeng multo noon kaso hindi ako nakapasok gawa ng pagsabog sa garden. Creepy. Wala namang mawawala kung bubuksan ko itong pinto at titingnan ang loob. Nagkibit balikat na lang ako at tuluyan ng binuksan ang pinto saka pumasok.


Huh? Nakakapagtaka bakit madaming galon dito? Saka ang lamig naman, parang nasa cooler ako ng ref.


Napatalon ako sa gulat nang biglang sumarado 'yong pinto. Bwiset nakalagulat naman. Hindi ko na lang 'yon pinansin, baka gawa lang ng hangin. Pumunta ako sa tabi ng isang galon o tanke at saka walang pag-aalinlangang binuksan ito. Napahawak ako sa aking bibig ng masilayan ang nasa loob. Unti-unti akong napahakbang paatras. Bakit may ganito rito? Oo alam ko bampira ang karamihan dito pero diba... may iniinom naman silang gamot?


Then... bakit may... duugo rito?! Ang daming dugo. Akala ko ba? Saglit, baka ito ay dugo lang ng mga hayop?


"Kyaaah!" napatili ako nang biglang may dumakma sa leeg ko at naramdaman ko na lang na nakataas na ako sa ere. Pinipilit kong kumawala pero hindi ko kaya.


"S-Stop! Stop!" Pilit kong tinatanggal ang kamay nito sa aking leeg pero hindi ko magawa. Nawawalan na ako ng hininga. Hindi ko na kaya. Ang lakas niya.


Bago ako bumagsak sa lapag ay nakita ko pa muna ang mukha ng sumasakal sa akin. Isang tanong lang ang pumasok sa isip ko bago ako napapikit.


Bakit?


***


Dwight's P.O.V


Nasaan si Jean? Iyan agad ang tanong na pumasok sa isipan ko ng makitang hindi kasama nila JD si Jean.


"Nasan ang prinsesa ko?" narinig kong tanong ni Prince kanila JD na kakaupo palang. Kasama ko nga pala pagpasok ang lalaking 'yan. Tsk. Prinsesa? Tss. Sarap basagin ng mukha, aba.


"Pagkadating namin sa school ay nauna na siya," narinig ko ring sagot ng babaeng kasama nila. Heart yata ang pangalan.


Nauna? Saan naman 'yon pumunta? Mag tatime na. Kailangan ko siyang mahanap, masama ang kutob ko.


Napatayo agad ako nang maramdamang kumirot yung puso ko, ganon din si Prince na nakakunot na ang noo ngayon. Anong nangyayare?


"Hoy, anong nangyare mga pre?" tanong nong Ace. Naramdaman kong halos lahat ng tao sa room ay nakatingin na sa amin.


"May problema ba?" tanong din ni JD.


Jean, nasaan ka ba?


Napatakbo ako sa labas bigla nang maramdaman kong lalong kumirot 'yong puso ko, naramdaman kong nakasunod sa akin si Prince.


A Bloody Mess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon