Kabanata 38
Tracy's P.O.V
"Jewel, kailan mo ba balak sabihin sa amin ang daan papunta sa kastilyo?" tanong ko sa kaniya. Nandito kami ngayon sa may sala.
"Hindi pa ito ang tamang oras, hindi pa tayo handa."
"Bakit? Si Jean ba handa? Hindi niya alam na mate niya yung taong kumuha sa kaniya! Paano kung malaman niya? At huli na ang lahat? Damn, bakit hindi kasi muna natin sinabi sa kaniya e'!" Pagod na ako at sobrang nag-aalala na ako.
Iyong mga namatay, marami sila. At kung hindi pa ako bampira, sigurado akong makakasama ako sa kanila. Sila Heart at Ace, ayun nagpapahinga parin hanggang ngayon dahil sa mga natamo nila sa nangyareng pagsabog.
"Sasabihin naman natin dapat, Tracy. Sadyang mabilis lang yung nangyare," malungkot na sabi ni Jewel.
"Pero--!"
"Huminahon ka nga Tracy. Walang mangyayare kapag nagkakaganyan ka," singit ni JD. Napairap ako sa sobrang pagkairita!
"Pero wala ring mangyayare kapag nakatunganga lang tayo!" Napatahimik sila sa sinabi ko.
"See?" Namuo na ang katahimikan sa paligid namin nang may bigla akong naalala. "Where's Loki?"
"Hindi ko alam, hanggang ngayon wala parin siya," sagot ni Jewel. Simula nong pagsabog hindi parin siya nagpapakita. Where the hell is he?
Tumayo si JD at naglakad palabas. "Saan ka pupunta?" tanong ni Jewel.
"Hahanapin ko si Loki." With that, umalis na talaga siya.
"I guess, we really need to find Loki. I'm sure, may maitutulong siya." Tumayo na rin ako at naglakad na papunta sa taas.
"Tracy--"
"Titingnan ko lang sila Heart," cold kong sabi sa kaniya. Saka umakyat na para puntahan sila Heart, Lance at Ace.
Kung ayaw ni Jewel sabihin, then ako na ang gagawa ng paraan para malaman kung saan ang kastilyong 'yon!
***
Jean's P.O.V
Tumayo ako at nagsimula ng mag lakad. "Saan ka pupunta?" tanong ni Caleb.
"Hell. Sasama ka?" mataray kong sagot.
"Chill," nakataas pa ang kamay na sabi niya. Inirapan ko siya. Sumabay siya sakin sa paglalakad. Ano bang meroon sa lalakeng ito? Wala ba siyang magawa sa buhay nya kung hindi ang bumuntot sa akin araw-araw? Tatlong araw na akong nandito! At wala akong ibang mapuntahan at maisip na paraan para tumakas dahil sa Caleb na ito! At 'yong Zion? Sabi ni Caleb kada gabi raw 'yon nauwe kaya hindi ko siya nakikita. Tss.
Tumigil ako sa paglalakad. "Can you please, stop following me?!" inis na sabi ko.
"Bawal," simpleng sabi niya.
"Argh! Fuck!" Tumakbo na ako at dumretso sa kwarto ko. Agad kong isinalampak ng malakas ang pinto nang makarating ako dito. Dumeretso ako sa may tapat ng salamin. There, nakita ko na naman ang pagbabago sakin. Maputla na talaga ang balat ko, pulang pula ang labi ko, at ang mga mata. Nagiging kulay pula ito kapag nagagalit ako, kagaya ngayon.
"Isa ka ng halimaw Jean. A fucking monster!" Alam kong bampira si Mommy pero fuck! Katulad ko, namin, ang pumatay sa madaming tao noong oras ng pagsabog na 'yon!
"I hate you." Naramdaman ko ang paglandas ng luha sa aking pisngi. Yeah, naiyak ako. Gawa ng ibat ibang emosyon na nararamdaman ko.
"Don't hate yourself." Halos mapatalon ako sa gulat dahil may biglang nagsalita.
"The fuck." Ang alam ko isinarado ko ang pinto!
"Who are you?!" Isang lalaki, na ngayon ko lang nakita.
"I'm Maxwell, my lady." Yumuko pa siya. Maxwell? Isa rin ba siya sa mga kakampi ng Zion na 'yon?
"Well, sadly. Yes." A-Anong? Nababasa niya ang nasa isip ko?! Like, L-Lance.
"I don't care! Just, just get out!" Tinuro ko ang pinto.
"Ganyan ba ang pakikitungo mo sa principal ng pinapasukan mo?" Natigilan ako.
"W-What?"
Ngumisi siya. "Gusto ko lang sabihin sayo na, sa ilalim nito, may makikita kang mapaki-pakinabang." Pagkatapos niyon ay nawala na lang siya ng parang bula.
Anong? Ibig niyang sabihin? Binigyan niya ba ako ng clue? A way? Ano ba?! Sa tingin ko, kailangan kong malaman kung anong lugar ang nasa ilalim ng kastilyong ito. Pati... siya ang principal?! How come? Bakit...?
"My lady."
"Fuck!" Napamura ako dahil sa gulat.
"Gusto ka raw makita ni Lord Zion," sabi ni Caleb. Yeah, Caleb. This guy.
"Shut up. Ayoko!"
"Sundin mo na lang siya."
"Sabing ayoko! Get out!" sigaw ko.
"I guess, bahala na si Lord Zion sa'yo." Nagkibit balikat siya saka nawala. Napabuntong hininga ako.
Umupo ako sa may kama. "Kailan ba ako makakaalis dito?" bulong ko.
"Hindi 'yan mangyayare." Halos mapamura ako ulit nang may nagsalita sa may tenga ko, ramdam na ramdam ko ang hininga niya. Fuck, bakit ba lagi na lang sila, sumusulpot? Wala man lang ba akong privacy rito? Damn!
Sinubukan kong umalis nang bigla niyang ipulupot ang kamay niya bewang ko. "Let me go, Zion," mariin kong utos. Tama kayo, si Zion nga.
"No, never." Halos kilabutan ako.
"P-Please."
"I said no, anyway, you need to change. Kakain tayo ng sabay," cold na sabi nito.
"B-But--"
"Ngayon din." Halos mapasinghap ako ng halikan niya ang leeg ko, naramdaman ko pa ang pangil niya sa balat ko.
"Okay." Talo ako, kada malapit siya sakin parang natutulos lagi ako sa kinatatayuan ko. Meron talaga siyang epekto sakin, kagaya ni Dwight...kamusta na kaya sila Dwight? Gumagawa kaya sila ng paraan para tulungan ako?
Itinaas ni Zion ang baba ko. Hindi ko napansin na wala na siya sa likod ko at nasa harapan ko na siya ngayon. Iyong mga mata niya na naman ang una kong nakita. Itim na itim ito pero kapag pumula ay daig pa ang dugo sa tingkad.
"Bilisan mo." At gaya nong dalawa kanina, ay parang bula na siyang nawala. Napahiga ako sa kama ko pagkaalis niya. Napabuntong hininga ako at napapikit ng mariin. Ano ba ang plano niya? Hindi niya ba ako papatayin?
Ilang minuto rin ang lumipas saka lang ako dumretso sa banyo at naligo saka nag bihis. Kaya ba lagi siyang wala ay dahil sa... kasama niya ang Zerah na 'yon? Saan sila nagpupunta? At ano kaya ang ginagawa nila? Geez Jean! Cut it out.
BINABASA MO ANG
A Bloody Mess (COMPLETED)
VampireNormal at simple lang naman ang buhay ni Jean noong una kasama ang kaniyang ama ngunit ang lahat ay nagbago nang lumipat siya ng pinapasukang paaralan. Sa pag-aakalang ito ang mas makabubuti, sinugal ng kaniyang ama ang lahat pero nagkamali lamang i...