Kabanata 47

5.1K 140 3
                                    

Kabanata 47



Jean's P.O.V


"Uhm, anong ginagawa natin dito Maxwell?" Nakatingin ako ngayon sa malaking bahay na nasa harapan namin dalawa. For God's sake! Bigla niya na lang akong hinila pagkatapos ay nandito na kami.


Bumuntong hininga siya. "Please do me a favor, Jean." Ha? Pabor?


Tumingin ako sa kaniya, nakatingin lamang siya sa bahay. "Anong favor?" nagtatakang tanong ko.


"Gusto ko siyang makita, mayakap." May dumaang kalungkutan sa mga mata niya. Napakagat ako ng labi.


"Nakita mo na siya kani--"


"Yes, pero gusto kong maramdaman ang presensya niya na malapit sa akin. Gusto kong mayakap siya, mahalikan ang mataba niyang pisngi." Kumirot ang puso ko. Naaawa ako kay Maxwell. Nangungulila siya.


"Anong kailangan kong gawin? At bakit ba tayo nandito?" Tumingin ako sa paligid. Isang subdivision. "Pati, alam ba 'to nila Zion?"


Humalakhak siya, napakunot ang noo ko. "Silly, bahay nila 'to. Akala ko pa naman hindi ka slow." Namilog ang mata at bibig ko. "Wala sila Zion ngayon, don't worry."


Oh.


"Oh, shut up. Ikaw na nga 'tong tutulungan e'. Saka, oo nga pala, hindi ba tayo malalagot paguwi natin?"


"Malalagot kanino?" Tila may pinupunto siya.


"Maxwell."


"Alam kong alam mo na ang halos lahat." Alam ko ring mapapansin niya 'yon. "Tama lang na malaman mo, ito ang mas nakakabuti." Tumango ako.


"Daddy, can we do my homeworks? Together? As in happy family?" Sabay kaming napatingin ni Maxwell sa sasakyang kadadating. Hinawakan niya ang kamay ko at sa isang iglap ay nasa may likod na kami ng isang puno, pero kitang kita parin ang mag anak... na dapat ay kay Maxwell sana.


"Of course, baby," nakangiting sabi nung lalaki, ngumiti rin si Claxine sa anak, nasa labas na sila ng sasakyan, kalong nung lalaki si Maxine.


"Yey! I want foods while doing it, mommy!" Tumawa lang si Claxine saka hinalikan si Maxine sa pisngi bago pumasok.


Tumingin ako sa lalaking kalapit ko ngayon na nakatanaw lang sa pagpasok sa bahay nung tatlo. "Max--"

"I'm okay. Sanay na ako sa eksena nilang 'yan." Ngumiti siya. "Lumaki siyang mana sa mommy niya." Kumislap ang mga mata niya.


Kung pwede lang sanang balikan ang nakaraan at itama ito.


Hinawakan ko ang braso niya sa ngumiti ng malaki. Gusto kong pagaanin ang loob niya, siguro ito ang oras para huwag na munang isipin ang sarili kong problema at tumulong na lang sa nangangailangan.


"Gawin na natin." Napatingin sa akin si Max. "May plano na ako para makalapit ka sa kaniya." Kumindat pa ako sa kaniya, tumawa lang siya. Geez, lolo ko na yata ang isang 'to pero bakit ganito parin itsura niya?


"Nasa dugong bampira na 'yon."


"Huwag mo ngang basahin ang nasa isip ko!"


Tinaas niya ang dalawa niyang kamay habang tumatawa. "Chill, masyado ka lang kasing mabilis basahin." Inirapan ko lang siya. "Ehem, so what's the plan?" Ngumisi ako saka siya binulungan.


A Bloody Mess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon