Kabanata 45
Jean's P.O.V
"A-Anong ginagawa natin dito?" nagtatakang tanong ko kay Maxwell, nasa isa kaming school, parang BH din kasi may mga bampira at tao ramdam ko ang mga kauri ko kaso mga bata ang nandito, ibig kong sabihin ay elementary school yata 'to.
Ngumiti muna si Maxwell bago sumagot. "May sasabihin ako sa'yong sikreto. Pero sana, huwag mo itong ipagkalat." Napanganga ako. May tiwala siya sa akin?
"S-Sikreto?" Tumango siya.
Tumingin ako sa paligid, may mga magulang o yaya ang naghihintay sa bawat silid aralan ng mga bata, mukhang uwian na.
"Dati, umibig ako sa isang tao." Napatingin ako sa kaniya. "Inibig ko siya, sobra. Nagkakilala kami sa BH, ang BH dati pa ay mga pinaghalo-halong istudyanteng bampira, tao, mangkukulam at iba pa, isa siya sa mga taong nagaaral doon. Alam niyang bampira ako, kaya umiwas siya sa akin noon."
Bakit pakiramdam ko sobrang tanda niya na?
Humalakhak siya, sigurado akong nabasa niya ang nasa isip ko. "Jean, kababata ko ang hari." Napasinghap ako. Ganoon na siya katanda?! Bakit hindi halata?!
"Oo. Hindi lang halata dahil sa bampira ako, tito na nga ako nila Dwight at Prince, kami nila Caleb. Kaming tatlo ang laging magkakasama noon sa BH, ako, si Caleb, at si Estevan--Van o ang hari."
God. They are?! Pati si Caleb! Pati, Estevan? Fuck, sobrang dami ko ng nalaman ngayong araw.
"Sikat kami noon. Halos lahat ng istudyante sa BH hinahangaan kami bukod sa pagkakaroon namin ng dugong maharlika. Sa BH namin natagpuan ang magpapatibok ng puso namin..." Napatingin ako sa kaniya, nakatingin lang siya sa isa sa silid aralan dito sa school.
Sa BH...
"Si Estevan ay nagmahal ng bampira, ang reyna, si Elmira. Minahal din siya ni Elmira noon, kaya agad silang nagpakasal wala namang tumutol dahil sa parehas naman silang bampira at nabuo nga sila Prince at Dwight kaso hindi alam ni Estevan na mahal siya ni Mira, matalik na magkaibigan sila noon. Kaya naman sobrang nagpighati si Mira sa nalamang pagiibigan ng dalawa, na humantong nga sa gulong nangyayare ngayon. Naiintindihan ko si Mira sa ginawa niya ang problema lang ay sumobra siya, nawalan siya ng kontrol sa galit niya..." huminga siya ng malalim habang ako ay natuod sa kinatatayuan.
Magkaibigan sila Tita Mira at ang Hari noon? Bakit hindi niya ikinuwento sa akin?
"Kay Caleb naman tayo, si Caleb ay isang lokong lalaki noon, halos lahat ata ng babae sa BH ay napaibig niya, syempre bukod kay Elmira saka sa babaeng mahal niya.." Si Caleb? May minahal? Hindi yata kapani-paniwala.
"Iyong taong mahal niya wala man lang pake sa ginagawa niya kaya ayun, mas pinagbutihan niya ang pagpapaibig sa ibang babae. Nakakatawa lang kasi kahit anong gawin niya, walang epekto. Natandaan ko pa yung sinabi niyang, 'Fuck this witch. Mapapaibig din kita makita mo lang!'..."
"Witch?"
"Yeah, mangkukulam. Ang mangkukulam na si Myra. Ang tita mo. Kahit alam ni Caleb na bawal umibig ang isang bampira sa hindi niya kauri, wala siyang pake ang kaso lang, matigas talaga ang puso ng tita mo. Hindi siya nagmahal, wala siyang minahal. Kawawang Caleb..." Woah. Si Tita Myra? At Caleb?
Magsasalita pa sana ako kaso biglang tumunog ang bell nitong school, nagsilabasan na ang mga bata sinalubong sila ng mga sundo nila. Ang gandang tanawin. Ang mga batang tumatakbo papunta sa sundo nila habang nakangiti.
"At ako." Napatingin ulit ako kay Maxwell, nakatingin siya sa harapan nung silid na kanina niya pa tinitingnan. Kaya napatingin din ako. Isang babae na nasa late 30's na yata at tumatawa habang nakatingin sa batang babae na nasa harap niya na mukhang may kinokuwento ang nakita ko.
Napatikom ako ng bibig. Tuwang-tuwa iyong babae habang nakikinig sa anak niya.
"Mommy! Malapit na po ang family day namin." Nakita kong ngumuso ang bata, tumatawang kinurot lang nung babae ang pisngi nito. May dugong bampira ang bata, base sa nararamdaman ko.
"Nasaan ba kasi si Daddy?! Bakit hindi mo siya kasama ngayon?!" Nagpapadyak pa ang bata na para bang nagagalit. Ang cute niya.
"Maxine." Narinig kong sabi ni Maxwell, alam ko na kung bakit niya tinitingnan ang mag ina, hindi ako slow para hindi maintindihan ang nangyayare.
"Maxwell, is s-she?" mahina kong sabi pero alam kong narinig niya naman.
"Sabi ko sayo noon, ayokong matulad kayo sakin. Umibig ako sa isang tao, galit siya sa bampira, pinatay ng bampira ang mga magulang niya pero napilitan siyang magaral sa BH sa kadahilanang nakatanggap siya ng scholarship dito..."
Nakitingin parin ako sa mag-ina. Ramdam ko ang namumuong luha sa gilid ng mga mata ko.
"Unang araw ng klase, nasa dulo siya si Claxine, ayaw niyang makipagkaibigan, alam mo bang, unang araw palang minahal ko na siya? Wala e', hindi ko madidiktahan ang puso ko..."
"Things don't always go the way we want to," singit ko. Pero hinintay ko ulit siyang magsalita.
"Nakipagkaibigan ako sa kaniya kahit ayaw niya tinamaan ako e', napilit ko siya, hanggang sa naging komportable siya sa akin, umamin ako, niligawan ko siya at naging kami... ilang taon ding naging kami, pero alam naman natin lahat na pagkatapos ng saya, lungkot ang susunod. Nalaman namin na ang Tito ko ang pumatay sa magulang niya at nalaman din iyon ng pamilya ko, pinaglayo kami, ang lupit talaga ng tadhana. Pilit kaming pinaglayo, natuwa ako dahil kahit nalaman niya ay hindi siya nagalit sakin mahal niya ako. Kaso naging mahina ako, sinabi ng ama ko na kapag hindi ko itinigil ang relasyon namin papatayin niya si Claxine, 'yon ang mali at pinagsisisihan na ginawa ko sa buong buhay ko, lumayo ako sa kaniya, pinagtabuyan ko siya at huli na saka ko nalamang may anak kami at 'yon ay si Maxine, 25 siya noong ipinanganak si Maxine ang bata pa niya pero lumaban siya para kay Maxine..nakakalungkot at wala ako sa tabi niya nong mga oras na 'yon..." Umiiyak si Maxwell, ramdam ko kahit hindi ako nakatingin sa kaniya, kahit ako ramdam ko ang pagpatak ng mga luha ko. Buti na lang at walang tao sa pwesto namin.
"Mukhang pwede mo pa namang ayusin ang lahat." Kinalong na ni Claxine ang anak niya saka naglakad.
"Hindi, huli na ako," bumuntong hininga siya.
"B-Bakit--?" Napanganga ako nang makitang may sumalubong na lalaki sa mag ina.
"Daddy ko!" masayang sigaw ni Maxine.
"M-Max--"
"Jean, masaya na ako dahil ipinangalan niya sa anak namin ang Maxine, 'yon ang sinabi ko sa kaniya noon na kapag nagkaanak kami. Masaya na ako..." hindi ko ma napigilan ang sarili ko na yakapin si Maxwell.
He's strong.
"Matagal mo ng alam na may iba na?"
"Oo, at masaya na ako dahil masaya na sila." Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Ang tapang mo. Pero kailangan paring malaman nong bata ang totoo."
"Mahina ako, Jean, at oo alam ko kaso masaya na sila, wala na akong balak na guluhin ang buhay nila." Natahimik ako, handa niyang magparaya.
"Gusto ko lang sabihin sa'yo na, lumaban ka Jean. Huwag kang maging mahina. Ipaglaban mo 'yang itinitibok ng puso mo, bago pa mahuli ang lahat." Tumango ako saka pumikit, tama siya. Kailangan kong ipaglaban. Ako rin ang magsisisi sa huli kapag naging mahina ako.
Being weak will lead you to nothing.
***
Bakit naiiyak ako sa kwento ng love life ni Maxwell? Haha. #Sadlife
BINABASA MO ANG
A Bloody Mess (COMPLETED)
VampirNormal at simple lang naman ang buhay ni Jean noong una kasama ang kaniyang ama ngunit ang lahat ay nagbago nang lumipat siya ng pinapasukang paaralan. Sa pag-aakalang ito ang mas makabubuti, sinugal ng kaniyang ama ang lahat pero nagkamali lamang i...