DX 1

4.4K 150 8
                                    

DX One
Enjoy reading!

3rd.

Pagkalipas ng dalawang taon...

Diretso lang ang tingin ni Xylah sa white board habang nag-iingay ang kanyang mga kaklase dahil sa transferee student na nagpapakilala sa harap. Nag-iisa lang siyang nakaupo sa last row dahil tulad no'ng high school pa lang siya ay mailap pa rin siya sa ibang tao. Pero mas naging mailap siya ngayon.

"I am Andrew Alonzo, please be nice to me."

Napatingin siya sa transferee. He was smiling from ear to ear. He looks happy meeting his new classmates. Napaismid si Xylah dahil she will never be happy being in a classroom. Nag-aaral lang siya dahil ito ang gusto ng Mama niya. She felt suffocated being with fake and bogus kind of people.

Muling bumaling si Xylah sa kawalan at nahulog sa malalim na pag-iisip. Bumalik sa kanyang alaala ang nangyari dalawang taon na ang nakakalipas.

She witnessed a murder and the murderer was just a kid who told her things she didn't understand. After that incident, the kid didn't show up again. She looked for the kid in Laroa but no one knows the kid. Xylah tried to ask the registrar of the Primary department but she failed to get a detail. The kid remains a mystery for Xylah.

Nagtataka rin si Xylah dahil hindi pumutok ang balita sa nangyari. Never did anyone talked about it or even mentioned the killed teacher.

Takot na takot siya no'n. Akala niya papatayin din siya ng bata. The kid looks so murderous. But after saying things to her, the kid left her. Pero iniwan sa kanya ang duguang punyal at ang baril.

At siyempre hindi niya iyon kinuha. Natakot siyang baka siya ang magiging suspect sa murder. Pero ang ikinabahala ni Xylah ay ang kakaibang naramdaman niya habang titig na titig siya sa duguang kutsilyo noon.

Ang takot niya ay napalitan ng kakaibang kaguluhan na may halong tuwa. Na para bang tinatawag siya ng duguang kutsilyo na hawakan niya ito at palandasin ang mga daliri niya sa preskong dugo ng namatay na guro.

It was indeed a calling but heck! Sinong matinong tao ang tatanggapin ang calling mo bilang isang killer? Kalokohan!

So Xylah, didn't touch the gun either the knife. She went home horrified and distressed. She became restless for months after that. Akala niya tuluyan na siyang magiging baliw at dahil ayaw niyang mangyari iyon she seek for professional help for her anxiety.

Since then she started taking anti-depressant pill 'till now.

Dahil sa nangyari at para na rin ibaling ang pagiging balisa niya sa ibang bagay, she enrolled herself into a Martial Arts class. Ayaw na niyang mangyari iyon na maging isa siyang kaawa-awang biktima na naghihintay lang na sakmalin ng isang mabangis na hayop.

She's now even do target shooting and practicing weapon wielding such as sword and different kinds of blade.

Nang dahil din do'n ay nahumaling na siya sa action movies or series and action genre novels. Kahit pa tinanggihan niya ang calling ng bloody knife to become a killer, she's still interested with action stuff. There were times that Xylah was unconsciously imagining herself doing a killing spree. She's becoming a murderer on her head sometimes.

Muli siyang lumingon sa harap. She saw the transferee walking to a vacant sit, still grinning and enjoying the attention he was getting from their girl classmates. Galawang fakboy.

Napalingon si Andrew sa kanya at bahagya pa siyang nagulat dahil kinindatan siya nito. Napaismid si Xylah at inayos ang bangs na nakatabing sa kalahati ng mukha.

Napaiwas ng tingin si Xylah nang maramdaman niya ang marahang pag-vibrate ng suot niyang earpiece sa kanang tainga. She simply pressed the small button on it to accept the incoming call of her mother.

District XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon