Kabanata 42
Jean's P.O.V
Naramdaman ko iyong kagabi, nasa loob ng kwarto ko ang Zion na 'yon at... iyong halik. Hinayaan ko siya sa bagay na 'yon. Nagawa niya akong halikan samantalang kagagaling niya lang sa Zerah na 'yon.
Napabuntong hininga ako. Hindi ko na alam ang nararamdaman ko ngayon. Dati, inaamin ko na may gusto na ako kay Dwight pero bigla na lang dumating ang Zion na 'to at ginulo ako.
Ilang araw na akong nananatili dito, pero wala paring bagong nangyayare. Ano bang sadya niya sakin? Bukod sa gisingin ang dugong bampira ko...
Napapikit ako, tuwing malapit ang Zion na 'yon lagi na lang akong parang nawawala sa aking sarili. Iyong malakas na kabog ng aking dibdib, ang naamoy kong matamis at masarap na kung ano na gusto kong matikman, simula kahapon nung pinainom ako ng dugo parang gusto ko laging sunggaban si Zion, kahit sa isip ko.
Napailing ako sa aking iniiisip, mali 'to Jean. Kailangan mo ng makaalis dito at maipaghiganti si Tita Mira, sandali, paghihiganti? Nakagat ko ang aking labi. Hindi pa akong hibang para gawin ang bagay na 'yon, mali. Maling mali.
Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa kama ko, kailangan kong uminom ng tubig. Naglakad na ako palabas sa kwarto ko, kakasikat palang ng araw, siguradong gising na sila Caleb at Maxwell.
Napakunot ang aking noo, nasaan sila? Napakatahimik ng kastilyo, kada umaga, boses na agad ni Caleb ang naririnig ko pero hindi ngayon.
Bumaba ako at pumunta sa kusina saka uminom, habang nainom ay agad kong napansin ang papel isang sobre na nasa lamesa. May nakasulat na pangalan ko ang labas nito. Lumapit ako dito saka binuksan...
Jean,
Yo! Caleb to! Ang gwapong bampira sa buhay mo ;) haha. Btw, wala kami ni Maxwell ngayon kaya wag kang makulit diyan, take care hihi. May pagkain na niluto diyan si Max hanapin mo na lang. :))) Tc. Ly. xD
Napairap ako sa kawalan, kahit sa sulat makikita mo agad ang personalidad ni Caleb. Pero, sandali, wala sila? Napangiti ako, pagkakataon ko na ito. Dali-dali akong tumakbo paakyat, kukuhanin ko ang mga importante kong gamit, tatakas na ako.
Pagkakuha ko sa mga kailangan ko ay dahan dahan na akong naglakad palabas ulit ng kwarto ko, hm, nakakatakot ang katahimikan. Nagsimula na akong maglakad hanggang sa...
"Argh!"
What's that? Parang nasasaktan na kung ano? Agad akong napatingin sa may pinto na nasa gilid ko, dito nanggaling ang tunog. Akala ko ba, wala sila? Wag mong sabihing multo?! Tatakbo na sana ako...
"Ahh!"
Napatigil ako at nanlalaki ang mata na tumingin sa pinto, parang kailangan nito ang tulong ko? Paano kung tao pala ang nandito? At kailangan niya ng tulong! Pero paano naman kapag multo o kung ano? Edi ako ang may kailangan niyang tulong!
Huminga ako ng malalim. Walang magagawa ang takot Jean, It will lead you to nothing, so just face it!
Kinakabahang hinawakan ko ang doorknob saka pinihit ito pabukas. Binuksan ko ito ng konti lang, saka sumilip.
Madilim sa loob, wala man lang kahit maliit na sinag ng araw.
"Argh! Fuck!"
Napatalon ako sa gulat saka hindi sinasadyang nabuksan ang pinto kaya dilim ang sumalubong sa akin. Pumasok ako, biglang nagsarado ang pinto kaya kinabahan na talaga ako saka sinubukang buksan ito kaso nakalock ito! Pinagpapawiasan na ako ng malamig, humarap ako, isang kwarto?
"H-Hello?" nauutal na sabi ko.
"M-May tao ba riyan--?! Kyaaaaaah!" Naramdaman ko na lang ang sarili ko na nakahiga sa malambot na kama at may nakadagan sa akin. Napatingin ako sa taas, napalunok.
Pulang mata, pulang pula, at matulis na dalawang pangil! Ang bumulaga sa akin!
"Z-Zion?" Tama, si Zion nga!
"B-Bakit ka n-naandito?" Napakunot ang noo ko, parang hirap na hirap siya at may pinipigilan lang na mangyare.
"Nakarinig k-kasi ako ng ungol at sigaw na p-parang nasasak-"
"Fuck!"
Napapikit ako at parang natigil ako sa paghinga. Nasa leeg ko ang ulo niya, ramdam na ramdam ko ang pangil niya.
"Zion?" kinakabahang banggit ko sa pangalan niya.
"Mali ka sa pagpasok dito..." Ramdam ko ang hininga niya habang nasasalita siya sa leeg ko, ito na naman. Iyong mga nararamdaman ko tuwing malapit ako sa kaniya. Sinubukan ko siyang itulak pero hinawakan niya lang ang dalawa kong kamay at inilagay ito sa magkabilang tabi ng ulo ko.
Matamis...
"Anong ginagawa mo, Zion?" Hindi ko na kilala ang sarili kong boses, hindi ako 'to. Anong nangyayare sa akin?
"Zion?!" Hindi ko na inintindi ang tamis na naamoy ko. Dahil naramdaman ko ang pangil niya, tumutusok ito sa balat ng leeg ko. Nagpupumilit pero pinipigilan!
"Reyna ko..." Hinalikan niya ang leeg ko. Nakaramdam ako ng init, ang boses niya! Nakakaadik.
"Jean..." napapikit ako dahil sa sensasyon na nararamdaman ko tuwing nagsasalita siya at dahil na rin sa mga halik niya.
Hindi ito tama diba? Pero bakit? bakit pakiramdam ko ito ang tama, ang karapatdapat at ito ang akin?
Ang akin...
Sa akin siya, 'yan lang ang alam ko ngayon. Wala na ako sa katinuan, sa aking sarili.
"Jean, Reyna ko, aking... mate." Napamulat ako at kasabay nito ang sakit na naramdaman ko sa leeg ko.
BINABASA MO ANG
A Bloody Mess (COMPLETED)
VampireNormal at simple lang naman ang buhay ni Jean noong una kasama ang kaniyang ama ngunit ang lahat ay nagbago nang lumipat siya ng pinapasukang paaralan. Sa pag-aakalang ito ang mas makabubuti, sinugal ng kaniyang ama ang lahat pero nagkamali lamang i...