Kabanata 22
Jean's P.O.V
"I'm sorry, JA, kung iniwan kita kahapon," sinserong sabi ni JD sa akin. Sinundo niya ako kanina sa bahay at eto kami ngayon nasa loob ng kotse niya pauwe na kami sa bahay niya kung saan naghihintay sila Heart at Ace.
"It's okay and please stop calling me JA," malamig na sabi ko sa kaniya, nakatingin lang ako sa labas ng bintana.
"B-But..." hindi niya na naituloy ang sasabihin niya nang nilingon ko siya.
"Please," walang emosyong suway ko sa kaniya, nakita ko pang napalunok siya.
"O-Okay," mahinang sabi niya. Kasunod nito ay katahimikan.
I guess heartbreaks really changes people.
Sinabi ko kay Dad na huwag na munang sabihin sa iba ang pagbalik ng mga alaala ko at sinang-ayunan niya naman ako at sinabing naiintindihan niya raw. Ayoko munang gumulo ang lahat. Si Dad busy siya sa trabaho niya bilang detective at bilang vampire hunter din. Pinangako ko sa kaniya na tutulong ako.
Walang imikan na narating namin ang bahay. Mabilis akong bumaba at pumasok ng bahay na hindi nililingon si JD, pero ramdam kong nakasunod lang siya sa akin. Pagpasok ko ay sila Heart at Ace na nagbabangayan ang nakita ko. Kung hindi sana bumalik ang ala-ala ko baka matawa pa ako sa kanila pero hindi na ngayon, walang emosyon lang akong tumingin sa kanilang dalawa. Napatigil naman silang dalawa dahil naramdaman nila ang presensya ko at ni JD.
"Jean!" masayang sabi ni Heart at mabilis na lumapit sa akin sabay yakap ng mahigpit.
"Buti naman at nandito ka na Jean. Okay na ba kayong dalawa ni JD? Kinuwento niya sa amin ang nangyare," sabi ni Ace. Tinanguan ko lang siya. So, alam na nila ang nangyare, huh. Naramdaman kong nakatitig lang sa akin si JD pero binaliwala ko na lamang ang titig niyang 'yon.
"Magpapahinga na muna ako," malamig kong sabi sa kanila. Sabay hiwalay sa yakap ni Heart at mabilis na pumunta sa hagdan at umakyat. Ramdam ko pa nga ang pagkagulat nila at titig nila sa likod ko habang umaakyat ako.
"Pabayaan niyo muna siya. Pagod lang talaga siguro," rinig ko pang sabi ni JD kanila Heart at Ace.
"O-Okay," narinig ko namang sagot nila.
Binilisan ko na lang ang pagakyat. Pagkarating ko sa kwarto ko ay hindi ko inaasahan ang makikita ko. Agad kong isinarado ang pinto ng kwarto ko at ini-lock ito.
"Anong ginagawa mo rito... Dwight?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. Nakaupo siya sa kama ko habang nakatingin sa labas. Bukas ang bintana ko.
"Bakit wala ka rito kagabi?" Imbis na sagutin ang tanong ko ay sinagot niya lang ako ng isang tanong. Nakatingin parin siya sa labas, ako naman ay nakatayo lang habang tinitingnan siya.
"Wala ka na ron. Sagutin mo ang tanong ko. Anong ginagawa mo rito?" Sa wakas ay lumingon na rin siya sakin pero parang mas okay pa yata na sa labas lang siya nakatingin. Nakakunot ang noo niya na nakatitig sa akin. Parang hinahalukay niya ang buong pagkatao ko batay sa pagtitig niya, napaiwas naman ako ng tingin. Naramadaman kong bumilis na naman 'yong tibok ng puso ko. Ano bang nangyayare sa pusong ito?
"Parang may nagbago sa iyo," seryosong sabi niya and again hindi niya sinagot ang tanong ko. Argh!
"Tss. Iyong tanong ko pakisagot," inis na sabi ko sa kaniya.
"Miss na kita. Kaya ako nandito," diretsong sabi niya sa akin. Napanga-nga naman ako dahil don.
W-What the.
"Shut up!" nakaiwas ng tingin na sabi ko.
"Totoo 'yon." Nakita kong tumayo siya at naglakad papalapit sa akin kaya agad akong naalarma.
"Diyan ka lang! H-Huwag kang lalapit!" nabubulol na sabi ko sa kaniya pero nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Iyong puso ko. Parang gusto ng lumabas sa sobrang lakas ng kabog. Gusto kong ipakita sa kaniya na wala lang sa akin ang presensya niya pero... hindi ko kaya! Come'on Jean! Isa siyang bampira! Kalahi niya ang nagpawala ng mga alaala mo noon at ang kumuha sa mommy mo!
"Oh. Bakit namumula ang mukha mo?" mapangasar na sabi niya habang nakangisi.
"S-Shut up will you?! Huwag ka sabing lalapit!" Nakahinga naman ako ng maluwag dahil tumigil nga siya sa paglapit sa akin.
"Nakakainis dahil hindi ko na talaga mabasa ang nasa isip mo," inis niyang sabi, nakakunot ang kaniyang noo. Ang gwapo niya talaga. Oh, shut up Jean! Saglit. Hindi niya mabasa ang nasa isip ko... pero ano 'yong sinabi noon ni Prince?
Dahil sa sinabi niya ay biglang may pumasok na idea sa utak ko. Magagamit ko siya para malaman kung nasaan si Mommy! Isa siyang bampira hindi ba. Hindi niya malalaman ang gagawin ko dahil hindi niya nababasa ang nasa isip ko. Magagamit ko ang bampirang ito. Siya na mate ko. Makakasama ko ulit si Mommy.
"Bakit ka nakangiti?" takhang sabi niya sa akin. Nawala naman ako sa pagiisip at hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakangiti.
"Wa--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang nawala at naramdaman ko na lang na may dumamping malambot na bagay sa pisngi ko, nasa tabi ko na siya! Ang bilis niya!
"Paalam muna," nakangiting sabi niya at nawala na siya ng parang bula habang ako ay naiwang nakahawak sa pisngi ko. Hinalikan niya na naman ako sa pisngi! Pangalawang beses na! At ang puso ko... sobrang ingay!
Pagkaalis niya ay tumakbo agad ako sa kama at nagtalukbong. Bwiset na Dwight! Anong mahika ang ginagamit niya sa puso ko? Bakit ito nagkakaganito! Ang bampirang 'yon!
Habang nakahiga at iniisip ko iyong nangyare kanina ay biglang naisip ko rin 'yong gagawin kong plano. Kailangan kong mapalapit kay Dwight para malaman ko kung saan ang lugar ng mga bampira at para mahanap ko na si Mommy. Bukas na bukas sisimulan ko na ang paglapit kay Dwight, alam kong mag tataka siya/sila sa mga gagawin ko pero ito na ang bagong ako.
Oo nga pala, si Mommy naalala ko, siya 'yong babae sa panaginip ko. Bakit siya iyong laging nakapulang babaeng na nagpapakita sa panaginip ko? Anong ibig sabihin niyon? Naalala ko rin noon ay galit ako kay mom dahil sa pag-aakalang iniwan niya kami pero ngayon alam ko na ang totoo. Hintay lang mommy makakasama rin kita.
Dahil sa pagiisip ko ng plano ay nakaramdam ako ng pagod at antok. Kaya unti-unti na akong napapikit.
Sorry Dwight kung gagamitin kita para sa plano ko, kailangan kong mahanap si Mommy at ikaw lang ang pwedeng gawin kong paraan para makasama ko ulit sya. Oo nga at pwede sila Prince at Loki pero iba ang ugali nila. Haist, ewan pero may nagtutulak talaga sa akin na si Dwight ang gamitin ko para sa plano.
Sa kabilang banda... hindi ako nag-iisip ng paghihiganti sa mga bampira pero kapag may ginawa silang masama sa mommy ko at sa mga taong malalapit sakin, pasensya pero handa akong patayin at ubusin ang lahi niyo.
BINABASA MO ANG
A Bloody Mess (COMPLETED)
VampirosNormal at simple lang naman ang buhay ni Jean noong una kasama ang kaniyang ama ngunit ang lahat ay nagbago nang lumipat siya ng pinapasukang paaralan. Sa pag-aakalang ito ang mas makabubuti, sinugal ng kaniyang ama ang lahat pero nagkamali lamang i...