Kabanata 10

10K 273 5
                                    

Kabanata 10




FESTIVAL



Jean's P.O.V



Nandito ako ngayon sa school, sa room. Taimtim na iniisip ko 'yong nakita ko kanina sa kwarto ni Dad.


~~~


Maaga akong nagising dahil ngayon ang start ng sports festival at ngayon ang labanan. Sa school na lang ako kakain.


Nang makalabas ako ng kwarto ko ay dumeretso ako sa kwarto ni Dad para mag paalam. Late na naman siyang umuwe kagabi, tss. Pagkapasok ko sa kwarto niya ay nakita kong tulog na tulog siya. Ite-text ko na nga lang siya. Ayokong maabala siya sa pagtulog niya.



Lalabas na sana ako nang may nakapukaw ng atensyon ko. Isang cabinet? Kailan pa nagkaroon ng cabinet sa room ni Dad? Sa pagkakatanda ko ay wala siyang cabinet dito. Dahil sa curious ako kung ano ang nasa loob niyon ay pinuntahan ko 'yon at binuksan.


What the?


Mga baril. Iba't ibang klase ng baril at may mga kakaibang bala ang nasa loob nito. Iyong mga bala ay nasa kalapit nung mga baril. Meron ding mga matutulis na bagay at iba iba pang mga armas na hindi ko alam kung ano ang mga 'yon. Pinicturan ko muna ang mga 'yon saka dali-daling lumabas kwarto ni Dad.


Para saan ang mga 'yon? Paano nagkaroon ng mga ganoon si Dad? Is he hiding something?


~~~


Nawala ako sa pagiisip nang biglang tumunog ang speaker ng school. Ang ingay. "Hello, students of B.H. maaari na kayong pumunta sa mga room kung saan gaganapin ang laro na sinalihan niyo. Good luck!" Dahil doon ay mga nagsialisan na iyong mga kaklase ko. Lumabas na rin ako at naglakad papunta sa Archery room.


Mamaya pupuntahan ko na si Tracy. Saglit. Bakit hindi ko na nakikita si Dwight? Cut it out, hindi ko siya hinahanap.


Pagkapunta ko sa Archery Room ay binigyan nila ako ng arrow at bow. Then  pinaupo muna ako kasama ang ibang players sa isang side. Tatawagin daw isa-isa kung sino ang maglalaban. Tingnan natin kung magaling pa ako rito, ang tagal na rin noong huli kong paghawak ng bow at arrow. Nang makaupo na ako ay nagulat ako sa nakita ko.


Si Nathalie? Archery din pala ang sinalihan niya. Tadhana nga naman.


Nakita kong napatingin din siya sa akin, sa una ay nagulat siya nang makita ako pero ngumisi rin siya kalaunan at inirapan ako. That clown. Hindi ko na siya tiningnan dahil baka masira lang ang araw ko.


"First Game is Nathalie versus Jean," sabi ng Game Master. Game Master ang tawag sa mga mag papalaro.


Great. Talaga nga naman. Kami pa ang maglalaban. Destiny really plays some trick to us.


Pumunta na ako sa harap. Nakita kong pumunta na rin si Nathalie. Tumahimik ang paligid. Tss, siguro nalaman nila 'yong nangyare sa cafeteria noon.


"Ready ka na bang matalo, ha?" mapangasar na sabi ni Nathalie.


"Let me think first, what about a no? In your dreams," mapangasar ko ring sabi. Inirapan niya lang ako. Tapos humarap na siya sa harapan kung nasaan iyong patatamaan namin. Ganoon na rin ang ginawa ko.


"First set 50 meters. Nathalie, first." Hanggang third set lang kasi. Hinawakan na ni Nath iyong bow at arrow, itinapat niyang maigi sa patatamaan at-


*Splaaaaaaaaash!*


Bull's Eye. She's good.


"Bull's-eye. Ten points for Nathalie!!"


"Go, Nathalie!"


"Ang galing mo, Natahalie!"


"Idol!"


Nginisian ako ni Nathalie, tuwang tuwa naman siya sa mga fans niya. Hindi pa tapos, bitch.


"Jean, it's now your turn."


"Kaya mo 'yan, Jean!"


"Go, go, go!"


Napangiti ako ng mapakla. Kahit pala wala si Tracy ay may susuporta parin pala sa akin, and I'm sure 'yang mga sumigaw ay galit kay Nathalie. Pero Tracy... ang boses mo ang gusto kong marinig. Ngumiti na lang ng matamis ako ng sa mga sumigaw. Mabalis kong kinuha ang bow at arrow saka walang pagaalinlangan na binitawan ang arrow.

*Splaaaash!*


Bull's eye.


"Shit, ang bilis."


"Pano niya nagawa 'yon?"


"Nakita niyo ba iyon? Ang bilis!"


"Woah, idol!"


"Bull's-eye. Ten points for Jean!"


Nginitian ko si Nathalie at nakita ko namang nainis siya dahil don.


"Second set, 80 meters. Jean, you go first." Humakbang ako paatras hanggang sa makarating ako sa 80 meters at wala ulit pag-aalinlangan na binitawan ang arrow. Mabilis ko lang tiningnan ang patatamaan.


*Splaaaaash!*


"Another bull's-eye. 10 points for Jean!" Nag-ingay ang mga manonood, doon ko lang nalaman na madami na pala talaga ang nanonood ngayon.



Turn na ni Nathalie at mukhang hindi siya masyadong nakapag-concentrate kaya... "Aww. Just five points for Nathalie!" Padabog itong umiling, hindi nagustuhan ang resulta.


"Third set, the last set. 120 meters. Nathalie, you go first." Humakbang si Nathalie paatras at nang nasa 15 meters na ang layo ay nag-concentrate na siya ng maigi saka binitawan ang arrow.


"Wow, not bad! Nine points for Nathalie." Turn ko na. Pumwesto na ako saka binitawan agad ang arrow. Mas mabilis ang ginawa kong pagbitaw kaysa kanina. Napatahimik ang paligid, lahat ay gulat na gulat sa ginawa ko.



"Just, woah! Ten points for Jean! We got a winner!" anunsyo ng Game Master. Dahil doon ay nagsigawanna ang mga manonood at cinongrats ako. Si Nathalie naman ay nagwalk-out. She can't accept the fact that I defeated her.


Umalis naman agad ako pagkatapod ng game at pumunta na sa hospital, lahat pa nga ng makasalubong ko ay binabati ako dahil sa pagkapanalo. Kalat pala na ako ang nanalo sa laro namin ni Nahalie gawa nong speaker.


Nang nasa hospital na ako ay dumretso agad ako sa room ni Tracy. Nakita ko siyang gising na. Umalis muna 'yong Mommy at Daddy ni Tracy nang mapansin ang presensiya ko kaya kami nalang dalawa ang naiwan.


"Jean."


Para akong nagising sa pagkakatulala nang sambitin niya ang pangalan ko. "Tracy!" sigaw ko. Dali-dali akong lumapit sa kaniya at niyakap siya habang umiiyak.


"Sorry, Tracy. Dahil sa akin kaya ka nandito," malungkot na sabi ko.


"Loka. Hindi ikaw ang may kasalanan, 'no!" Napangiti na lang ako.


Nagkwentuhan kaming dalawa nang mapunta na ang topic namin sa sasabihin niya dapat sa akin nong araw ng pagsabog. Nagulat ako na lang ako dahil wala siyang maalalang kahit ano tungol doon. Ang alam niya raw ay kaya siya pupunta sa garden ay sa kadahilanang magpapasama raw ako sa kaniya. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya na hindi 'yon totoo at may ibang dahilan kaso baka makasama sa kaniya kaya naman pinili kong sa susunod na lang sasabihin.


Nagpaalam na rin agad ako sa kaniya dahil maggagabi na. Umalis na ako agad at umuwi. Pagdating sa bahay ay wala parin si Dad. Napaisip ulit ako tungkol don sa mga nakita ko sa kwarto niya. Gusto kong magtanong kaso busy siya lagi.

A Bloody Mess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon