Kabanata 4
Jean's P.O.V
Here I am again. Nandito na ako sa school. Specifically sa classroom namin. Iniisip ko ulit 'yong nangyare kahapon. Paano kaya nagkaroon ng kagat yung babaeng 'yon? Gusto kong tanungin si Dad pero parang wala siyang alam sa nangyare dito sa loob ng school. Posible kayang, walang alam ang mga nasa labas sa nangyare rito? Hmm. Baka nga. Tsk, para lang hindi masira ang image ng school? Mga makasarili.
Naisip ko rin 'yong naramdaman kong may nakatitig sa akin. Ang creepy talaga niyon, nakakaparanoid. Saka 'yong pagpunta ni Dwight sa night woods. Haist, ano ba 'yan! Huwag ko na nga munang isipin ang mga 'yon.
Habang nakatulala ako ay biglang lumapit sa akin si Tracy. Rememeber her? Siya 'yong cute na nerd na nakipagkaibigan sa akin kahapon.
"Hello!" bati niya sa akin.
"Hi," Umupo siya sa tabi ko.
"So, nabasa mo na ba 'yong mga rules?" tanong niya. Nanlaki ang mga mata ko saglit. What the F. Nakalimutan ko. Ah e'-- hindi naman niya malalaman e', hehe.
"Y-Yup," sagot ko na medyo nag-aalinlangan.
"Good, good," sabi niya na parang nakahinga ng maluwag. E'? Ang weird niya, ah.
"Bakit parang nakahinga ka ng maluwag Tracy?" tanong ko. Curious lang ako sa reaksyon niya. I find it weird.
"H-Ha? E'--" Hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang biglang may dumating. Isang lalaki. Nakakatakot ang aura niya. Nakakakilabot. Parang kapag nadanggi mo siya katapusan na ng buhay mo. Goodbye life na! Mas lalo pa akong kinalibutan nang marinig ko ang boses niya... nagsalita siya sa unahan.
"Hi, I'm Loki. Ako muna ang magbabantay sa inyo ngayong araw," sabi niya at umupo na sa harap. Iyon lang? Walang na siyang ibang sasabihin? Kataka-takang wala ni isa ang nagsalita sa mga kaklase ko. Parang takot sila.
Why? Nagulat ako nang lahat ng kaklase ko, pati si Loki ay lumingon sa akin.
"W-What?" sabi ko sa kanila. May dumi ba ako sa mukha?
"Sabi mo kanina why?" bulong ni Tracy. Nasa harapan ko ang upuan niya.
Hala!
"H-Huh? Napalakas ba?" tanong ko rin ng pabulong.
"Actually, isinigaw mo nga 'yon." Oh, oh. I'm dead. Bakit ko naman naisigaw 'yon?!
Nagulat kami dahil biglang tumayo si Loki at papunta siya sa upuan ko. Narinig kong napasinghap 'yong mga kaklase ko.
Ano bang meroon sa lalaking ito? Bakit ganoon na lang ang mga reaksyon nila?
Wala na akong magagawa kung hindi ang magtapang-tapangan. Okay, act cool, Jean.
"What?" tanong ko sa kaniya ng makalapit siya. Napasinghap na naman iyong mga kaklase ko. Seriousy? Hindi ko sila magets, ah! Ano ba kasi talaga ang meron sa lalaking ito? Tiningnan niya lang ako ng masama. Promise nagtaasan ang lahat ng balahibo ko sa katawan.
"What's your name?" tanong niya. Ayon parin 'yong nakakatakot na aura.
"Uhm. My name is Je--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang bumukas ng malakas iyong pinto ng room. Niluwa niyon si Dwight. Huh? Late siya. Lumingon siya sa akin. Sumama ang tingin niya nang makita si Loki.
"Oh. Hello there, Dwight," sabi ni Loki. Nakalimutan niya na yatang tinatanong niya ang pangalan ko. Mas okay na 'yon, hehe. Ngumiti pa si Loki. Ngiting nakakatakot. Creepy.
Hindi siya pinansin ni Dwight bagkus ay naglakad siya papalapit sa amin. Peksman. Nakakatakot na ang aura ng dalawang 'to. Lalo na at pinagigitnaan nila ako. Parang Lion at tiger lang.
Nagulat na lang ako nang biglang hinawakan ni Dwight ang kamay ko at hinila ako papalabas ng room. Nagpadala na lang ako sa paghigit niya. Nang lumingon ako kay Loki. Nakita kong masama ang tingin niya sa amin. Iyong mga kaklase ko naman ay napanganga. Mukha silang tanga, lol!
Nang nasa labas na kami ay binitawan na ni Dwight iyong kamay ko.
"Huwag na huwag kang lalapit ulit kay Loki. Understand?" seryosong sabi niya. Parang sa tono ng boses niya ay wala na akong karapatang hindi sumangayon.
"O-Okay," nauutal pa na sabi ko. What?! Really, Jean?! Tumango lang siya at aalis na sana... pero tinawag ko siya.
"Dwight... Dwight right? Tanong ko lang, bakit parang takot 'yong mga kaklase natin kay Loki? Saka bakit mo ako biglang hinigit?" tanong ko. Duh! Curious lang ako.
"Loki is the Student Council President. Niligtas lang kita kanina. Ge," maikling sagot niya, may pinag-iipunan talaga yata 'to.
Agad ko siyang pinigilan nang aalis na agad ulit siya. Tss. "Ah. Wait bakit ka nga pala pumasok sa night woods kagabi? Diba sabi raw bawal doon." Tiningnan niya lang ako ng masama. Napa-atras naman ako. Katakot kaya, parang kakainin ako ng buhay.
"Tsk. That's none of your business," sabi niya. Sungit. Nagtanong lang e'.
Oo nga pala. Si L-Loki. Siya ay ang--president. Student council president siya?! Patay. kaya pala. Wait, niligtas niya ako? Magpapasalamat pa sana ako kay Dwight kaso nakita kong wala na siya. Tsk, hindi man lang nagpaalam. Talaga nga naman. Hm. Dahil nasa labas na ako. Mag ka-cutting na lang ako, hihi. So, nagpunta ako sa rooftop. Rooftop ng ewan. Hindi ko alam kung anong building 'to.
Nandito ako sa rooftop. Nakaupo sa lapag habang nakatingin sa malayo. Ang sarap ng hangin. Ang ginhawa naman dito.
"Meow..." H-Huh? Pusa? Nang biglang may naramdaman akong malambot sa lap ko. Pagtingin ko ay may pusa ron. Isa siyang itim na itim na pusa. Creepy right? But cute. Hinimas himas ko na lang ang balahibo niya. Kanino kaya ang pusang ito. Nakita kong nakatulog na 'tong pusa. Ang cute talaga. Siguro kaya nakatulog itong pusa na ito ay dahil sa nasarapan sa paghimas ko ng balahibo niya.
Habang nilalaro ang pusa ay nakaramdam ako ng antok. Antukin na talaga ako nitong mga araw. Hmm..
BINABASA MO ANG
A Bloody Mess (COMPLETED)
VampirosNormal at simple lang naman ang buhay ni Jean noong una kasama ang kaniyang ama ngunit ang lahat ay nagbago nang lumipat siya ng pinapasukang paaralan. Sa pag-aakalang ito ang mas makabubuti, sinugal ng kaniyang ama ang lahat pero nagkamali lamang i...