Kabanata 21
Jean's P.O.V
Pagkamulat ko ng aking mga mata'y hindi ko inaasahan ang makikita ko. Nasa isang hardin ako kung saan maraming bulaklak, meroong isang lamesa sa gitna na may kandila sa ibabaw at mga pagkain.
'"JA, will you be my girlfriend?"
Narinig kong may nagsalita kaya hinanap ko kung nasaan at sino 'yon. Paglingon ko sa gilid ay may nakita akong dalawang tao. Ang lalaki ay hindi ko makilala kung sino dahil nakatalikod siya sa akin may hawak siyang bungkos ng bulaklak. Sa harap niya ay may isang babae na naluluhang nakatingin sa kaniya.
Ang babaeng 'yon ay walang iba kung hindi... ako. Paanong ako ang babaeng 'yon?! Naandito ako sa likod nila. Sinubukan kong lumapit, pero nakakagulat lang nang hindi ko maihakbang ang aking mga paa. Sinubukan ko ring sumigaw pero walang kahit anong salita o boses na lumalabas sa aking bibig.
Anong nangyayare?! Kahit anong pilit ko ay para lang akong istatwa na nanonood sa sarili ko at sa isang lalaki.
"Yes! JD!" masayang sabi 'ko'.
JD... Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko kung sino ang lalaki. Si JD? Naging kami?
Muntik na akong mapaupo nang biglang umikot ang paligid, napapikit ako na lamang ako. At nang maramdaman kong tumigil na ang pag-ikot ay nagmulat na ulit ako at halos mapanganga ako sa gulat sa nakikita ko ngayon.
Lahat ng tao nagtatakbuhan habang hinahabol sila ng mga... bampira.
Nandito lang ako sa tabi at pinapanood ang mga nangyayare katulad kanina ay wala rin akong magawa gusto kong tulungan sila pero hindi ko magawa. Napaiyak na ako sa aking mga nakikita, may mga batang umiiyak, mga tao na sinusubukang makipaglaban, mga tao na walang magawa at hinahayaan na lamang ang mga bampira na inumin ang dugo nila. I can't take this anymore, sana matapos na ito! Those vampires, they are scary and merciless!
Nagulat ako nang marinig kong may nagpaputok ng baril. Pagtingin ko ay si JD iyon kasama 'ako', si Dad, at isang babae. Iyong babae na nakapulang dress lagi sa panaginip ko.
"Mom! Dad! JD!" umiiyak na sabi 'ko'.
Mom? Napatanga ako. Siya ang Mommy ko?! Paano? Sabi ni Dad iniwan kami ni Mom noong bata pa ako! Did he just... nagsinungaling lang siya sa akin?! What for?!
"Shhh, Moon magiging okay lang ang lahat," sabi ng babae na tinawav 'kong' mom habang niyayakap 'ako'. Moon? Tinawag niya akong Moon?
"Kyaaaah! Dad! Sa likod mo!" tili 'ko'.
Nagpaputok si JD sakto sa puso nong bampira at biglang naging abo ito.
"Tita, tito kailangan na po nating umalis dumarami na po ang mga bampira," sabi ni JD.
"Tara!" sabi ni Dad.
Tumakbo sila pero hindi pa sila nakakalayo nang biglang may humarang sa kanila. Isang bampira, pulang-pula ang mga mata nito at ang pangil ay nakalabas na.
"Sa tingin niyo ay makakalayo kayo?!" sigaw nito.
"Pakawalan mo na kami! Hayaan mo na kaming makaalis! Ano bang gusto mo?!" sigaw rin ni Dad.
BINABASA MO ANG
A Bloody Mess (COMPLETED)
VampireNormal at simple lang naman ang buhay ni Jean noong una kasama ang kaniyang ama ngunit ang lahat ay nagbago nang lumipat siya ng pinapasukang paaralan. Sa pag-aakalang ito ang mas makabubuti, sinugal ng kaniyang ama ang lahat pero nagkamali lamang i...