Kabanata 15

8.3K 228 10
                                    

Kabanata 15



Jean's P.O.V


"J-Jean."


Naningkit ang mga mata ko. "So, isa ka pala sa kanila?" sabi ko habang nakatingin sa kaniya, kay Tracy.


"M-Ms. Clarkson anong ginagawa mo rito?" sabi ni Loki na halatang kinakabahan.


"Hindi kita kinakausap! Huwag kang sumabat si Tracy ang kausap ko!" Napaatras naman si Loki tapos si Tracy naman ay nakayuko lang.


Iyang si Loki na 'yan, hindi pa ako tapos sa kaniya. Siya lang naman ang puno't dulo ng lahat kung bakit gumulo ang tahimik kong buhay.


"Woah. Ang tinuring kong kaibigan sa school na 'to ay isa rin palang halimaw," sarkastiko kong sabi.


"We're not monster, we're v-vampires, Ms. Clarkson."


"Ganoon na rin 'yon! Wala kayong ibang alam na gawin kung hindi higupin ang mga dugo namin. Mga halimaw!"


"J-Jean!" Tiningnan ko lang siya ng masama pati na si Loki.


"I hate you, Tracy. Nilihim mo sa akin ang pagkatao mo. Balang araw babagsak din kayo!" galit na sabi ko.


Naikwento sa akin ni JD na ang mga magulang niya ay pinatay pala ng mga bampira. Kaya galit ako sa mga nilalang na katulad nila. Magdasal sila na sana ay hindi ang mga bampira ang dahilan kung bakit iniwan kami ng mommy ko dahil kung hindi, ako ang uubos sa kanila.


Hindi sila makapagsalita. Agad na akong umalis at naglakad na pabalik sa canteen.


***


Tracy's P.O.V


"She hates me now." Naramdaman ko ang unti-unting pag daloy ng luha sa pisngi ko. Napahagulgol na ako. Jean hates me! At hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon!


"I hate myself! Sana hinayaan mo na lang akong mamamatay! Sana hindi mo na lang ako ginawang ganito!" mapait na sabi ko kay Loki. Nakatayo lang si Loki na parang nagiisip.


"Kung hindi kita ginawang katulad ko. Hindi mo na makakapiling ang magulang mo pati na si Jean, psalamat ka pa nga dahil nagawa kitang bampira kahit alanganin."


Si Jean na unang naging kaibigan ko...


Ginawa akong bampira ni Loki. Nang nasa Hospital ako muntik na akong mamatay dahil hindi na kinaya ng katawan ko pero dumating si Loki at gumawa ng paraan para mabuhay ako at ang paraang 'yon ay gawin akong bampira.


"Tumigil ka na, kahit umiyak ka riyan nang umiyak hindi na niyan mababago ang mga nangyare na. Alam niya na, na bampira tayo."


"A-Ano na ang gagawin ko?"


"Tulungan mo ako... tulungan mo akong ilayo si Jean sa kapahamakan."


"Bakit? Pati alam mong gagawin ko talaga 'yon."


"Malalaman mo rin ang dahilan kung bakit basta sa ngayon, layunin ko ang kaligtasan niya." Tumango na lang ako kay Loki. Tutulungan ko siya kahit hindi ko pa alam kung bakit. Para sa ikabubuti ni Jean. Balang araw magiging maaayos din ang lahat.


***

Jean's P.O.V


Habang naglalakad ay pinupunasan ko 'yong mga luha ko, hindi ko kasi napansin na umiiyak pala ako kanina. Buti na lang walang katao-tao rito ngayon.


Nang biglang may nakabangga ako. Huh? Wala namang tao kanina sa harap ko ah. Dahan-dahan akong tumingala.


"Mate."


I gasped. Napatayo agad ako at tatakbo na sana kaso bigla niyang hinigit iyong kamay ko at ang alam ko na lang ngayon ay nakasandal na ako sa pader at nasa harapan ko ang lalaking nakabangga ko, ang dalawa niyang kamay ay nakatuon sa magkabilang tabi ng ulo ko.


"Tatakasan mo na naman ako prinsesa ko."


Tumingin ako sa kaniya at nakita kong nakatingin din siya sa akin, ang lapit namin sa isat isa. Kataka-taka dahil wala akong naramdamang takot.


Prinsesa?


"U-Umalis ka nga sa harapan ko."


"Okay." Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti naman... pero nagulat ako dahil bigla niyang kinuha ang kamay ko at hinalikan ito.


"Kapag alam kong akin, akin. Kahit anong gawin mo, wala ka nang kawala sa akin. Dahil itinadhana na tayong dalawa."


Kinilabutan ako.


"Ah. Ako nga pala si Prince. Sige, paalam muna prinsesa ko. Sa susunod nating pagkikita, kukuhanin na kita." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay bigla na lang siya nawala ng parang bula.


Prince ang pangalan niya? Silang dalawa ni Dwight, mate nila ako. Argh, bakit kasi ako? Lalayo na lang ako sa kanila.


Agad akong umalis sa lugar na 'yon. Tumatakbo akong habang papunta sa canteen ng makasalubong ko si Dwight. Hindi ko siya pinansin at ng malampasan ko siya ay biglang akong napatigil.


"Mag-ingat ka palagi." Iyan ang mga salitang nag patigil sa akin. Alam kong sa utak ko lang narinig 'yon at yeah alam kong may mga kakayhan ang mga bampira na hindi kayang gawin ng mga katulad ko.


Pagtingin ko sa likuran nakita kong patuloy lang na naglakad si Dwight.


Mag-ingat? Ako?


Imbis na isipin ang mga bagay na nangyare kanina ay pumunta na ako sa canteen. Pagkadating ko ay tapos na silang kumain. Nakita kong tumingin sa akin si JD pero binaliwala ko na lang 'yon.


"Grabe ang tagal mo sa banyo!"


"Sumakit tiyan ko e'," nakahawak sa tiyan na sabi ko. Umupo na ako sa upuan ko at nag simula na ulit kumain.


"Hahaha," tawa ni Ace


"Tawa mo riyan?"


"Wala lang."


"Baliw." Nagsimula na ulit silang magbangayan na parang aso't pusa. Naramdaman kong tumitig na naman sa akin si JD kaya tumingin ako sa kaniya at nginitian siya, nagulat naman siya dahil doon. Bumalik na lang ako sa pagkain. Argh, alam kong naramadaman ni JD na may hindi tama sa akin. Tss, I hate this day, tss.


***
Who's your bet for Jean?

A Bloody Mess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon