Kabanata 12

10.7K 271 7
                                    

Kabanata 12



The Ball Night




Jean's P.O.V




Maaga palang ay naandito na ako sa school specifically sa library nagbabasa ng book, well ayoko munang makausap si Dad kaya sa school muna ako tatambay.


Nakakapagtaka lang konti palang kasi ang tao e', magtatanghali na.


Habang nagbabasa ay nagulat ako nang may kumuha ng librong binabasa ko. Pagtingin ko kung sino ang kumuha, walang iba kung hindi si Tracy. Akala ko'y si Loki na naman, naalalala ko tuloy 'yong librong binabasa ko noon, hindi ko na nakita ulit 'yon, mukhang itinago na sa baul ni Loki.


"Tss. Bakit ka late?" inis na sabi ko.


"Duh. Anong late?" nagtatakang tanong niya. What's with her?


"Duh din. Late ka na, 'no. Pati iyong iba nating mga kaklase."


"Hay naku! Hindi mo ba alam na ball night na mamaya? Ako iyong wala nong first day ng Sports Festival tapos ikaw pa yung walang alam. Pati mabuti na lang at dumaan ako rito sa school at hinanap ka kung hindi, tsk," paliwanag ni Tracy.


"Ball Night?" nagkatatakang tanong ko.


Naningkit ang mata niya. "Yup, ball night kaya tara na sa akin ka na lang sumama." Hindi na ako nakapagsalita pa dahil hinigit na agad ako ni Tracy papunta sa labas ng school kung saan nandoon 'yong kotse nila. Ang babaeng 'to talaga aba.


Sumakay kami sa kotse nila and the next thing I know is nandito na kami sa bahay nila Tracy. Sinalubong kami ng Dad at Mom ni Tracy, kinamusta lang nila kami, pagkatapos ay hinigit ulit ako ni Tracy paakyat naman sa kwarto niya.


Pagkapasok na pagkapasok namin ay pumunta na agad si Tracy sa mga lalagyan ng make up niya saka mga damitan niya, grabe ang linis ng kwarto niya. Samantala 'yong akin--nevermind.


Maya-maya ay may inabot sa akin si Tracy na isang bloody dress, I mean color red yung color ng dress, palobo siya at ang ganda.


"Iyan ang suotin mo mamaya, sure ako na bagay sayo 'yan dahil sobrang puti mo naman at etong red 'yong sa'yo white 'yong akin." Iyong kay Tracy is color white na dress maganda rin katulad ng sa akin.


"Thanks, ang ganda."


"Mom ko ang gumagawa nitong mga dress ko, isa siyang fashion designer kaya ayan ang gaganda," proud na sabi niya.


"Woah." Ang galing lang.


"Oo nga pala Jean, nasaan ang mom mo?" Napatungo ako. My mom?


"Wala na siya," matamlay na sabi ko.


"Oh my, sorry!" napakagat siya ng labi.


I smiled at her. "Don't be. Okay lang ako, 'no!" Kapansin-pansin ang pagkailang ni Tracy pero agad din naman 'yong nawala.


"Hehe. So lets start ikaw muna ang aayusan ko."


"Okay."


Pinaghilamos niya muna ako sa banyo saka pinaupo niya ako sa harap ng salamin. Tapos sinimulan niya ng lagyan ng kung ano-ano ang mukha ko ganoon din sa buhok ko.


Grabe, nerd ba talaga siya? Ang dami niyang alam tungkol sa mga ganito. Well, anak ng fashion designer e'.


After 1 hour. Yup, isang oras, wish ko lang hindi ako maging mukhang clown katulad ni Nathalie.


A Bloody Mess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon