Kabanata 19

7.7K 186 2
                                    

Kabanata 19



Jean's P.O.V



Naiwan kami ni Tracy ngayon dito sa canteen. Ilang minuto lang kasi ang lumipas ay biglang nagyaya na si JD na pumunta na sila sa classroom, kahit wala namang klase ngayon. Kahit masayang nagkukwentuhan sila Heart ay wala na silang nagawa kung hindi ang sumama kay JD.


"Mukhang ayaw sa akin ni JD," malungkot na sabi ni Tracy. I feel sorry for her.


"Pagpasensyahan mo na muna siya Tracy, hindi kasi maganda ang impresyon niya sa mga bampira. Pati may masamang nangyare sa buhay niya gawa ng mga bampira." Pagpapaunawa ko sa kaniya.


"I understand," nakangiting sabi niya. Napansin kong nagulat si Tracy habang nakatingin sa pasukan ng canteen.


"Oh no, no, alam niya na," kinakabahang wika niya. Nagtaka naman ako kaya tiningnan ko rin kung sino o ano yung nakita niya, at ayun nakita ko ang seryosong mukha ni Loki habang naglalakad papalapit sa pwesto namin.


"Tracy," mariing banggit ni Loki sa pangalan ni Tracy.


"L-Loki," kinakabahan namang banggit ni Tracy. Tiningnan ko silang dalawa. Parang tigre na mangangain si Loki habang si Tracy ay parang kuneho na takot dito. Nagtititigan lang silang dalawa.


"Ehem," pagbasag ko sa pagtititigan nila. Parehas naman silang napalingon sa akin. Nakita kong kumunot ang noo ni Loki. Seriously? Hindi niya yata alam na nandito ako!
Napairap ako sa kawalan.


"So, bakit ka nandito, Loki?" Talagang diniinan ko 'yong pagbanggit sa pangalan niya, napansin ko namang napalunok siya.


"Tracy, binigo mo ako," Imbis na sagutin ako ay 'yan ang sinabi niya.


Binigo?


"H-Hindi, Loki. Hindi kita binigo," tipid na pahayag ni Tracy. "Gagawin ko parin ang plano..." Tumahimik na lang muna ako at pinakinggan na lang ang sagutan nila.


"Bakit mo sinabi sa kaniya?" mahinahon ngunit may riin na wika ni Loki.

"D-Dahil karapatan niyang malaman," sabi ni Tracy.


"Alam na alam mong mas gugulo pa ang sitwasyon!" inis na sabi ni Loki.


"I know! I'm sorry! Pero hindi ko kayang ganito ang nangyayare. Ayokong pangit ang tingin sa akin ni Jean!" naluluhang sabi ni Tracy. Agad naman akong lumapit sa kaniya at niyakap siya.


"Bakit Loki? Ano ba ang gugulo? Pati pwede ba! Tama si Tracy, karapatan kong malaman ang lahat!" inis na wika ko. Tumingin sa akin si Loki at nakita kong nalungkot siya pero agad ding bumalik sa dati na seryoso.

Umiling-iling siya. "May mga bagay na hindi mo na dapat malaman, para sa ikabubuti ng lahat," makahulugang sabi niya sa amin.


"Tracy, desisyon mo 'yan kaya wala na akong magagawa. Bantayan mo na lang siya," seryosong wika niya kay Tracy at naramdaman ko namang tumango si Tracy. Pagkatapos ay umalis din agad si Loki ng walang pasabi. Naguguluhan na ako sa mga nangyayare pero sa ngayon ang gusto ko lang ay maging okay na ang lahat.


"Tracy, ano 'yong sinasabi ni Loki?!" seryosong tanong ko.


"Hindi mo muna kailangang malaman. Pangako ililigtas kita," nakangiting sabi ni Tracy kahit may nadaloy na luha sa kanyang pisngi mula sa kaniyang mata.


Ililigtas? Bakit? Para saan?


Tatanungin ko sana ulit siya kaso bigla siyang nahimatay. Agad akong humingi ng tuloy at mabuti na lang ay may tumulong sa amin. Kinakabahan agad ako dahil sa biglaang pagkahimatay niya.


Dinala si Tracy sa Clinic sabi ng nurse ay dahil daw sa pagod kaya nahimatay si Tracy. Nakahinga naman ako ng maluwag. Tinawagan ko sila JD at agad naman silang pumunta dito sa clinic. Binantayan muna nila Heart at Ace si Tracy, habang ako at si JD ay lumabas muna para magpahangin.


"Bampira siya. Paano mo napagkakatiwalaan ang katulad niya?" mahinang tanong ni JD sa akin. Nilingon ko siya at seryosong tiningnan.


"Hindi lang siya bampira dahil kaibigan ko siya. Ngayon ko lang naisip na may mga mababait at masasamang bampira pala at mag kaiba sila. Tandaan mo lahat ng nilalang ay nagsisisi at nagmamahal," seryosong paliwanag ko sa kanya. Sandaling natahimik siya at nakita kong kumunot ang noo niya. Di kalaunan ay tumayo siya at umalis.


Sana maliwanagan na siya at sana hindi na siya maging ganito, 'yong ang cold niya.


Habang nag-iisip ay napabaling ang tingin ko sa isang lugar kung saan hindi napupuntahan ng mga istudyante at nagulat ako dahil may babaeng nakatayo roon. Isang babaeng nakapulang damit habang nakatingin at nakangiti sa akin.


Siya 'yon! Iyong babaeng kasama sa panaginip ko! Anong ginagawa niya rito?!


Napatingin ulit ako sa pwesto niya at nakita kong wala na siya roon. Seriously?! Nababaliw na ba ako? Bakit bigla siyang nawala. Paanong nangyare 'yon? Napailing na lang ako at huminga ng malalim. Haist pagod lang ako siguro. Imahinasyon ko lang 'yon.


Naalala ko bigla iyong babaeng multo na pinapasunod ako sa kaniya.


Imbis na isipin pa 'yon ay pumunta na lang ulit ako sa clinic. Hindi na ako nagulat sa nakita ko. Si Ace at Heart nagbabangayan na naman habang si Tracy ay pinapanood sila at halatang tawang-tawa. Napatigil sila nang makita ako. Agad akong lumapit kay Tracy.


"Kamusta?"


"Okay na ako," magiliw na wika niya.


"Good. Uwian na naman kaya pwede ka ng umuwe. Magpahinga ka," seryosong sabi ko sa kaniya.


"Opo," nakangusong sabi niya. Natawa naman sila Heart at Ace.


Umalis na kami sa clinic at hinatid na namin si Tracy sa parking lot kung nasaan ang kotse nila at naghihintay naman doon 'yong driver niya.


"Bye, take care!"


"Ingat, pahinga ka!"


"Bye!"


"Bye~!" Paalam sa amin ni Tracy habang kumakaway. Nakasakay na siya sa kotse nila at tiningnan namin ito habang paalis.


Habang naglalakad papunta sa kotse ni JD ay biglang nagtanong si Ace.


"Wait, nasaan si JD, nasa kotse na ba siya?" tanong ni Ace.


"Oo nga, diba magkasama kayo kanina Jean?" tanong din ni Heart.


"Umalis siya kanina e'." Napaisip din ako. Saan ba nagpunta ang lalaking 'yon? Nang nasa kotse na kami ay laking gulat ko, namin, nang makita namin na naghihintay na roon si JD. Nandito siya?


Walang imik na sumakay siya sa driver seat. Hindi maganda ang mood niya at alam kong ramdam 'yon nila Heart kaya nanahimik na lang sila. Ako naman ay nanahimik na lang din.


Nang makarating na kami sa bahay ay derederetso lang na naglakad si JD papasok sa loob at iniwan kami.


"Bakit bad mood siya?" nagtatakang tanong ni Heart.


"Ngayon lang siya naging ganito, ah.Hindi parin ba niya tanggap si Tracy?"


"Siguro."


"Hayaan niyo na muna siyang mapag-isa para makapagisip ng maayos. Magpahinga na muna kayo sa kwarto nyo. Bukas kakausapin ko siya," nakangiting sabi ko.


"Okay naiintindihan namin, magpahinga ka na rin Jean."


"'Ge! Pagod na rin ako e'."


Tumango na lang ako sa kanila at pumunta na ako agad sa kwarto ko ganun din ang ginawa nila. Agad akong humiga sa kama at napabuntong hininga. Ang daming nangyare ngayong araw. Dahil sa pagod ay nakatulog din kaagad ako.

A Bloody Mess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon